CHAPTER 60

2.3K 39 23
                                    

GABRIELLA'S POV

Nagising ako dahil sa pagdila ni Jaella sa mukha ko, babangon na sana ako ng marinig ko ang pagbukas ng pinto kaya pinikit ko nalang ulit ang aking mata at nagkunyareng tulog. Naramdaman ko naman ang pag-lapit nito saakin at naramdam ko ang pag-hiwalay saakin ni Jaella

"Shh, baby Jaella wag mong didisturbuhin si mommy Gab mo, pagod siya ih" parang batang saway ni Jaden sa aso, gusto man matawa ngunit hindi oras para matawa sa ganitong kalagayan.

Naramdaman ko naman ang labi ni Jaden saaking noo, saaking pisnge at ganoon din saakin labi. "Im sorry Mob ko hindi ko gustong sabihin ang mga katagang iyon ngunit kailangan. Ayokong malagay ka sa kapahamakan, Mob ko kung gising ka lang sana alam mo bang miss na miss na kita. Gusto kitang yakapin ng mahigpit, gusto kong maglambing sayo, gusto kong sunduin ka lagi, gusto kong sabihin na mahal na mahal kita Mob ko. Mob ko mahal na mahal kita, ikaw lang nandirito sa puso ko" naramdaman ko ulit ang paghalik niya saaking labi, na para bang ako si sleeping beuty na umaamin sa kanyang mahal at hahalikan para magising at maalis ang sumpang nilagay ng isang bruha. Na katulad ngayon ay naalis ang harang saaking isipan, na may dahilan kung bakit tinatago ni Jaden ang kanyang totoong nadarama. At kailangan ko itong alamin...

Naramdaman ko naman ang pag-layo saakin ni Jaden at ang pagtabi nito saakin sa kama. Nang maidilat ko ang aking mga mata ay tanging dilim lang ang aking nasaksihan, hindi ko na naman mapigilan ang maluha at ganon din ang magtaka dahil sa aking mga narinig. Ano bang nangyayari? May pumipigil ba sa kanya o nagtatangka? Ano ding kapahamakan ang tinutukoy niya? Kailangan ko ng tulong nila Grazie, kailangan kong malaman ang dahilan at tinatago ng asawa ko .

******

"Ano? Kapahamakan? Ikaw nasa kapahamakan ka?" tumango ako sa tanong ni Kath, andito kami sa may cafeteria at kinwento ko din sa kanila ang mga narinig ko kay Jaden kagabi at ang mga nangyari.

"Kaya guys kailangan ko ng tulong niyo, kailangan kong malaman ang tinatago ni Jaden" pagmamakaawa ko sa kanila, hindi ko na naman maiwasan ang maluha

" Shh, Gab tatagan mo ang loob mo. Tutulungan ka namin, para saan pa ang pagkakaibigan kung hindi ka namin tutulungan diba? Hayaan mo magtatanong ako kina Wild sa totoong nangyayari kay Jaden" napangiti naman ako sa sinabi ni Grazie, buti nalang talaga at may kaibigan akong tulad nila

"Ako din, tatanungin ko si impakto para sayo. Magiging spy girl din ako!" natawa naman ako sa suhestiyon ni Bea habang nakataas ang isa nitong kamay na aakalain mong isang super hero.

" Yeah that's right isa din ako sa magiging spy girl" agad ko namang silang niyakap at nagpasalamat. Kahit na bagong kaibigan lang namin si Kath naging totoo siya saakin, saamin.

"Teka si Jaden yun diba? Saan naman pupunta yun?" tanong ni Bea napatingin naman kami dito, nakita nga namin itong nag-iisang naglalakad at kita ko ang inis sa kanya... Ano na naman kaya ang nangyayari?

" Tara sundan natin!" yaya ko , agad naman kaming umalis sa cafeteria at palihim na sumusunod sa asawa ko. Nakita ko pang sinipa niya ang basurahan at ganon din ang mga studyanteng natatakot sa kanya.

Patuloy lang kaming sumusunod sa kanya, at kapag nakaramdam siyang may sumusunod sa kanya ay agad naman kaming nagtatago o sumisiksik sa kung saan. Sa totoo lang ay para talaga kaming mga Spy girls at masasabi kong para kaming ewan.

" Hala? Saan na napunta ang asawa mo Gab?" tanong sakin ni Kath ng mapansin naming wala na ito, agad naman namin itong hinanap ngunit hindi na namin ito nakita.

IM SECRETLY MARRIED TO A MR SUNGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon