GABRIELLA'S POV
Dalawang linggo ang lumipas, pansin ko ang pag-iwas at panlalamig ni Jaden saakin. Hindi na din kami nagkakasabay sa pag-pasok at pag-uwi. Lagi siyang nauuna saaking pumasok tapos laging text niya tuwing uwian ay 'nauna na ako' wala man lang ingat at I love you? Tapos tuwing lalapit ako at makikipagkwentuhan sa kanya lagi niyang sasabihin busy siya minsan hindi pa niya ako iniimikan. May problema ba saakin?
Nung isang gabi muktik ko na siyang gahasain eh paano ba naman kasi napuno na ako sa kanya! Ang kinalabasan......
"What are you doing Gabriella! Are you crazy?!"
"What?! Masama bang gawin natin to?! Mag-asawa na tayo!" sigaw ko sa kanya sa totoo lang ay hindi ako komportable sa suot ko, paano ba naman eh nakanighties ako!
"The hell Gabriella! Please stop this crap! Hindi pa nga tayo graduate yan na iniisip mo!" nahiya naman ako dahil sa sinabi niya, tumayo ito at pumunta sa may cabinet ko.
"Magpalit ka na" abot niya saakin ng pantulog habang ang kanyang mata ay sa iba nakatingin. Kinuha ko nalang ito at pumunta ma sa Cr.
Tsss hindi ko na talaga gagawin yun! Ang may pakana talaga non ay si Kath! Grrrr
"Anu yan?! " taka kong tanong habang nakatingin lang sa inaabot niya saakin
"Tanggapin at buksan mo, sigurado akong babalik sa dati si Jaden and Mobby mo! Hahahahah" tinanggap ko nga at binuksan gaya ng sabi niya, nanlaki ang mata ko sa nakita
"Nighties?! " sabay-sabay naming sigaw nila Beatrix habang siya ay nakangisi lang saamin.
At hindi talaga maganda ang planong iyon! Hays nakakainis na bakit kasi nanlalamig ang mokong?!
"Umuulan ah? Hindi ka ba susunduin ng asawa mo?" tanong saakin ni Kath, ngumiti lang ako. Hindi naman niya ako susunduin eh, kung nung una may text or chat pa ngayon ni isa wala.
"Sabay ka na saakin Gab, hatid na kita"
"Ah sige, sunduin na din natin si Nika. Hindi kasi siya masusundo ni Nanay kasi may sakit. Si Cherish may thesis silang tinatapos, si Jaden gaya ko hindi niya masundo" naramdam ko naman ang kamay ni Kath habang hinahagod ang likod ko. Siguro ay ramdam niya din ang lungkot ko, haha
"Tara na! Panigurado kanina pa naghihintay si Nika, mag aalas-dos na din o? Diba ala-una ang labas nila?" tumango nalang ako binuksan niya na ang payong at nakisilong na ako sa kanya.
"Nga pala kamusta na ang mga bruha?" tukoy nito kina Graziella, inumpisahan niya naman paandarin ang kotse at minaneho ito.
"Okay naman sila, busy sa mga lablyf nila"
"Oww? Ehem nangangamoy bitter!" inirapan ko lang ito.
"Hahaha okay lang yan Gab, nga pala kamusta na si Liam at Bea? May development na ba?"
"As usual ganon pa din sila kahit na ikakasal na sa next week. Nabigyan ka na ba ng invitation?" tanong ko dito
"Uh yes? 2 days ago" tumango nalang ako. Umidlip nalang muna ako, tutal ay alam naman ni Kath kung saan ang school ni Nika.
Ano kayang nagawa kong mali? Bakit nagbago na siya? Sabi niya hindi siya magbabago? Pero sabagay people change ano pa nga ba ang aasahan ko.
"Gab andito na tayo" naimulat ko ang aking mata sa narinig, ewan ko ba pero hindi ganoon kaganda ang pakiramdam ko. Ewan ko ba bakit ang panahon ay nakikisabay sa kalungkutan ko.
"Tara na" bumaba na kami at muli akong nakisilong sa payong niya ng makapasok na kami sa school ni Nika. Naabutan namin itong nakaupo sa waiting shed at seryosong nakatingin sa mga ulap.
BINABASA MO ANG
IM SECRETLY MARRIED TO A MR SUNGIT
Roman pour AdolescentsSa dalawang taon nilang kaosal ay walang pinagbago kung paano nila ituring ang isa't-isa, tila bang aso't pusa ang dalawa dahil kasal man sila ay nananaig pa din ang gera sa pagitan nila. Magkakaroon kaya ng pagkakataon na mahuylog sila sa isa't-isa...