CHAPTER SEVENTEEN

7.7K 153 0
                                    

DRYSTAN'S POV

"Saan na kaya siya?" tanong ko sa sarili, bigla nalang kasing umalis si Graziella eh. Gusto ko pa nga sanang ikwento sa kanya yung mahal ko, Alam niyo ba kung sino ang mahal ko? Siya lang naman eh! Si GRAZIELLA UNICE GOMEZ at kung nagtataka kayo kung sino si Cheena? Gawa gawa ko lang yung name na yon para makita ko sa reaction niya kung mahal niya rin ako, may nakapagsabi kasi saakin na mahal niya rin ako at sino? Ang bestfriend niya lang naman na si Gabriella.

TROWBACK:

" Dryst si Grazie" tanong niya habang hinihilod pa ang mata, kakagising lang kasi niya eh

"Hmm? May binili lang saglit, bakit? May kailangan ka ba?"

"Ah eh wala naman, si Jaden di parin ba bumabalik?" tanong nito saakin at parang hinahanap si Jaden.

" Ah oo eh"  sabi ko kaya tumango nalang siya.

" Dryst alam mo...." natigil siya kaya napatingin ako sa kanya. "May gusto sayo si Grazie at mahal na mahal ka niya" nagulat ako sa sinabi niya, so may gusto rin pala siya saakin?

" Huh?! okay?" sabi ko nalang pero nagulat ako ng may biglang bumatok saakin!

"Aray ha! Bakit?!" ang sakit mambatok ni Gab mana sa asawa!

" ' Huh?! okay?' lang ang masasabi mo!" inis nitong sabi, ano ba dapat kong sabihin?

"Eh anong gusto mong sabihin ko?" tanong ko dito pero tinarayan lang ako, parang si Jaden lang kasama ko ah?

" Tsk! Ewan ko sayo! Pero Dryst may pag-asa bang maging kayo ni Grazie?" napaisip ako sa sinabi niya, sa totoo may balak talaga akong ligawan siya pero di ko na nagawa dahil natatakot akong mabasted. Teka nga?! Ang bilis niya naman magtanong ng ganyan!

"E-ewan ko? " sagot ko sa kanya, nahihiya kasi akong umamin eh.

" Tsk! Ewan ko sayo! Tutulungan pa naman sana kitang ligawan siya"

"Sorry pero di ko alam ang sagot sa ngayon eh pero kapag alam ko na magpapatulong ako sayo" sagot ko dito at tumango lang siya.

END OF FLASHBACK

" Te-teka? Bakit niya kasama ang ex niya?" tanong ko sa sarili ko habang nakita ko silang naguusap. Ano kayang pinauusapan nila? Magbabalikan kaya sila at pa-paano na ako?

Umalis nalang ako sa Garden at pumunta nalang sa kahit saan ayoko siyang makitang may kasamang iba! Kasi naman bakit ba dumikit na naman yang Kurtong sa labilabs ko! Nakakainis!

GABRIELLA'S POV

It's been 4 days since ng madischarged ako sa ospital pero hindi parin ako pinapayagan ni SUNGIT na pumasok ngayon! Nakakainis siya! Miss ko na kayang pumasok!

"Teka? Uwian na kaya nila ngayon? Hay nakakainis FRIDAY pala ngayon at wala kaming pasok bukas! Lagi kasi kaming may pasok every saturday kaso wala bukas dahil may event atang gaganapin. Pero ano nga ulit ang dahilan kung bakit Accountancy yung kinuha ni Jaden? NAKAKAINIS KASI EH! BAT BA KASI AKO NADAMAY SA GANYANG COURSE! GIGIL DIN AKO NG MGA MAGULANG NAMIN! SIGURO KAILANGAN NA NAMING MAGPRETEND NI JADEN NA SUPER CLOSE KAMI PARA HINDI NA KAMI LAGING PINAGDIDIKIT SA KUNG SAAN-SAAN!

" Shishamiiiiii~~~"  rinig kong tunog ng text tone ng phone ko kaya napatingin ako.

1 message from Graaaziieee

"Bakit kaya siya nag text?" tanong ko sa sarili kaya agad ko namang binuksan ito.

Graaaziiee:
            Are you at home?

Bakit kaya niya natanong? Pupunta ba siya dito?

ME:
       Yeah? Why? Are you going ?

I replied then after 3 mins. Nagreply na siya kaagad

Graaaziieee:
      Yes? Can I?

ME:
       Yes! What time?

After kung itext yan sa kanya ay bigla nalang siyang pumasok at nagtatakbo papalapit saakin at niyakap ako! Hala?! Kanina pa ba siya sa labas?!

" A-aaah! B-best? D-di a-ako makahi--hinga!" reklamo ko kaya naman agad siyang bumitaw at nag-sorry.

"Best! Para kang baliw! Patext text ka pang nalalaman eh nasa labas ka lang pala ng bahay!" sabi ko dito pero parang may napansin ako sa kanya,parang di siya hyper ngayon at bakit mugto ang mga mata niya?!

" WAIT?! BEST UMAMIN KA NGA?! UMIYAK KA BA?!" umiwas siya ng tingin saakin at umiling.

"Best please? Tell me, what happened?" tumingin siya saakin at bigla nalang umiyak.

"Best! Ayoko ng umibig best! Ayoko na!"-l naawa ako sa bestfriend ko at niyakap siya.

" Shhh labas mo lang best" niyakap ko siya at hinagod ang kanyang likod, teka nga? So it means wala silang pag-asa ni Drystan?!

"Best ang laki kong TANGA! Napaka ITSUSERA ko! Bakit ba akong umasa na magkakagusto siya saakin? Porket may tawagan lang kami?Alam mo best..." napahinto siya saglit dahil sa kanyang paghikbi " Sinabi niya kung sino mahal niya pero taena best mahal din siya non eh at may b-balak pa siyang li-ligawan 'to" niyakap ko lang siya ng mahigpit, saklap naman! Kaya pala hindi makasagot si Drystan sa tanong ko eh!

" At ang pinaka masakit pa ay yung" ramdam ko ang hirap niya sa  pagsasalita dahil sa pagiyak nito at sa sakit na ding nadarama  "Nagpatulong s-siyang ligawan saakin yung m-maswer--teng babaeng yon ta-tapos ang malas pa da-dahil nakita ko si Kurt! Ang walangyang EX ko! "letseng yan! Nagpatulong pa siya sa bestfriend ko! Na MAGPALIGAW?! LIKE SERIOUSLY?! AFTER KONG SABIHIN ANG NARARAMDAMAN NG BESTY KO SA KANYA?! ANO BANG GUSTO NIYANG PALABASIN NA GUSTO NIYANG SAKTAN ANG BESTFRIEND KO?!

" W-WHAT?! WHAT DID HE DO?! " isa pa 'tong Kurt na 'to eh! Pagkatapos niyang iwan bestfriend ko magpaparamdam siya ngayon?!

" He asked me if I can give him a second chance" kumalma naman siya ngayon at pinunasan na din ang luha sa kanyang mga mata

"Did you give him a second a chance?" nako Zie babatukan talaga kita!

" No Gab! I will never give him a chance! He breaks me and that's it! " napangiti naman ako sa naging desisyon niya, aba nagiging matured na besty ko! Congrats! Nabawasan ng karupukam!

"Good Grazie! Move on nalang tayo kahit na mahirap at kailangan talaga! Malay mo may ibang plano si God para sa lovelife natin basta lagi nalang tayo maging handa sa bawat pagsubok na darating diba?" payo ko ata niyakap siya ng mahigpit

" Drama mo best! Eh kamusta naman kayo ni Jaden? Naging close na ba talaga kayo?" napaisip ako sa sinabi niya kung naging close na ba talaga kami pero sa tingin ko hindi naman!

"Mabait lang yun pag nasusugatan hahaha" sagot ko at napatawa nalang kami, ang layo ba naman ng sagot mo sa tanomg niya?!

IM SECRETLY MARRIED TO A MR SUNGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon