DRYSTAN'S POV
"Tulong!!!!" rinig naming sigaw, teka parang pamilyar saakin ang boses na yun?
" Bro! Sino kaya yun?" tanong ni Liam
"Ewan? Pero Liam tumawag ka na ng pulis at kami na ang pupunta doon sa sumigaw " sabi ko, nandito lang naman kami papasok sa may madilim na iskinita. Balak kasi namin na tumambay muna kina Jaden dahil nakakatamad pa talagang umuwi.
Bibihira lang ang dumadaan dito kahit na iniilawan na tuwing gabi, bakit?? Aba't malay ko! Pero sabi ng iilan may nagmumulto daw sa bandang iskinita na ito. Sa katunayan may iba namang daan ang kaso mas shorcut 'to papunta kina pareng Jaden.
Palapit na kami ng palapit at naririnig na namin ang babae na umiiyak at nagmamakaawa.
" Sabing manahimik ka eh!!!" inis na sita ng lalake at akmang susuntukin na sana niya ang--- teka si Gab yun ah?!
Tumingin ako kay Jaden pero wala na ito sa tabi ko, nagulat nalang ako na palapit na siya kina Gabriella at bigla niyang sinuntok ang lalakeng nagtangkang suntukin si Gab, nang sasaksakin na sana siya ng isa pang lalake ay agad na akong lumapit upang mapigilan ito.
JADEN'S POV
Teka si Gabriella yun ah?! Aba't?! Gagong lalakeng yan! Sinisira ba naman ang damit ng asawa ko!
"Sabing manahimik ka eh!!!" inis na sita ng lalake at akmang susuntukin na sana niya si Gab pero di ako makakapayag na masuntok niya ang asawa ko!
Lumapit ako kaagad para suntukin ito! Pero nagulat nalang ako ng biglang sinuntok ni Drystan yung nasa gilid ko. Magaling ako sa pangangarate pati narin si Drystan at Liam dahil sa nagtetrain kami every Saturday and Sunday ng taekwondo.
" Game?" tanong ni Drystan ... "Game" seryoso kong sagot at muli kong sinuntok ang lalakeng nagtangka kay Gab.
" Gago ka ah! Sino ka ba?!" galit na tanong nito at akmang susuntukin ako pero inunahan ko na
"Sino ako? Ako lang naman ang asawa ng pinagtatangkaan mo eh!"galit kong sabi sabay pinagsisipa ito pero bigla pang may nanghampas saakin ng kahoy dahilan ng ikinatumba ko sa sakit at pagtingin ko kay Drystan nakatumba na ang kanyang kalaban.
" JADEN! Sa likod mo!!!" napatingin ako sa likod ko at akmang hahampasin ulit ako ng kahoy pero bago yun......
"GAB!!!" gulat kong sigaw dahil siya ang humampas pero pagkatpos niyang hampasin ito ay ang ikinahimatay niya.
" WHAT THE!!! GAB!!!" sigaw ko sabay lapit sakanya. Pagpawak ko palang ng noo niya ay napagalaman kong may sakit siya , pansin ko din ang paghahabol ng hininga niya.
"Shit! Nilalagnat ka Gab!" nagaalala kong sabi at kahit na masakit ang likod ko ay buong pwersa ko siyang binuhat.
" HOY!!!" Sabay Lingon ko at nakita ko ang una kong nakalaban na may kutsilyo at akmang sasaksakin na ako pero bago yun nasikmuraan ko na siya kahit na buhat buhat ko si gab ng parang bagong kasal.
"Ah shit!" daing ko dahil sa nadaplisan ako ng kutsilyo sa braso dahilan ng ikaupo ko at pagbaba kay Gab.
" BRO!!!" sabay lapit saamin ni Drystan, salamat sa Diyos dahil dumating na din si Liam na may kasamang pulis at ambulansya.
Tsk basta pag may gulo kasama niya na ang ambulansya sa kokontakin pero buti nalang at may ugali siyang ganyan.
"May mapapala naman pala itong pagsama ko ng ambulansya eh" natatawang biro ni Liam."So?" pagsusungut ko, may lumapit na ding nurse at medic saamin. Dahan- dahan nilang nilagay si Gab sa stretcher at dinala sa ambulance car, sumama na din ako
"Kaano ano po kayo ng pasyente?" tanong saakin ng nurse.
"Husband" tipid kong sagot.
"Kayo na bahala diyan ha" paalam ko sa dalawa bago isara ang pinto ng ambulansiya.
Habang wala pa kami sa Ospital sinimulan na nilang gamutin ang nadaplisang braso ko ng kusilyo samantalang chinicheck naman nila ang temperature ni Gab. Napaka-amo ng mukha niya, para siyang isang anghel na ipinagkaloob--- hindi! Sa katunayan isa siyang bangungot sa buhay ko!
Bigla akong umiwas ng tingin kay Gab at tumingin nalang sa iba hanggang sa makarating na kami sa Ospital.GABRIELLA'S POV
Pagmulat ko ng aking mga mata ay puro puti ang bumungad, teka saan nga ba ako? Nasa langit na ba ako? Natuluyan ba akong magawan ng masama ng mga iyon, pero imposible? Dumating sila Jaden para iligtas ako? Iligtas nga ba or panaginip ko lang yun kanina? Pati ang pagpalo ko ng kahoy sa magtatangkang paluin siya ng kahoy panaginip lang ba? Sayang! Kung panaginip lang yun ang angas ko pa naman pumalo!"SAYANG!" sigaw ko pa at parang ma-iiyak pa sa inis.
" Gab! How's your feeling?"
"Ay gwapo!" gulat kong sigaw dahilan ng ikahulog ko sa kama. Ouch! Ang sakit na nga ng ulo ko pati ba naman ng pwet ko!
" Gab! Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Jaden habang tinutulungan akong tumayo. So hindi ako nananaginip?
"Sa tingin mo okay ako?! Ikaw kaya ang mahulog sa kama na mataas ng onti! Saka bakit ka ba kasi bigla nalang nagsasalita?!
" Alangan namang hindi ako magsasalita kung pag-gising mo palang sisigaw ka na ng ' SAYANG!' at parang iiyak ka na anumang oras. Saka alam kong pogi ako kaya wag mo na akong pantasyahin" aba't may pagkamahangin din pala tong lalake na toh ano ho?!
"Mag PAGKAMAHANGIN ka rin pala 'no! Ikaw gwapo sa panigin ko?! Haha in your dreams!" natatawa kong sabi dahilan ng tinarayan niya ko. Minsan napapaisip pa din ako sa tuwing tatarayan niya ako, bakla ba siya? Tapos madalas pa akong sungitan aba?!
" Tsk whatever! By the way, how's your feeling? Are you okay or not? May masakit ba sayo?" nagaalala nitong tanong.
" Relax! Wala pong masakit saakin okay or ibang nararamdaman! Okay na ako! Dont worry so pwede na akong madischarge? " tanong ko.
" No! Hindi pa lumalabas ang laboratory result mo" ano naman pinapacheck ng lalakeng ito at kailangan pa akong ilaboratory?!
"Result ko? At bakit ?" inis kong tanong
" Basta!" aba naman talaga oh! Agigil mo ako!
*tok*tok* sabay kaming napatingin ni Jaden sa may pinto at sila Graziella at Beatrix na may hawak na paborito kong prutas. YIEEEE MAHAL NILA AKO! MAHAL AKO NI MANGO, ORANGE AND AVOCADO!!!
"Whaaa! Gab!!! Kamusta ka na?! Wala bang masakit sayo?!" sabay nilang tanong.
" Ano ba kasing nangyari!" nagaalalang tanong ni Beatrix.
"Relax, okay?! Okay lang ako at wala na akong nararamdaman" sagot ko.
"Gab alis lang muna ako" paalamni Jaden at lumabas ng room, first time niyang magpaalam ha?? Ano kaya nakain non at ang bait-bait?
" Hindi yata nagsusungit si Jaden ngayon ah? Anong nakain?" nagtatakang tanong ni Graziella, inirapan niya pala ako kanina ano di pala siya mabait lol!
"Baka may something sa dalawa?" kinikilig na pang-iitriga ni Beatrix dahilan ng mabatukan ko.
" H-hoy! Wala ah! Nagtataka nga ako kung bakit ganoon si Jaden saakin eh? Pero sa tingin ko walang bago kasi inirapan niya ako kanina" paliwanag ko pa.
"Wewz?Di nga? Ano yun close na kayo?" sabay na tanong ng dalawa.
"Aba't?! Malay ko! Bigla nalang siya naging ganon eh, alam niyo ang iissue niyo! " inis kong reklamo, kahit kailan maissue talaga aba!
"Hahaha okay? Pero ano nga ba nangyari kanina at andito ka sa ospital ngayon?" tanong ni Graziella.
"Oo nga? Saka napansin kong may sugat si jaden sa braso ah " weh? Bakit hindi ko napansin yun?
" Paano mo nalaman? 'Di ko yun napansin ah?Saan banda kaliwa o kanan" tanong ko dahil hindi ko talaga napansin na my sugat pala siya sa braso.
"Tsk! Malamang may nakatakip sa sugat niya at nalilito ako sa kanan at kaliwa! basta nakalimutan ko" sagot niya, tss nakalimutan daw?! Sabihin niya hindi niya alam ang kaliwa sa kanan!
BINABASA MO ANG
IM SECRETLY MARRIED TO A MR SUNGIT
Ficção AdolescenteSa dalawang taon nilang kaosal ay walang pinagbago kung paano nila ituring ang isa't-isa, tila bang aso't pusa ang dalawa dahil kasal man sila ay nananaig pa din ang gera sa pagitan nila. Magkakaroon kaya ng pagkakataon na mahuylog sila sa isa't-isa...