CHAPTER TEN

8.6K 186 3
                                    

JADEN'S POV

           
Hindi ko pa siya kayang kausapin kaya umalis nalang ako, haharapin ko nalang siya kung kaya ko na,sabihin niyo mang BAKLA ako pero hindi ako BAKLA! Sadyang hindi ko lang talaga siya kayang harapin, ang sakit kaya ng pang-iiwan niya!

              
" Oyy! Xavier! Pakopya naman ng homework oh! Please"

                 
"Stop calling me Xavier! At saka bakit kita papakopyahin! Tsk"ayokong tawagin akong Xavier dahil sa madalas itawag iyon saakin ni Irish dati.

                
" Tsk! Sungit mo na naman! Kainis! Hirap kaya ng Calculus!" padabog na umakyat si Gabriella, tsk bakit ko naman siya papakopyahin? Mahirap nga diba? Edi ireview niya!

                    
"Cling...cling...cling" rinig kong tumutunog na cellphone kaya hinanap ko ito kung saan nakalagay hangang sa nakita ko itong natatakpan ng unan, kinuha ko ito at nakita kong may tumatawag kay Brie.

       
" Hoy babae! May tumatawag sayo!" sigaw ko.

          
"Sino naman yan?!" masungit niyang tanong mula sa taas.

           
" Malay ko! Bumaba ka na nga lang nang makita mo!"

             
"Oo na Mr. SUNGIT" nakita ko siyang bumaba at nakapangalis ito, saan kaya siya pupunta?


GABRIELLA'S POV

                   
Hays! Bakit ba kasi ang hirap ng Calculus na 'to eh! Kainis! Sino ba lumikha ng Math sub. na ito?! Kainis ayaw pang magpakopya ng Sungit na yon!
                    
Hay punta na nga lang ako kina Lacson! Magpaturo nalang ako. Nagsuot na ako ng Baymax t-shirt at pinaresan ko ng black jeans ganon din ang paborito kong nike shoes pink, samantalang finishtale ko naman ang aking buhok.

     
" Hoy babae! May tumatawag sayo"- sigaw ni sungit mula sa baba.

       
"Sino naman yan?!"- sigaw kong tanong habang inaayos yung sintas ng sapatos ko

    
" Malay ko! Bumaba ka na nga lang nang makita mo!" aba't ang sungit nga naman! Pinaglihi siguro sa babaeng may regla!

       
"Oo na Mr. SUNGIT"sagot ko at nagmadaling bumaba, kinuha ko naman yung phone mula sa kanya. Tignan mo 'to! Hawak na nga niya phone ko hindi niya man lang tinignan kung sino tsk!

           
Teka sino kaya 'to? Unknow number eh? Sasagutin ko na sana kaso namatay kaya hinayaan ko nalang at lalabas na sana ako kaso...

           
" Saan ka-----" hindi na natuloy ni Jaden yung tanong niya dahil sa tumawag ulit yung unknown number kaya sinagot ko naman agad.

             
"Hello?"

               
( "Zumi its me,Lacson your cousin")
sabi nito sa kabilang linya, teka new number?

                  
" Uy Lacson! New number huh? Ay by the way pupunta pala ako diyan para magpatulong sa homework ko" paalam ko dito

                  
("Yeah sure! By the way I baked cookies") OMG Cookies?! My favorite!

                      
" Whaaaa really?! OMG! My favorite!Bye!"excited kong sabi at lalabas na sana ako ng biglang hinarangan ni Jaden ang pinto.

                       
"Sino yung nakausap mo? At saan ka pupunta?" magtatanong na nga lang may pagsusungit pa!

                       
" Wala ka ng pake doon kung saan ako pupunta" masungit ko ding sagot at tinulak siya. Kaso sa pagtulak ko sa kanya hinila niya ako dahilan na sabay kaming natumba, muntikan niya na naman akong mahalikan! Shit! Hilain ba naman ako!

IM SECRETLY MARRIED TO A MR SUNGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon