CHAPTER 52

3.7K 71 12
                                    

GABRIELLA'S POV

"Ate Gab pwede pong magtanong?" tanong saakin ni Nikaela pagkahiga ko palang sa tabi niya.

"Sure, ano yun baby?" pansin ko ang pagdadalawang isip niya " Niks wag kang mahihiyang magtanong"

"Uhm? Bakit po ba wala parin kayong anak ni kuya Jaden? Diba po ang mag-asawa dapat po magkaroon na ng anak?" tanong nito saakin dahilan naman ng ikapula ng mukha ko, teka? A-ano nga ba ang isasagot ko sa tanong niyang iyun?

"Uhm kasi ano... Ah kasi Niks ..." humingi muna ako ng malalim bago ko sagutin ang tanong niya " Kasi Niks inuuna muna namin ang pag-aaral, at isa pa saka na yun kapag nakapagtapos na kami... Kapag maayos na ang lahat" sagot ko

"Hmm? Ano pong ibig niyong sabihin sa maayos na ang lahat? Ate Gab?" napaisip din ako sa tanong na yun at sa sinabi kong yun, ano nga ba ang ibig kong sabihin dun?

" I mean syempre sa mga pagsubok sa sabay naming lalagpasan, haha alam mo Niks paglaki mo ay maiintindihan mo din ang mga sinabi ko... Pagdadaanan mo din yan paglaki mo" nginitian ko ito at hinalikan sa kanyang noo.

" Hmm Ate Gab, sa paglaki ko ba? Pagpapasiyahan niyo din ba akong ipagkasundo sa iba? Katulad ng nangyari sainyo ni kuya Jaden" para saakin ay hindi, hindi ko siya ipagkakasundo sa iba, gusto ko siya ang makakahanap ng para sa kanya...

" No baby, ikaw ang hahanap ng true love mo.... Hay nako matulog ka na nga at gabi na haha" natawa nalang kami at tumango naman siya, baka mamaya sa kung saan pa umabot ang usapang ito eh.

" Good night ate Gab"

"Good night din baby, love you" pumikit na siya at ganon din ako, si Jaden naman ay nasa kabilang kama at masarap na natutulog, sabihin na nating dala ng pagod at kabaliwan nila kanina

Napagdesisyunan ko na ding matulog ngunit tila hindi nakikisama ang mata ko, parang may something na hindi ko maintindihan, tumayo nalang ako at nag-cr upang maghilamos, alam kong magigising ako lalo dahil sa ginawa kong ito. Ngunit mas gusto ko munang silayan ang paligid bago ako matulog.

Binuksan ko ang sliding door ng terrace at dinama ang simoy ng hangin, ramdam ko ang sariwang hangin hindi tulad sa maynila na puro polusyon ang nalalanghap pati ang mga plastic na tao ay nakikisama din, haha! Biro lang

Sinilayan ko nalang ang mga bituin at ang bilog na buwan, bigla nalang akong nalungkot ng maalala ko si Lalaine...

"Zumi, what if mawala ako? Anong gagawin mo?" tanong niya saakin

" Bakit ka naman mawawala Aine? Kapag iniwan mo ko iiyak ako!"

"Zumi hindi naman ako mawawala eh, chaka nagtatanong lang naman ako"

"Pwamise mo yan ah, hindi ka mawawala sa tabi ko"

"Promise! Im always there fowr yow"
Niyakap ko siya at ganon din ang ginawa niya, ewan ko ba pero ramdam ko ang lungkot habang kayakap siya, pakiramdam ko ay may gusto siyang sabihin ngunit nanatiling tikom ang bibig niya

" Zumi kung malalayo man ako sayo, tumingin ka lang sa bitwin "

"Huh? Bat naman ako titingin sa bitwin? Dyan ka na ba titira? Wait ang sabi nila doon ka lang titira pag gabi kapag namatay ka eh" natawa siya dahil sa sinabi ko

"Hindi ako mamamatay Zumi, yan lang ang magsisilbi bilang ala-ala ko sayo, kasi parang bitwin ako sa buhay mo at ganon ka din shakin"

"Lalaine sabi mo hindi ka mamatay? Sabi mo hindi mo ako iiwan ngunit anong nangyari? Bakit mo ko iniwan? Akala ko pa naman magkikita tayong muli, ng buhay ka" hindi ko maiwasang maluha habang sinasabi ang mga katagang iyon, habang nakatingin sa kaitaasan at sinisilayan ang mga bituin

IM SECRETLY MARRIED TO A MR SUNGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon