CHAPTER 67

1.9K 35 12
                                    

GABRIELLA'S POV

"Okay ka lang ba?" tanong ko kay Kath, lalabas na sana kami para icheck siya dahil ang tagal niyang makabalik ngunit sa pagbalik niya ay halata ang mugto niyang mga mata. Ano kayang nangyari?

"Pwede ba akong yumakap sainyo?" tanong nito saamin na agad naman namin siyang niyakap, ramdam ko ang paghikbi niya kaya agad naman namin itong inalo.

"Anong sinabi ng magulang mo? Pinagsalitaan ka na naman ng nasasakit na sa salita?" inis na tanong ni Zie

"As usual ganon naman ang ganap eh, hayaan mo na sila Kath basta ang mahalaga ay nasabi mo na sa kanila na nahanap mo na si Kyle/Klein" sagot naman ni Bea, tama si Bea ang mahalaga nahanap na si Klein, ngunit sana ay mapatawad na nila ang isa't isa at kung ano man ang naging dahilan ng ate niya kung bakit nilayo niya si Klein ay sana itigil niya na ang masamang binabalak.

"Ate okay ka lang ba?" tanong ni Klein ng makalapit ito saamin, agad naman pinunasan ni Kath ang kanyang luha at hinarap si Klein ng may ngiti sa labi at pinantayan ito.

"Oo naman, okay lang si ate. Aayusin nalang natin ang mga papers mo at makakakauwi ka na sa bahay"

"Talaga ate! Makikita ko na sila Mama at Papa?!" masaya nitong tanong kay Kath ng dahilan ng ikinaiyak na naman nito

"Oo n-naman, p-pag-uwi mo madaming toys sa bahay. Na-naipon na dahil ang tagal mo kasing magpakitang muli saamin eh"biro ni Kath kahit na patuloy lang ito sa pag-iyak.

"Ate bakit ka umiiyak? Andito na po ako oh? Hindi ko na po kayo iiwan" siguro ay nakwento na din nila Jaden sa kanya ang totoong nangyari, agad naman nitong pinunasan ang mga luha ni Kath gamit ang hintuturo nito

"Oo baby boy! Hindi na hahayaan ni ate na mawala kang muli saamin tandaan mo yan, I love you" agad na hinalikan ni Kath si Klein sa noo nito at niyakap

"I love you too ate! Salamat po at hinanap niyo po ako" hinalikan din ni Klein si Kath sa noo at gumanti ng yakap, nakarinig naman kami ng pagkalabog ng pinto na agad naman naming kinalingunan.

"K-kyle? A-anak!" bungad ng mag-asa na sa tingin ko ay magulang ni Kath, agad itong lumapit saamin  binitawan naman ni Kath si Klein at dumistansya dahil sa pag-lapit ng magulang nila.

"K-kayo po ang Mama at Papa ko?" tanong ni Klein sa kanila na agad naman ikinatango nila, kita ko ang saya sa kanilang mukha at agad din nilang niyakap si Klein

"Ahh hindi po ako makahinga! Isa lang po ako d-dalawa po k-kayo" sabi ni Klein, ang cute! Naimagine ko lang paano kaya kapag kami ni Jaden magkaroon ng anak? Ang cute at ang saya!

"I love you" rinig kong pagbulong sa aking tenga, agad ko itong nilingon at niyakap ng mahigpit.

"I love you too" hinayaan ko lang ang sariling nakayakap sa kanya, sa tuwing ganito ang posisyon namin ramdam ko ang kaligtasan.

KATH'S POV

"Ahh hindi po ako makahinga! Isa lang po ako d-dalawa po k-kayo" gusto ko man matawa sa nararanasan ng kapatid ko ngunit hindi ko magawa, hindi pa ayos ang relasyon ko saknya. At mas lalo kong kailangan harapin si ate na ngayon ay katayo lang sa may pinto at dismayado ang mukha.

Nang palabas na ito ay agad ko naman sinundan, gusto kong malaman ang katotohanan. Gusto kong malaman kung bakit nagawa niya yon sa bunso naming kapatid.

"Ate" tawag ko na ikinatigil nito sa pag-lalakad, nakalabas na kami sa sili at buti nalang at walang batang pagala-gala ngayon. Hindi pa namana maganda ang kutob ko, mukhang may mangyayaring hindi maganda...

"Oh sis! Ikaw pala! Salamat naman at nahanap na si Kyle! Hindi mo alam kung gaano ko siya namiss!" totoo ba yan? O kaplastikan lang? Kung oo pwede niya ng itigil hindi na bumebenta saakin

IM SECRETLY MARRIED TO A MR SUNGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon