GABRIELLA'S POV
Pumanik na ako sa taas dahil tapos narin ako mag-hugas. Pumasok na ako sa kwarto ko para maligo narin, Gaya ng kasunduan namin ay matutulog lang kami sa iisang kwarto ngunit di kami ang mga gamit namin.
Natapos na akong maligo , magbihis at mag-ayos ng sarili kaya lumabas na ako ng kwarto ko. Tapos na rin kaya si Jaden???
Bumaba na ako at pumunta kina Gma at Gpa upang mag-paalam. "Gma, Gpa alis na po ako"- nakita ko silang nakahiga ng magkayakap .
" Oh sige Apo, ingat sa pagpasok... Nga pala kumuha kami ng yaya para makakasama namin habang wala kayo"- tumango nalang ako----- Umalis na kaya siya??? Pero baka hindi pa??
"Uhmm??? Gma??? Umalis na po ba si Jaden???"- tanong ko pero tumingin lang sila ng nagtataka saakin "Hindi ba nag-paalam sa'yo Apo??"- takang tanong ni Gma kaya kumunot ang noo ko, ano nga ba ako sa kanya para magpaalam siya saakin???
"Ah Eh??? Hindi po nag-paalam saakin eh"- dapat pala hindi nalang ako nagtanong. " Hay nako! Sabi niya nagpaalam sa'yo! Yung batang yun talaga! Sabi niya apo na mauuna siya sa'yo dahil may pupuntahan siyang importante"- si Gpa na ang sumagot, Mas importante pa ba saakin? Ngunit naalala ko palang never akong naging importante sa kanya.
"Ah sige po, Alis na po ako at baka malate pa po ako"- sabi ko at tumango nalang sila kaya umalis na ako.
Lumabas na ako ng bahay at nakita ko ngang wala na ang sasakyan niya, Malamang umalis na siya eh. Sumakay nalang ako sa kotse ko at nag-umpisa ng mag-drive.
Ng makarating ako sa school ay agad kong pinark ang sasakyan ko at pumunta sa building namin.
Ng makarating ako sa room ay agad kong nilibot ang paningin sa room ngunit wala akong nakitang Jaden o kahit anino niya. Saan naman kaya siya nagpunta??? Saan ba yung 'Importanteng' yun???
Hay nako makaidlip nga muna, baka mamaya ay dumating na din siya..
.
.
.
*after an hour*
" Gab andiyan na si Prof "- rinig kong bulong ni Graziella kaya agad akong nagmulat at umayos ng upo.
" Good Morning"- bati ni Prof kaya binati din namin siya . Wala parin siya???
"Attendance"- nagumpisa na si Sir hanggang sa natapos, wala din si Irish kaya sigurado akong magkasama sila. Siya yata ang 'IMPORTANTENG pupuntahan' nun. Mahal niya pa nga siguro talaga??? Hays! Wala talaga akong pag-asa sa kanya. Mahal niya pa nga siguro si Irish at siguro may balak silang magbalikan.... Kailan niya kaya ako mamahalin???, kailan kaya darating yung araw na ako na ang nilalaman ng puso niya??? Kailan kaya magiging totohanan ang relasyon namin??? Haha! Dami kong mga tanong at ang cocorny pa! Wala eh! Mahal ko yung tao kaso di naman ako mahal.... Mahirap din namang umasa na darating yung araw na mangyari ang iniisip ko, pero dahil sa mahal ko siya handa akong umasa at magpakatanga. Pero hindi ko aaminin na mahal ko siya, ayokong iwasan niya ako at magkailangan kami. Okay na saakin kahit na nagbabangayan kami at kasama ko siya matulog sa gabi.
Dumating ang uwian nang magdamag akong tulala at walang gana. Ewan ko ba pero ngayon lang ako na naging ganito, dala na rin siguro ng pag-iisip ko sa kanya.
" Wala ka pa bang balak umuwi???"- tanong ni Beatrix saakin kaya tumango nalang ako.
"Mauna na kayo, maya maya na ako uuwi"- tinapik lang nila ako sa aking balikat at nagpaalam ng umalis. Muka namang alam na nila kung sino sino ang dahilan. Siguro wala pa siya sa bahay? Baka nakikipagLANDIAN pa kay Irish. Makaalis na nga lang
BINABASA MO ANG
IM SECRETLY MARRIED TO A MR SUNGIT
Genç KurguSa dalawang taon nilang kaosal ay walang pinagbago kung paano nila ituring ang isa't-isa, tila bang aso't pusa ang dalawa dahil kasal man sila ay nananaig pa din ang gera sa pagitan nila. Magkakaroon kaya ng pagkakataon na mahuylog sila sa isa't-isa...