GABRIELLA'S POV
"Ikaw? Sa dami ng taong pwedeng gumawa nito ikaw pa?" hindi ko maiwasang maluha, sa lahat ng ginawa namin sa kanya ito lang ang igaganti niya? Pagkatapos namin siyang patuloyin sa bahay ganito lang ang igaganti niya?
"Im sorry Gab, nagpatira kayo ng ahas sa pamamahay niyo. By the way kami na pala ulit ni Jaden, diba babe" hinawakan nito ang mukha ng asawa ko at dinikit sa kanya
"Gab wag kang magpapaniwala sa kanya! Ano ba Irish bitawan mo ako!"
"Ow hi couz! Thank you for you advice" napatingin naman ako kay Kath na ngayon ay ang sama ng tingin kay Irish
"Seriously Cabel?! Ginawa mo pang ikaw ang kaapi-api sa mga kwento mo saakin?! Cabel bakit?! Bakit mo ginagawa ito?!"
"What the hell Kath mas kakampihan mo pa yang mangaagaw na yan kaysa saaking pinsan mo! The hell lahat kayo mga traydor! "
"Irish itigil mo na ito! Hindi na ako magiging sunod-sunuran sayo! Hindi kita mahal at mas lalong hindi kita mamahalin!" pansin ko ang pag-iyak ni Irish at nagmamakaawang huwag siyang iwan, nakakaawa man ngunit bakit hindi nalang siya magmove on? Saka may asawa na siya diba?
"Please Jaden! Diba ako mahal mo! Wag mo kong iwan! Papatayin ko ang babaeng yan pag-iniwan mo ko! Jaden di ko kayang mabuhay ng wala ka! Please handa akong iannual ang kasal namin ni Lacson para lang sayo! Please babe!"
"The hell Irish sana ginawa mo yan nung mga panahon na nagmamakaawa ako sayo noon! Please Irish hayaan mo ako maging masaya sa taong mahal ko! Palayain mo na ang sarili mo mula sa nakaraan Irish kung hindi mo pa mahal si Lacson ngayon, matututunan mo din siyang mahalin" pagkatapos sabihin ni Jaden ang mga katagang iyon ay parang bagong panganak na sanggol kung umiyak si Irish, hindi ko alam pero gusto ko siyang aluhin kahit naman na ganito ang kinalabasan ay tinuring ko siyang kaibigan. Saka wala naman siyang kasalanan eh, ang may kasalanan ay ang dulot ng pagmamahal sa kanya...
"So ano?! Ganon na lang yon?! Hahayaan kong sumaya ka samantalang ako ito at nagdudusa sa pagmamahal sayo! F*** you ka Jaden! Wala kang kwenta! Nagbabalik na nga ako sayo tapos ganito?! "
"Hoy Irish itigil mo na ito! Maawa ka naman sa sarili mo at sa mga taong nagmamahal sayo! " sigaw ni Bea, kahit si Bea ay nakikita ko na ding umiiyak.
"Hahaha! Hahaaha! Bea ikaw pala yan! My ex-bestfriend! Kamusta ka na? Naalala mo pa ba kung paano mo ako siraan sa mga kaklase natin noon?Wait kailan nga ba nangyari yun? First year high?" nagtatakang napatingin ako kay Bea, hindi ko akalain ang relebasyon na ito wala namang nababanggit saamin si Bea na naging kaibigan niya noon si Irish?
" Im sorry Irish, Im really sorry" napaluhod si Bea habang nakanatiling nakayuko
"Anong ibig sabihin nito Bea?" tanong ni Zie
"Si Bea? Haha mukhang isa din pala kayo sa plinaplastic niya?Wow Bea hindi ka pa din nagbabago?! Hahaha"
"Hindi totoo yan Irish! Maniwala ka saakin tinuring kitang totoong kai----"
"SINUNGALING! KUNG TINURING MO AKONG TOTOONG KAIBIGAN SANA HINDI MO KO SINIRAAN!"
"IRISH MANIWALA KA SAAKIN! HINDI KO GINUSTO YON! HINDI KO GUSTONG SIRAAN KA! AT MANIWALA KA SAAKIN TINURING KITA BILANG TUNAY NA KAIBIGAN"
"Haha ang ganda naman ng palusot mo Bea? Eh itong mga 'to? Tinuring mo ba silang isang kaibigan? I wonder na siniraan mo na din sila sa iba haha"
"Bea totoo ba yun? Naging isa ka nga bang tunay na kaibigan?" tanong ko, ngunit may tiwala ako sakanya alam kong tinuring niya kaming mga kaibigan ngunit gusto ko lang mapatunayan na hindi niya kami pinaplastic alam kong totoo ang pinapakita niya saamin
"Gab maniwala ka man o hindi tinuring ko kayong totoong kaibigan, Oo nung una aaminin ko na nakikisama lang ako sainyo para magkaroon ng kasama at kapag nakahanap ako ng grupo na maaari kong mapabilangan ay iiwan ko na kayo. Kaso hindi ganon ang nangyari eh, mas napalapit ako sainyo. Takot man akong mapalapit sainyo dahil natatakot akong masaktan ko kayo gaya ng nagawa ko kay Irish pero please believe me hinarap ko lahat ang takot na yun kasi pinakita niyo saakin na hindi mangyayari at pagod na din akong sarilihin lahat ng problema" bigla ko naman siyang niyakap samantalang siya ay paulit ulit namang binibigkas ang salitang "Sorry" at alam kong masakit para sa kanya ang nangyari ng past. Naramdaman ko din ang pagyakap ni Zie saamin.
"Oww Wow! Ang ganda ng drama oh?! Plastikan naman ang turingan pwe!"
"Irish pwede bang makinig ka muna saakin kung bakit nangyari yun?! Una sa lahat binabantaan ako ni Aliza na kung hindi ko gagawin iyon mapapatay ang mga magulang ako! Alam mo naman na si Aliza ay napakamakapangyarihang tao! Isa pa sa katunayan ay niligtas kita sa gustong manakit sayo! Gusto ka nilang ipabugbug pero dahil sa ginawa kong yon maliligtas ka ng matuluyan kang malipat sa ibang skwelahan, hindi ko ginusto na gawin yun at malayo ka saakin pero ayon nalang ang naiisip kong paraan" nanatiling nakaluhod si Bea habang patuloy pa din ang kanyang pag-iyak, pansin ko ang pagtahimik ng paligid at naghihintay kung sino ba ang magsasalita saamin ngunit nagulat nalang ako ng parang baliw kung tumawa si Irish na aakalain mong nasisiraan na ito ng bait
"HAHAHA! SO?! TAPOS NA BEA AT SALAMAT SA PAGSIRA NG BUHAY KO AT SA DAMDAMIN KO HA! WALANG NAISIP NA PARAAN? BOBA! UNA SA LAHAT PWEDE MO KONG WARNINGAN NON PERO DI MO GINAWA KASI GUSTO MO NA KONG MAWALA SA BUHAY MO! HAHAHA GANYAN NAMAN KAYO EH! LAGI NIYO NALANG AKONG SINISIRA AT DINUDUROG! WALA KAYONG PAKE SA NADARAMA KO KASI ANG TINGIN NIYO SAAKIN PATAPON! TAPOS SASABIHIN NIYO GINAWA NIYO ITO PARA SA IKABUBUTI KO?! MGA LELANG NIYO! BAKA GINAWA NIYO ITO PARA SIRAIN AKO! TAPOS NGAYON ANO?! SASABIHIN NIYO LAGI LANG KAYONG ANDIYAN AT HANDANG MAKINIG SAAKIN PERO SAAN KAYO NG KAILANGAN KO KAYO? SAAN KAYO NG PANAHONG HINDI KO NA ALAM ANG GAGAWIN?! SAAN KAYO NUNG UNTI UNTING HINDI KO NA MAKILALA ANG SARILI?! SAAN KAYO NUNG PANAHONG GUSTO KO NG MAKAKAUSAP AT MAHIHINGAN NG PAYO NGUNIT ANG SINAGOT NIYO SAAKIN BUSY AKO, SA SUSUNOD NALANG! MASYADO KANG MADRAMA! EH MGA G**O PALA KAYO EH! GUSTO KO DIN SABIHIN ANG LAHAT NG ITO SA MAGULANG KO TAPOS SAMPAL LANG MATATANGGAP KO AT KATAGANG WALA AKONG UTANG NA LOOB?! LET**! AHHHH!" naramdaman ko ang pagyakap saakin ni Jaden, samantalang ako ay patuloy lang sa pag-iyak dahil sa sakit na nadarama saaking nakikita kay Irish habang siya ay nagwawala at patuloy na umiiyak, ang sakit... Ang sakit dahil ngayon niya lang nailabas ang sakit na nadarama niya, ang sakit makita na nagkakaganyan siya ng dahil sa pagmamahal,
"Rish please tama na, kausapin mo ako oh. Sorry kung nawalan ako ng time sa pakikinig sayo, pero please Irosh tigil na nakakasakit ka na oh, nasasaktan mo na ang sarili mo" lumuluhang pag-aalo ni Kath kay Irish habang niyayakap na ito ngunit nagpapalag naman si Irish
"Bakit ganon? Bakit kailangan humantong sa ganito kung kailan hindi ko na kaya kontrolin ang sarili ko! Kath pagod na ko, pagod na ako sa ganitong klase ng mundo na hindi ko maramdaman ang tunay na pag-mamahal" reklamo pa ni Irish na lalong nagpaiyak saakin
"Tama na cauz, tigilan mo na ito. Ayusin mo ang sarili mo, palayain mo na si Jaden gan---"
"HINDI! AKIN LANG SIYA! MAMATAY KA NA GAB!"nagulat ako ng bigla niyang itulak si Kath at tinutok ang baril, rinig ko ang pagkasa nito at pagputok at ganon din ang pag-harang ni Jaden saakin, ngunit sa sobrang takot ay naipikit ko nalang ang aking mata at patuloy sa pag-iyak
"Bang!" hinihintay ko ang sumunod na pangyayari, hinihintay ko ang pagbitaw saakin ni Jaden dahil sa kanyang pagkakaharang ay alam kong siya ang natamaan, ngunit wag naman sana. Sana pagdilat ko saaking mata ay buhay siya
Narinig ko ang pagbagsak nino man, ngunit hindi ito si Jaden pagkat ramdam ko pa din ang pagkakayakap niya saakin. Ngunit hindi ko inaasahan ang makikita, hindi ko maintindihan kung bakit siya nandito? Siya ba ang asawa ni Irish?
"K-kuya Lacson"
-----------+
BINABASA MO ANG
IM SECRETLY MARRIED TO A MR SUNGIT
Fiksi RemajaSa dalawang taon nilang kaosal ay walang pinagbago kung paano nila ituring ang isa't-isa, tila bang aso't pusa ang dalawa dahil kasal man sila ay nananaig pa din ang gera sa pagitan nila. Magkakaroon kaya ng pagkakataon na mahuylog sila sa isa't-isa...