GABRIELLA'S POV
"K-kuya Lacson?" agad ko itong nilapitan, kita ko ang paghihingalo niya dahilan ng ikinaba ko
"K-kuya Lacson! Ba-bakit?! Zie tumawag agad kayo ng ambulansiya!" sa pagsigaw ko non ay ang pagsabay ng pagdating ng mga pulis agad kong ikinandon si kuya sa mga hita ko, hindi ko maiwsan ang maiyak dahil sa nangyayari sa kanya.
"Kuya bakit mo ginawa yun? Kuya naman eh!" pilit itong ngumiti saakin
"Sorry Brie, p-pero please wag n-niyong saktan ang a-asawa ko. M-mabait siya p-please" so siya nga ang asawa ni Irish, bakit ngayon ko lang nalaman?
"Lacson?! Lacson please wag mo kong iiwan! Hindi ko kayang mawala ka! Lacson patawarin mo ako!" kinuha saakin ni Irish si kuya ngunit ang mga pulis ay pilit siyang kinukuha
"Bitawan niyo ko! Kailangan ako ng asawa ko!" kita ko ang sakit sa kanyang mga mata ramdam ko ang pagmamahal niya kay kuya, ngunit bakit niya kailangan gawin ito?
"Lacson please wag mo kong iiwan! Please! Hindi pa naman huli ang lahat diba?! Lacson!"
"I-Irish please, itigil mo na ito... A-alam kong gu-gumaganti ka lang p-pero please i-itigil mo na... L-lagi mong ta-tandaan na mahal na mahal k-kita" kasabay non ang pagkawala ng malay ni kuya at tuluyan ng nahila si Irish ng mga pulis
"BITAWAN NIYO AKO! ANG ASAWA KO! BITAW! KAILANGAN AKO NG ASAWA KO! KASALANAN KO LAHAT NG ITO EH! KASALANAN KO LAHAT! ALAM KONG SA SARILI KO NA MAHAL KO NA SIYA! PERO GUSTO KONG GANTIHAN SIYA KAYA PILIT KONG INAANGKIN SI JADEN! BITAWAN NIYO AKO!"
"SA PRISINTO KA NA LANG MAGPALIWANAG!" kasabay ng pagkaladkad kay Irish ang pagdating naman ng medic, agad naman binuhat si kuya at isinakay sa may stretcher samantalang kami ay sumabay sa kanila agad kaming sumakay ng elevator at pinondot ng nag-aassist ang parking lot , hanggang ngayon ay nakasunod pa din kami hanggang sa makarating sa ambulansiya.
"Sino ang pamilya ng pasyente?"
"Ako po!" agad naman akong sumakay at ganon din ang mga kapwa medic, agad nilang sinagawa ang first aid. Hindi ko sila maintindihan ngunit kita ko kung paano nila irevive si kuya.
Nang makarating sa Ospital ay agad naman kaming sinalubong ng mga Doctor at dinala si kuya sa E.R
"Hanggang dito nalang po kayo Miss" pag-harang saakin ng nurse
"Please save my cousin! Please" tumango naman sila at agad ng pumasok, hanggang ngayon ay hindi ako mapakali at hindi ko alam ang gagawin. Halos hindi na din ako makapag-isip ng maayos.
"Brie" rinig kong tawag ni Jaden agad akong yumakap sa kanya, ewan ko pero ayaw pa din tumigil ang mga luha ko.
"Shh andito lang ako, tahan na" ramdam ko ang paghalik niya sa noo ko hinayaan ko lang ang sarili kong nakayakap sa kanya dahil ramdam kong ligtas ako sa mga bisig niya, aaminin ko ntakot ako kanina sa pagprotekta niya saakin... Akala ko mawawala na siga saakin, akala ko hindi ko na siya makakasama, akala ko mawawala na siya ng tuluyan saakin...
JADEN'S POV
Hindi ko kakayanin na mawala siya saakin, nang itutok sa kanya ni Irish ang baril agad akong humarang at niyakap siya. Hindi ko kakayanin na mawal siya saakin, ngunit imbis na ako ang matamaan ay si Lacson. Ang taong kinamumuhian ko
Pero sa totoo lang ay humupa na ito dahil sa nangyari, gusto kong maayos ang lahat. Kahit na ganon ang nangyari ay may pinagsamahan din naman kami, at utang ko din ang buhay namin ng asawa ko. Sana maksurvive siya dahil madami pa kaming dapat ayusin, at kung hindi dahil sa kanya hindi ko makikilala si Gabriella...Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig
BINABASA MO ANG
IM SECRETLY MARRIED TO A MR SUNGIT
Novela JuvenilSa dalawang taon nilang kaosal ay walang pinagbago kung paano nila ituring ang isa't-isa, tila bang aso't pusa ang dalawa dahil kasal man sila ay nananaig pa din ang gera sa pagitan nila. Magkakaroon kaya ng pagkakataon na mahuylog sila sa isa't-isa...