(A/N: Dedicated to: trisha_esquillo )
GABRIELLA'S POV
Isang buwan ang lumipas at isang buwan na rin kami inoobserbahan ng mga DSWD dahil sa pag-ampon namin kay Nikaela, ngayong araw na din namin malalaman kung tanggap ba kami bilang guardian ng bata
"Mr and Mrs Sebastian legal na po kayo bilang guardian ng bata" balita ni Mrs Klint ang nag-oobserba saamin, nung una ay hindi sila payag na ampunin namin ang bata at maging guardian nito dahil daw sa nag-aaral pa lang daw kami ngunit dahil disidido talaga kami at gawa narin ng tulong ng mga magulang namin ni Jaden ay napapayag namin sila
"Talaga po?! Salamat Ms Klint!" maluha-luha kong tugon niyakap ko naman si Jaden pabalik.
"Kayo na po ang magiging guardian ko?!" masayang saad ni Nikaela, tumango naman kami at niyakap siya. Tamang tama din at pasko na sa susunod na linggo, blessing saamin ang pagdating ni Nikaela saamin
Pinag-sign na din kami agreement bilang patunay na isa na kaming guardian ni Nikaela. "Oh paano alis na ako at may iba pang aasikasuhin, take care and behave always Nikaela" payo pa ni Mrs Klint sa bata
"Kayo ng bahala sa kanya ah" tumango naman kami at nagpasalamat sa kanya, hinatid nadin namin ito sa labas.
"Ate Gab, Kuya Jaden ano naman po ang tawag ko sainyo?" tanong nito saamin habang papasok kami sa loob
"Hmm? Pwede mo naman kaming tawaging Mommy and Daddy kung gusto mo, ikaw ba ano bang gusto mong itawag samin" masayang tanong ni Jaden dito
"Sige po! Ate Gab and Kuya Jaden parin po ang itawag ko sainyo!" napangiti naman ako dahil doon, niyakap ko ito
"Uy may happy complete family na dito oh!" tukso nila Graziella, habang nakasilip sa labas ng gate namin. Natawa naman kami dahil para silang pinalayas sa itsura nila sa labas ng gate
Binuksan naman ito ni Jaden at agad naman silang nagsipasok "Buti naman at may balak pa kayong pagbuksan kami!" reklamo ni Beatrix
"Syempre! Mukha kaya kayong pinalayas! Kahiya naman sa mga kapit-bahay" biro ko sa kanila
"Ay! Ang sama ni Mareng Gabriella! " umakto namang parang nasasaktan si Liam.
"Baliw! Halika na nga kayo sa loob" sabay sabay naman kaming pumasok ngunit napatigil ako ng hindi sumabay saamin si Nikaela, nakita ko ito habang nakatitig lang sa may Garden at para bang may tao
"Nikaela? " tawag pansin ko dito ngunit nanatili lang itong tulala at nakatitig sa may Garden
"Nikaela okay ka lang ba?" nabalik naman ito sa katinuan at tumingin saakin ng may malungkot na mukha, nag-alala naman ako dahil sa inakto niya
"Ate Gab mag-ingat ka kay ate Irish, wag mo pong hahayaan na masira kayo ni Kuya Jaden"
****
Pasko na ngayon at masaya namin itong sine-celebrate kasama ang magulang at mga kaibigan, pati narin sila Nanay Yoli at Cherish. Si Irish naman ay umuwi sa kanila, nagka-ayos na din daw kasi sila ng Mommy niya eh.
"Marry Christmass Nikaela!" sabay naming binigay ang gift namin ni Jaden sa kanya, agad niya naman itong binuksan at natuwa ng makita ang regalo namin.
"Wow! Salamat po dito Ate Gab! Kuya Jaden!" niyakap kami at ganon din kami, complete set of art materials and painting materials lang naman ang niregalo namin na nakalagay sa dalawang kahon. Napansin kasi namin nitong mga nakaraan na mahilig siyang gumuhit at ang gaganda ng mga design niyang damit kahit drawing lang ito. Sa tingin ko nga ay magiging Fashion designer siya sa pag-laki.
BINABASA MO ANG
IM SECRETLY MARRIED TO A MR SUNGIT
Teen FictionSa dalawang taon nilang kaosal ay walang pinagbago kung paano nila ituring ang isa't-isa, tila bang aso't pusa ang dalawa dahil kasal man sila ay nananaig pa din ang gera sa pagitan nila. Magkakaroon kaya ng pagkakataon na mahuylog sila sa isa't-isa...