CHAPTER ELEVEN

8.8K 180 0
                                    

GABRIELLA'S POV

               
Hay salamat! Tapos na rin ang homework ko! Hay bakit ba accountant ang kinuha ko? Kainis kasi sila mama eh! Sila ba naman ang namili ng course ko and the worst is same kami ng course ni SUNGIT at CLASSMATE ko pa! Sinasadya nga naman nila 'no! Saka actually una palang gusto nila sakin ang Business Management for our company pero nagbago ang lahat ng nalaman nila na ang gusto ni Jaden is Accountantancy! At pinagplanuhan pa talaga ng mga parents namin ang pag change ng surname ko, porket ba magaling si jaden sa math?! Halleeerrr! Ang sakit kaya sa uli! Tsk!

       
"Buti naman at umuwi ka na?" nagulat ako sa nagsalita mula sa likod ko. Himala inabangan ako? Ay wait anong oras na ba?

           
" So?" pagsusungit ko

             
"Anong oras na?" tanong niya habang naka simangot, tinignan ko ang oras mula sa wall clock

               
" Hmm....10:00pm" sagot ko sabay tingin sa kanya.

                 
"Seriously Brie?! Ganyan ba ang uwi ng mga babae?! Paano kung mapahamak ka na naman?! Mag-isip ka nga!" bakit siya nagagalit? Bakit siya may pakealam ngayon saakin eh dati naman hindi niya naman ako pinapakialaman ah? Wala nga siyang pake kung kina Graziella ako matulog minsan? Anyare sa kanya ngayon? 
             
Hinawakan ko ang noo niya ng ikinataka at ikinagulat niya, tsk! Baka may sakit eh kaya nag bago pero wala naman?

                
" Anong ginagawa mo?!" masungit na sita nito sabay tabig sa kamay ko.

                  
"Baka kasi may sakit ka eh" sabi ko dito ng nag pakunot sa noo niya

                   
" What do you mean?"

                    
"Nag-aalala ka kasi eh, saka ngayon ka lang nagkaroon ng pake sakin" sagot ko dito.

                     
"Anong sabi mo? NGAYON lang ako nagkaroon ng PAKE sayo?!" inis nitong sabi, teka? Totoo naman kasi!

                     
"Mmm" tango ko

                     
" Seriously?! You did not realize nung niligtas kita? At isa pa yeah you right WALA akong PAKE sayo noon pa man! Kaso ang TANGA mo eh! Kababae mong tao 10:00 pm na umuuwi?! Anong klaseng babae ka?! Mag-isip ka nga?! At nagpapahatid ka pa sa kung sino-sino lang!" nagulat ako sa mga pinagsasabi niya at napansin kong may luhang tumulo sa mga mata ko. Ipagmukha ba naman na ang tanga mo at di ka normal na babae?! Porket matagal ka lang umuwi?!

         
"Anong klase ako? Isa akong TANGANG BABAE NA HINDI MARUNONG MAGISIP AT WALANG PAKE SA SARILI NIYA AT SUMASAMA O NAGPAPAHATID SA KUNG SINO SINO LANG! OKAY KA NA?!"napatigin siya saakin at nagulat dahil siguro sa pag-iyak ko.

             
" At isa pa Jaden hindi kung sino-sino lang ang naghatid saakin!" dugtong ko pa

             
"Bakit? Boyfriend mo?" nagulat ako sa sinabi niya dahilan sa masampal ko siya, sabihin niya ba naman na boyfriend ko si Lacson! Ang kitid naman ng utak ng lalakeng to! Siya nga ang nakikipaglandian sa kung sino-sino tapos itutulad niya ako sa kanya?! Aba?!

                
" Kapal mo! Wag mo kong pag-bintangan na may boyfriend ako! Ano naman kung boyfriend ko siya?! Wala ka naman sigurong pake 'no?! Ikaw nga diyan ang dami mo ng naging girlfriend kahit na kasal tayo, diba?! At sabi mo pa saakin asawa mo lang ako! Asawa mo lang sa papel! At wala kang pake! So shut up ka nalang at panindigan yang mga sinabi mo!" sabi ko dito at nag mamadaling umakyat.
                 

IM SECRETLY MARRIED TO A MR SUNGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon