CHAPTER 70

2.3K 40 14
                                    

GABRIELLA'S POV

Pagkatapos ng nangyari kagabi ay dito na din kami nag-stay sa Isla. Ang ganda dito lalo na bagay talaga siya sa mga mala-romantic na couple kahit hindi talaga kayo romantic haha choss!

"Uy ang ganda naman dito! " puna ko sa restaurant na pinagkainan namin ngayon, napaka-ganda kasi eh, restaurant siya pero aquarium alam niyo yon? Undersea Restaurant pala ang tawag! Hahaha

"Mas maganda ka hahaha" baliw?! Tao ba 'to? Hindi naman ah? Hayo nako Jaden sana okay ka pa!

"Ewan ko sayo! Mag-order na nga tayo!" nag-umpisa na akong mag-order at sinabi ito sa waitress na nag-aassist saamin ganoon din ang asawa ko. Mga ilang minuto din daw ang hihintayin namin, okay lang kahit abutin ng kalahating oras o isang oras sa ganda ba naman ng view na nakikita namin, nakakatuwang makita ang mga isda.

"Anong gusto mong gawin pagkatapos natin dito?" nabaling ang atensyon ko sa tanong niya, ano nga ba? Halos nasulit namab namin ang ilang araw namin nitong nakaraan eh?

"Gusto mo bang mag-diving?" sunod niyang tanong na ikinagulat ko naman, hala diving? Eh hindi nga ako marunong lumangoy eh tapos magda-diving kami?

"Ayoko di nga ako marunong lumangot eh!" inirapan ko lang siya at binalik ang atensyon sa mga isda

"Don't worry I'll teach you, saka hindi mo naman kailangan maging magaling eh dahil makakahinga ka naman sa ilalim kasi may oxygen na ipoprovide. At isa pa kasama mo ako, hindi kita pababayaan" ang sarap naman pakinggan non 'hindi kita pababayaan' pinaparamdam niya talagang safe ka sa mga katagang iyon, may tiwala ako sa kanya dahil ilang beses niya na din niligtas ang buhay ko, maliban doon ay asawa ko siya.

"O bakit? Gwapong-gwapo ka na naman ba saakin? Okay lang yan basta ako lang gwapo sa paningin mo" aba? Makapal ang feslak bess?! Batukan ko kaya siya sa kakapalan ng mukha niya?

"Ewan ko sayo!" bahala siya sa kayabangan niya. Maya-maya ay dumating na din ang order namin, nag-pray muna kami bago kumain. Masarap naman ang pagkain nila at napaka-fresh haha!

Habang kumakain ay nagkekwentuhan lang naman kami ni Jaden about sa kung gaano kasarap ang food at ganon din ang iilan sa mga paborito naming pagkain. Sa totoo lang ay pangatlong order na namin ni Jaden ang kinakain namin ngayon halos gusto din namin matikman ang lahat ng putahe na mayroon sila lalo na yung mga desert whiiii! I miss chocolates!!!

"Grabe busog na busog ako!" reklamo saakin ni Jaden habang hinahawi pa nito ang kanyang tiyan, kakalabas lang namin sa restaurant. Kung tutuusin nga ako ang nagsiubos ng mga inorder namin eh at halos lahat ng putahe nila ay natikman namin, pero bakit ganon hindi ako nakaramdam ng pagkabusog? Saan kaya napunta ang mga kinain ko?

"Gutom pa nga ako eh, tara na nga at ng makapaghanda tayo sa diving session natin hahaha" hinila ko na siya ngunit mukhang tinatamad pa ata, yan kasi ang hina ng panunaw!

"Seriously Mob gutom ka pa?! Eh halos na-order na natin lahat ang nga putahe na meron sila ah? Saka wow! Excited ka ng magdiving session? Hahaha!" baliw talaga! Syempre excited ako baka makakita ako ng sirena eh? Pero syempre joke lang

"Ang sarap kaya ng mga pagkain nila! Tara na nga!" wala na siyang nagawa kundi ang mag-lakad ng maayos, madami na din tao ngayon sa Isla at halos magco-couple ang mga nakikita ko, may ilan naman na family sila. Ang cute nga nung mga bata eh! Tapoa mukhang ang saya pa ng family nila, sana ay ganyan din ang pamilya namin ni Jaden.

"MOB MAUUNA NA AKO SAYO!" hindi mapakaling sabi ni Jaden at agad na nanakbo, nadapa pa nga eh baliw kasi pero bakit?

"HOY BAKIT?!" sigaw ko sa kanya ngunit nagmamadali talaga ang mokong, wala na akong nagawa at tumakbo na din upang masundan siya kaagad. Hindi kaya mag-popoop ang lalakeng iyon kaya ganoon nalang nag-mamadali?

IM SECRETLY MARRIED TO A MR SUNGITTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon