ANDROSS POV
NAGLALAKAD si Andross, sa malaking bahay.
Ang bahay na ito? Paano siya nakapunta kaagad dito? Ang alam niya nasa biyahe pa lang sila patungo Rito at nakaramdam siya ng antok kaya pinaubaya na niya sa pinsan niyang si Froilan, ang pag-drive sa van na sinasakyan nila.
Nakarinig siya ng mga bulungan kaya hinanap niya ang mga bulungan na iyon. Dinala siya ng mga iyon sa isang kwarto. Nakaawang ang pinto nito at nakita niya na may tatlong tao na nakatayo at nakatalikod sa kanya na nag-uusap.
"Sinabi ko sa inyo noon pang pinanganak ko ang batang 'yan, na hindi ko siya anak! Pero hindi kayo nakinig at hinayaan niyong buhayin at palakihin pa ang batang 'yan!" narinig niyang sabi ng boses babae.
"Ano ang gagawin natin? Paano natin siya mapapatahimik?" tanong naman ng isang lalaki.
"Kailangan natin gumawa ng paraan! Hindi maaaring mamuhay pa siya ng matagal sa mundong ito!" diin pa ng babae, na mukhang anak nito ang pinag-uusapan.
Nagulat si Andross nang bumukas ang pinto na pinagsisilipan niya at napatingin ang tatlong tao na nag-uusap sa kanya. Kinabahan siya sa itsura ng mga ito. Malalaki ang mata at itim na itim ang ibaba ng mata ng mga ito.Matalim pa ang pagkakatitig ng mga ito sa kanya.
"Ina, Ama, Tiyo? Ano pong pinag-uusapan niyo?" tanong ng isang babae sa likuran niya.
Ang lamyos at ang ganda ng boses nito. Kaya napalingon siya sa likuran niya at isang magandang babae ang nakita niya. Ang ganda-ganda nito at ang amo ng mukha nito. Ngumiti pa ito ng pagkalambing-lambing.
"Ama, Ina, may sorpresa po ba kayo sa akin? Sa aking ikalabing-dalawang taong kaarawan kaya kayo nagbubulungan diyan?" inosenteng tanong ng babae sa kanyang mga magulang.
"Oo anak," sagot naman ng ina nito, "matulog ka na Cassandra, gabi na," utos sa kanya ng ina nito. Lumapit ito sa kanyang ina at niyakap ito. Kitang-kita ang ligaya sa mukha nito.
"Mahal po kita, Ina." Nakita niya ang gumuhit na sakit sa mukha ng ina ni Cassandra at niyakap rin ito si Cassandra.
"Mahal din kita anak. Mahal na mahal."
Biglang nagbago ang eksena na parang nasa isang pelikula at nakita niyang nakatali si Cassandra, sa isang kama.
"Ina! Ina! Tulungan mo ako!" sigaw ni Cassandra, na umiiyak. Nataranta si Andross at mabilis na nilapitan si Cassandra, gusto niya itong tulungan pero tumagos lang ang kamay niya sa braso nitong nakatali.
Bumukas ang pinto at pumasok ang tatlong tao na nagbubulungan kanina sa isang eksena na nandoon din siya at isa pang babae, na wala sa unang eksena. Parang kilala niya ang babaeng iyon pero hindi niya malaman kung sino iyon.
Bata pa ang babaeng iyon na parang kaedaran lang niya at may hawak itong libro.
"Ina, tulungan mo ako! Ama!" sigaw ni Cassandra na nagmamakaawa.
"Anak ko!" umiiyak na bulalas ng ama ni Cassandra. Nagsalita na ang isang babaeng, na parang pamilyar sa kanya at hindi niya maintindihan ang sinasabi nito. Sumigaw si Cassandra, na parang nasasaktan.
"Ama! Ina! Tulungan niyo ako!" sigaw at pakiusap pa din ni Cassandra. Nakadama ng awa si Andross, pero wala siyang magawa dahil hindi naman niya mahawakan ang kahit anong nandoon.
"Tama na! 'Wag niyong gawin 'yan!" sigaw ni Andross.
May hinawakan na patalim ang babaeng parang pamilyar kay Andross at nilapitan si Cassandra.
"Hindi ka dapat nabuhay pa, Cassandra!" sabi ng babaeng iyon at itinarak ang patalim sa dibdib mismo ni Cassandra.
"Wagggggggg!" sigaw ni Andross. Malakas na sumigaw si Cassandra, na halatang nasasaktan. Diniin pa ang kutsilyo sa dibdib ni Cassandra, walang-awa at walang pag-aalinlangan.
BINABASA MO ANG
Sleeping Beauty
Narrativa generaleWattys2019 Winner Horror & Paranormal Categories Isang lihim ang nabuksan nilang magkakaibigan. Lugar na nasa ilalim pa ng basement na matagal ng nakakandado. Isang napakagandang babae ang natagpuan nila doon, na natutulog lang at dahil sa kapangah...