ANDROSS POV
LAHAT SILA AY kinilabutan at nagulat sa biglaang pagkamatay ng care taker ng pamilya nila Andross. Mabait si Manang Cora at malakas pa ito, nakakagulat na mamatay itong bigla. Hinawakan ni Andross ang balikat ni Mang Lando para damayan ito, dinala na sa punerarya ang katawan ni Manang Cora at ang mga anak na nito ang nag-asikaso at si Mang Lando, naman ay nanghihina na nakaupo lang sa sofa nila sa bahay at umiiyak pa rin.
"Mang Lando, kinalulungkot po naming ang pagkawala ni Manang Cora," pakikiramay ni Angela sa matanda.
"Salamat, iha. Salamat sa inyo." Nilapitan naman siya ni Joni at puno ng katanungan ang mga mata nito na napatitig sa kanya.
"Ano bang nangyari? Bakit biglang nawalan ng malay si Manang Cora at namatay?" tanong ni Joni sa kanya.
Kahit si Andross, ay naguguluhan sa biglaang kamatayan nito. Nang dumating sila Manang Cora at Mang Lando, malakas pa naman ito. Nakikipag-biruan pa nga ito sa kanya at nabanggit na nga niya ang tungkol kay Cassandra, kung may kilala ba siyang babaeng ganoon ang pangalan. Nag-iba bigla ang mood ni Manang Cora at naging seryoso na talagang ipinagtataka niya. Bago pa niya nae-kwento kung saan nila natagpuan si Cassandra, ay dumating at lumapit si Cassandra at kitang-kita niya ang gulat sa mga mata ni Manang Cora, namutla pa ito at lalong tumindi ng nae-kwento na niya kung saan nila natagpuan ang babae saka parang natakot ito at nanikip na ang dibdib at nawalan ng malay. Hanggang sa nawalan na rin ito ng buhay.
"Dross?" tawag pansin ni Joni sa kanya.
"Hindi ko rin alam. Basta pagkita niya kay Cassandra, ay nagkagano'n na siya."Nanlaki ang mga mata ni Joni at biglang naging balisa ito. "Bakit Joni?" takang tanong niya.
"Hindi kaya ang tinutukoy ng babaeng nanggulo sa akin kagabi ay si Cassandra? Dapat 'ata hindi natin siya ginising, eh."
"Joni naman, eh! Uulitin mo na naman ba iyong kagabi? Bangungot lang iyon at walang nangyayaring ganoon sa reyalidad!" inis na sita niya kay Andross.
"Hindi ka ba nagtataka sa mga kababalaghan na nangyayari sa 'tin dito? Isa pa, 'yong uri ng pagpapagising kay Cassandra? Bakit kailangan ng dugo ng birhen? Bakit kailangan may dapat basahin na kung ano bago siya magising?"
"Stop it, Joni! You're just exaggerated, okay!"
"Dross-
"Stop it!" angil na niya kay Joni. Ayaw na niyang haluan pa nang kung anong kababalaghan ang pagkamatay ni Manang Cora. "Respeto na lang sa namatayan Joni. And for now, I can't go home. Kung gusto niyo ng umuwi ay mauna na kayo pero ako ay hindi na muna at makikiramay pa ako kila Mang Lando."
"Hindi rin muna ako uuwi. Makikiramay din ako kila Mang Lando," anito.
"Mas mabuti pa nga. Sige, ihahatid ko na muna si Mang Lando sa bahay nila at tutulungan ko na rin sila sa pag-aasikaso nila sa burol." Tumango lang si Joni.
Nang naglakad na siya palayo kay Joni, napansin niya si Cassandra na nasa puno ng hagdanan at nakatingin ito kay Joni, seryoso at nasa likod nito si Colt, na mukhang hibang na hibang na kay Cassandra. Sabagay sa gandang babae ni Cassandra, kahit sino mahihibang sa kagandahan nito. Kakaiba kasi talaga ang gandang taglay nito at hindi niya alam kung anong merong karisma nito, na nagpapaakit sa kanilang mga kalalakihan. Napipigilan lang niya ang sarili niya dahil mas lamang kasi sa kanya si Angela, na mahal na mahal pa rin niya kaya hindi siya madala sa karisma nito.
Tinulungan niya na muna si Mang Lando at ang pamilya nito, pati sa panggastos ay siya na rin ang sumalo. Matagal ng kakilala nilang pamilya ang pamilya nina Manang Cora, kahit pa ang kalolo-lolohan ni Manang Cora ay kilala ng pamilya nila at matagal na ring mapagkakatiwalaang trabahador ito ng pamilya nila. Kaya hindi na iba ang turing nila sa pamilya nila Manang Cora.
BINABASA MO ANG
Sleeping Beauty
General FictionWattys2019 Winner Horror & Paranormal Categories Isang lihim ang nabuksan nilang magkakaibigan. Lugar na nasa ilalim pa ng basement na matagal ng nakakandado. Isang napakagandang babae ang natagpuan nila doon, na natutulog lang at dahil sa kapangah...