Chapter 6

1.7K 91 7
                                        

JONI POV

GUMUGULO pa rin sa isip ni Joni, ang Cassandra na iyon. Paano napunta ang babaeng iyon sa ilalim ng basement at sino ba talaga ang babaeng iyon? Isa pa, ano ang sinasabi nitong kinulong at pinatulog daw siya ng isang mangkukulam? Nahihiwagaan talaga siya sa babaeng iyon. May misteryo nga ba ang babaeng iyon o nasisiraan lang ito ng bait? 

Napabuntong hininga siya at napatingin sa kaibigan niyang mahimbing nang natutulog sa tabi niya.

"Bakit pinabayaan mo sila? Bakit?" Nangilabot si Joni, sa narinig niyang iyon. Umiiyak kasi ang boses at iyon pa ang sinabi. "Hindi mo dapat pinabayaang magising siya. Hindi dapat,"  iyak-tawa na ito ngayon, na lalong ikinapanindig ng balahibo niya. Agad niyang inalog ang katabi sa sobrang takot na nadarama niya.

"Gela, Gela gising!" 

"Mapapahamak kayo. Mapapahamak kayo." Nanginig na sa takot si Joni, dahil nag-iiba-iba na ang boses nito. Lumalaki-lumilit.

"Oh my God! Gela, gumising ka naman," halos pakiusap niyang sabi kay Angela.
Napahinto si Joni, sa pag-alog sa natutulog na kaibigan nang may nahagip ang gilid ng mata niya kaya napalingon siya at natigagal siya.

Isang bulto ng katawang tao ang naulinagan niya kaya napalingon siya. 

Parang anino lang ito. 

Itim na itim buong katawan nito pati ang mukha.

Nanlaki ang mga mata niya at dama niya na parang lumalaki ang ulo niya sa sobrang kilabot na nadarama.

"Hinayaan mo silang pakawalan siya. Hinayaan mo sila!" nakakapangilabot na sabi nito na parang galing sa ilalim ng lupa. Tumawa pa ito na lalong nagpakilabot sa kanya. 

Naglakad ito palapit sa kanya nang dahan-dahan. Lalong nanlaki ang mga mata niya at hindi na rin siya makagalaw sa kinauupuan niya.

 "Pangahas kayo! Bakit niyo siya ginising!" puno nang galit ito at pulang mga mata nito nang tumitig sa kanya.

Halos tumigil ang hininga niya, nang mabilis itong nakalapit sa kanya at mukha sa mukha silang magkalapit. Naaamoy niya ang mabaho at malansang amoy nito, na halos ikabaliktad ng sikmura niya at kitang-kita niya ang unti-unting naaagnas na mukha nito. Hindi siya makasigaw ni makagalaw. Hindi niya alam kung bakit pero sobra na ang panginginig ng buong katawan niya.

"S-sino ka ba? B-bakit ka nagpaparamdam sa akin?" halos wala ng boses na lumabas sa bibig niya pero kahit paano ay nakapagsalita pa siya at nakapagtanong dito.

Malakas na namang tumawa ito at nanginig na naman ang buong pagkatao niya dahil hinawakan ng dalawang naagnas na kamay nito ang mukha niya. Gusto niyang magpapalag pero hindi niya maigalaw ang katawan niya at napaluha na siya sa sobrang takot.

"Ikaw at ang mga kaibigan mo, ay unti-unting mamamatay. Ikaw at ang mga kaibigan mo ay mamamatay!" sigaw nito na halos ikabingi niya at malakas na tumawa.

"Tama na! Ahhhhhh!" malakas na niyang sigaw.

"Joni! Joni!"  Malakas na sampal ang nagpamulat sa mga mata niya. 

Si Angela! Si Angela, ang nasa harapan niya at umiiyak ito.

"Angela?" Niyakap siya nito at hindi lang pala si Angela, ang nasa kwarto nila. Si Markus, Andross, Froilan, Levi at Mia puno ng pag-alala ang mga mukha nito.

"Angela, may misteryosong babae! May babaeng maitim na nakakatakot!" Naglulumikot ang mga mata niya na tumingin sa paligid kung nandoon pa ba ang babaeng iyon.

"Hey Joni, calm down walang babaeng maitim na nakakatakot dito. Kami lang ang nandito," alo sa kanya ni Markus at hinawakan nito ang balikat niya.

"Meron! At papatayin niya tayong lahat! Tayong lahat!"  Humiwalay si Angela, sa pagkakayakap sa kanya. Puno ng pag-aalala sa mukha nito.

Sleeping BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon