Epilogue

2.5K 87 54
                                        

MADILIM at wala siyang makita kahit ano sa paligid.

Naramdaman niya sa katawan ang isang malambot na kamang hinihigaan niya kaya bumangon siya at tinangkang umalis s pwesto niya ngayon kahit wala siyang maaninag sa buong paligid. Subalit nang itapak niya ang hubad na paa at naramdaman ang malamig na sahig ay nagulat siya kaya naiangat niya muli ang paa pero muling dinama niya iyon nang makahuma siya sa gulat na nadarama.

Nang makasigurado siyang matibay ang tinatapakan niya ay saka na siya tumayo. Subalit nanghihina ang mga tuhod niya kaya napaupo siya sa malamig na tinatapakan saka kinapa-kapa ang paligid at naghahanap ng makakapitan, nang may maramdaman na katabi lang din ng kamang hinihigaan niya ay kaagad niyang iyong kinapitan at ginamit niya upang makatayo.

"Huwag nga kayong maingay! Baka mahuli tayo nila Lolo, eh!"

Nanlaki ang mga mata niya nang makarinig ng boses na sa tingin niya ay medyo may kalayuan sa kaniya at boses iyon ng isang lalake.

"Bumalik na kasi tayo. Nakakatakot naman dito!" sabi pa ng isang boses lalake rin na may kaba pa na namumutawi sa boses nito.

"Mga duwag talaga kayo! Kalalaki niyong tao!" inis ng sabi ng unang boses na nagsalita kanina.

Narinig niya ang paglagatok ng isang bagay at biglang nagliwanag, na nagpasilaw sa kaniya kaya napaupo siya sa sahig dahil nabigla talaga ang mga mata niya sa liwanag na iyon at hindi niya iyon makaya.

"Ha? May kama rito, oh!" narinig niyang sabi ng isang lalake rin ang boses subalit iba na naman iyon.

"Oo nga, ano?" ayon pa ng isa na lalaki rin.

Nang nakaya na niyang dumilat sa liwanag, na mula sa mga dumating ay dahan-dahan siyang tumayo. Nakita niya ang gulat sa mga lalaking dumating at nanlalaki ang mga mata ng mga ito habang nakatingin sa kaniya. Apat na lalake ang nakikita niya, na may hawak na kung ano at may malakas na liwanag na nagmumula doon.

"Sino ka?" sigaw ng isang lalake. Boses iyon ng pangalawang nagsalita kanina. "Tao ba 'yan, pre? B-baka white lady 'yan—"

"Tao ako!" 'agad niyang sabat sa mga ito. "Wala akong gagawin masama sa inyo."

Nagkatinginan ang apat subalit bakas pa rin ang gulat at pagtataka sa emosyon ng mga ito.

"Anong ginagawa mo sa lugar na ito at paano ka nakapasok dito?" tanong din ng isa. Boses iyon ng lalaking unang nagsalita kanina.

"H-hindi ko rin alam. Nasaan bang lugar ako? Bakit ang dilim dito, kanina?" naguguluhang tanong niya.

"Nasa mansiyon ka na pag-aari ng Lolo ko at nandito ka sa underground, kaya nakakapagtaka na nakapasok ka rito. Nakakandado ang lahat ng pinto rito," tugon pa rin ng unang nagsalita kaninang lalake.

Nagulat siya sa sinabi ng lalaking iyon at lalo siyang naguluhan dahil doon.

"A-ano? B-bakit narito ako?" naguguluhang tanong niya. "Ilabas niyo ako rito, parang-awa niyo na. Ayoko rito," naiiyak nang pagmamakaawa niya sa mga lalake.

"Ilalabas ba natin siya rito? Baka maligno 'yan, pre, na itinago ng Lolo mo," tutol ng lalake, na ang alam niya ay iyon ang pangalawang boses na narinig niyang nagsalita kanina.

"Hindi ako malign!" Tanggi niya kaagad. "Joni. Joni, ang pangalan ko. I'm Joni Madrigal, please, ilabas niyo na ako rito. B-baka hinahanap na ako ng mga magulang ko saka si Kuya. John Julienne Madrigal, iyon ang pangalang Kuya ko. P'wede niyo siyang tawagan para makasigurado kayo na tao ako."

"Joni Madrigal?" nagulat na tanong ng isa. Iyong nauna pa ring boses na narinig niya at ang may-ari ng mansiyon na kinaroroonan niya. "Kuya mo si John Julienne Madrigal?" Mamumutawi sa mukha nito, na hindi ito makapaniwala.

Sleeping BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon