JONI POV
"A-AKO po ang tagapag-mana niyo?" hindi makapaniwalang tanong ni Joni sa lola Juanita niya.
"Oo Joni. May kapangyarihan ka na kahit hindi ko ipinamana sa iyo ang akin. Malakas ka, kaya hindi sa'yo magamit ni Cassandra, ang kapangyarihan niya. Na-protektahan mo ang sarili mo at iba mong kaibigan dahil diyan sa kapangyarihan mo."
Naalala niya nang puntahan siya ni Angela sa kwarto niya o ang kaluluwa ni Angela, para humingi nang tulong sa kanya sa pagkakabihag sa kaibigan niya kay Cassandra, biglang sumulpot din doon si Cassandra at tinakot siya, sumigaw lang siya at bigla na lang itong naglaho.
"May sarili akong kapangyarihan, Lola?" hindi pa rin makapaniwalang tanong niya sa Lola.
"Oo, Joni. Marahil ibinigay sa'yo iyan para protektahan ang sarili mo pero dahil hindi ka nag-aral ng pag-aaral na ginawa ko para maging taga-sugpo ng mangkukulam na masasama ay hindi mo ito napapansin. Naging normal pa rin ang pamumuhay mo habang lumalaki ka."
"Pero mahina pa rin iyon Lola, para sugpuin si Cassandra."
"Ipapasa ko sa'yo ang kapangyarihan ko pansamantala pero nangangailangan ka ng tulong."
"Tulong? Tulong nino?" tanong niya.
"Nang taong naging dahilan kung bakit nagising si Cassandra."
"Si Camilla?" gulat na tanong ko, "pero patay na po siya."
"Hindi. Ang birhen na dugo. Tanging birhen na dugo ang magpapabalik sa pagtulog ni Cassandra at ikaw ang papatay sa kanya upang habang-buhay nang maglaho ang masamang mangkukulam na iyon."
"Si Markus!" bulalas niya.
"Oo, iha. Kailangan mo ang tulong niya para masugpo si Cassandra. Nasa libro na maikukulong sa pagtulog ulit si Cassandra, kapag ang mismong ang gumising sa kanya ay ang magbabalik sa kanya sa pagtulog. At mas madali na siyang masusugpo kapag wala na siyang malay at hindi niya magamit ang kapangyarihan niya. Ikaw ang tatapos sa hindi ko natapos at dapat ay masugpo na ang natitirang masamang mangkukulam!"
"Paano kapag hindi namin magawa?" nag-aalinlangan niyang tanong.
"Kailangan mong magawa iyon, Joni." Hinaplos nito ang mukha niya. "Hindi kita pababayaan at gagawin ko ang lahat para protektahan ka. Hindi ako papayag na isa man sa inyo, na mga mahal ko, ang mapapahamak dahil sa kapabayaan ko." Hinawakan niya ang kamay ng Lola Juanita, niya na humahaplos sa mukha niya.
"Nagtitiwala ako sa inyo Lola. Salamat po." Ngumiti ito.
"Joni! Joni! Nagmulat ng mata si Joni, sa narinig niyang sigaw na tumatawag sa pangalan niya at ang sumalubong sa kanya ay ang kuya niya, parents niya at ang parents ni Andross, na bakas ang pag-aalala sa mukha ng mga ito.
Hinila siya ng kapatid paupo at niyakap ng mahigpit. "K-kuya."
"Ano bang nangyari sa'yo at bakit ka nawala ka ng malay? Tinakot mo kami at para kang sinapian eh," nag-aalalang tanong ng kuya niya.
"Anak, ayos na ba ang pakiramdam mo? Ano bang nangyari sa'yo bakit nawalan ka ng malay?" tanong ng ama niya. Lumuhod pa ito para pantayan siya at gano'n din ang kanyang ina.
"Sorry po Mama, Papa, Kuya, kung pinag-alala ko kayo. Nag-usap na kami ni Lola Juanita. At Ma, Pa, Kuya, tignan niyo ito." Ipinakita niya sa pamilya niya ang bituin na balat na nasa pulsuhan na niya.
"P-paanong? Anak, paanong nagkaroon ka ng ganyang balat?" naguguluhang tanong ng Mama niya.
"Si Lola Juanita, pinasa niya po sa akin ang kakayahan niya at sabi niya sa akin ay may kakayahan na raw po ako p-pero dahil hindi ako nagsanay ay hindi ko ito magamit kaya pinasa na niya sa akin ang kakayahan niya."
BINABASA MO ANG
Sleeping Beauty
General FictionWattys2019 Winner Horror & Paranormal Categories Isang lihim ang nabuksan nilang magkakaibigan. Lugar na nasa ilalim pa ng basement na matagal ng nakakandado. Isang napakagandang babae ang natagpuan nila doon, na natutulog lang at dahil sa kapangah...