Chapter 27

1K 56 1
                                    

ANDROSS POV

NAKARATING NA SILA Markus at Andross, sa resthouse nila Andross, magdidilim na dahil sa na traffic pa sila sa biyahe at sa labas na rin nag-agahan at nagtanghalian. Napatitig si Andross sa resthouse nilang parang inabandona na. Wala na kasing naglilinis sa resthouse nila at wala na ring care-taker na nag-aasikaso dahil natakot na sa kababalaghan na nangyari sa bahay na iyon. 

"So? Ano ba kasing gagawin natin dito?" tanong na niya kay Markus.

"Pumasok na tayo at nang malaman na natin ang katotohanan."  

Naguguluhan siyang napatingin kay Markus. Hindi pa rin kasi sinasabi ng kaibigan niya ang dahilan kung bakit gusto nito na bumalik sa lugar na ito.

"Tara na, Dross," aya sa kanya ni Markus.

"P-pero bakit ba kasi? Baka kasi may mangyari na naman sa atin masama diyan," aniya.

"Wala Dross, baka may mailigtas pa tayo if ever, na totoo ang sinabi sa akin,"tugon sa kanya ni Markus.

"Sino?" usisa niya. 

"Basta. Pumasok na tayo," tugon ni Markus na hindi pa rin sinasabi sa kanya ang totoo.  

Naguguluhan man ay wala namang nagawa si Andross kundi pumasok sa rest house at sumunod na lang siya kay Markus. Huminto ito sa harap mismo ng pinto ng basement na ipinagtaka niya lalo.

"Markus, bakit tayo huminto rito?"  

"May enerhiya akong nararamdaman dito."  

Kinabahan si Andross, hindi naman mukhang nagbibiro ang kaibigan niya at kahit siya ay nangilabot sa nararamdaman niya sa lugar na iyon.

"Tingin ko ay dapat hindi na tayo tumuloy rito, eh. Baka mapahamak pa tayo," kinakabahang sabi niya.

"No Dross, we need to know the truth!" pilit pa rin ni Markus.

"Ano ba kasing katotohanan, ha? Bakit kailangan pa natin pumunta rito?" naiinis ng tanong niya kay Markus pero  hindi pa rin sinagot si Markus ang tanong niya at binuksan pa nito ang pinto ng basement saka tuloy-tuloy na pumasok sa loob niyon.

"Markus!" tawag niya rito pero hindi ito tumugon. Wala na rin siyang naririnig na yapak ng mga paa nito. "Shit!" 

Naglakad na rin siya papasok at sinundan si Markus at kahit sa loob ng basement ay wala na rin si Markus, mukhang pumunta na ito sa ilalim ng basement kung saan nila natagpuan noon si Cassandra. Nakadama siya ng takot at pangingilabot dahil parang mas lumalakas ang enerhiyang nababalot sa loob ng basement na iyon. 

"Markus," tawag niya sa kaibigan pero wala na talagang tugon mula rito.  

Napaigtad siya sa malakas na tunog na narinig niya at napalingon siya. Ang lumang elevator iyon, na papunta sa ilalim ng basement. Marahil ginamit ito ni Markus at kusang umangat ito sa basement na kinaroroonan niya. 

"Markus!" kabadong bulalas niya at nilapitan ang elevator. Wala na sa loob ang kaibigan niya. "Fuck!"  

Kaagad siyang sumakay ng elevator at pinaandar na ito pababa at nang makababa ang elevator ay mabilis siyang naglakad para puntahan ang kaibigan.

"Markus!" sigaw niya.  

Nakarating na siya sa kinaroonan ni Markus at niya ito kung saan natagpuan ang dating kwarto ng natutulog na si Cassandra noon. 

"It's true, Dross."  

Napatitig siya kay Markus, na nakatalikod at may tinitignan. Hinawakan niya si Markus, hindi niya maaninag ang tinitignan nito dahil madilim.

Sleeping BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon