JONI POV
HINDI MAKAPANIWALA si Joni, na ang pamilya pala ni Markus ang dahilan kung bakit nangyayari ito sa kanila. Hindi dahil kay Cassandra at sa Lola niya kundi dahil sa pamilya ni Markus. Gusto niyang maiyak, nasasaktan siya sa isipin na ang taong minahal niya ay ang pamilya na nagtulak sa kanya para maging ganito ang buhay at mabingit sa kamatayan.
"Mga manloloko kayo! Niloko niyo lang ako!" narinig niyang puno ng poot na sabi ng Lolo ni Markus, "minahal kita Juana, bakit mo ako niloko at pinagkaisahan niyo pa akong magkaibigan! Kayo ni Matilde!" punong-puno ng puot na sabi nito.
Juana? Iyon ang pangalan ng Nanay ni Lola Juanita at minahal ito ng lolo ni Markus?" hindi makapaniwalang tanong niya sa isip.
"Nagbago ako para sa iyo Juana, tinalikuran ko ang pagiging itim na mangkukulam dahil minahal kita pero anong ginawa mo? Winasak mo lang ang puso ko!" May kinuha itong palayok na may kung anong laman at sinunog nito ang litrato na hawak-hawak saka inilagay sa palayok.
"Isinusumpa ko na ang magiging panganay niyong anak Juan at Matilde, ay magiging sakim sa kapangyarihan,"galit na sabi ng Lolo ni Markus, "ikaw Matilde, magkakaroon ka ng anak na malakas ang kapangyarihan subalit kaluluwa ang kapalit ng kapangyarihan na iyon at lahat ng mga tao ay maaakit sa kanya. Ikaw Juana, ang anak mo naman ay magkakaroon din ng kapangyarihan subalit magiging sakim siya at nanaisin niyang agawin ang kapangyarihan mula sa anak ni Matilde at ang sumpang iyon ay hindi mawawala sa kanila. Magpapatayan sila sa kapangyarihan! Subalit walang kamatayan ang kanilang buhay, katawan man nila'y mawala ay ang kaluluwa at kapangyarihan ay magsasalin upang maglaban hanggang sa maubos ang lahi ng bawat isa sa inyo. Sumpa ito mula sa akin na labis niyong sinaktan at pinagtaksilan!" puno nang poot na sumpa ng Lolo ni Markus.
Malakas na humangin at bumuhos ang ulan na may kasunod na pagkulog at pagkidlat. Napaatras siya sa takot na naramdaman sa kakaibang nangyayari sa lugar na iyon. Hinawakan siya sa kamay ni Markus, marahil napansin nito ang naramdaman niyang takot.
"Sinusumpa ko, hinding-hindi kayo matatahimik hanggang sa susunod na henerasyon ng pamilya niyo!" malakas na sigaw pa nang matandang lalaking nasa harapan nila, "hindi mamamatay ang sumpang ito sa habang-buhay!" parang nag-echo iyon sa buong bahay na kinaroroonan nila at nakabingi iyon na sumuot sa pandinig ni Joni.
Biglang naglaho ang lahat at nasa isang kawalan na sila ni Markus. Silang dalawa lang magkasama, napatingin siya sa binata at marahas niyang kinuha ang hawak nitong kamay niya.
"Una pa lang ba ay alam mo na ang lahat nang ito, Markus?" tanong niya kay Markus. Puno nang lungkot na tumango ito at hindi na makatingin pa sa kanya. "Noon pa man kilala mo na ako? Kaming lahat?" nagpipigil na galit na tanong niya ulit sa binata.
"J-Joni, iyong ipinakita ko, iyong pinaramadam ko sa'yo, lahat ng iyon totoo. Mahal talaga kita una pa lang kitang nakita. Una pa lang ipinakita sa akin ni Lolo ang mukha-
Hindi na naituloy pa ni Markus, ang lahat ng sasabihin nito dahil malakas na niya itong sinampal.
Ang sakit-sakit! Niloko lang siya ng taong ngayon ay mahal na mahal na niya. At kung alam pala lahat ni Markus ang lahat ay bakit nito hinayaan na magising pa sina Cassandra? Bakit niya hinayaang umabot sa ganitong kalala, na kahit siya ay nakuha ang masamang kapangyarihan mula sa Lola niya? Ang sumpa ng Lolo ni Markus sa Lola niya at kay Cassandra.
Puno ng galit siyang napatitig kay Markus, nangnginig ang buong kalamnam niya sa galit.
"Alam mo ang lahat ng ito, Markus! Alam mo na maaari itong mangyari pero bakit hinayaan mong magising si Cassandra? Bakit hinayaan mong umabot sa ganito?" sigaw na niya rito, "gusto mo rin bang ubusin ang pamilya namin ni Andross? Gusto mo bang pati kami madamay sa sumpa ng Lolo mo sa mga ninuno namin ni Andross?"
BINABASA MO ANG
Sleeping Beauty
General FictionWattys2019 Winner Horror & Paranormal Categories Isang lihim ang nabuksan nilang magkakaibigan. Lugar na nasa ilalim pa ng basement na matagal ng nakakandado. Isang napakagandang babae ang natagpuan nila doon, na natutulog lang at dahil sa kapangah...