Chapter 30

1.3K 56 1
                                    

JONI POV

"SI ANDROSS? nasaan siya?" tanong ni Joni sa matanda nang maalala niya na kasama pala niya si Andross palakbay sa lugar na iyon subalit sa pagmulat ng mga mata niya ay wala na ito at mag-isa na lang siya. 

"Ang kaibigan mo na dalaga ang nais niyang matagpuan kaya marahil nandoon siya kung nasaan naroon ang dalaga," tugon sa kanya ng matanda.

"Pero nandito si Angela?" naguguluhang tanong niya.

"Ang katinuaan niya ay wala rito dahil nasa ibang demensyon iyon at iyon ang matatagpuan ng binatang naghahanap sa kanya." 

"Kaya ba hindi ko siya makausap ngayon?" niniguradong tanong niya ulit.

"Oo, iha. Hanggat hindi natin nalalaman kung saan inilagay ni Cassandra ang kaluluwa niya ay hindi siya babalik sa katinuan niya." 

Napatitig siya muli sa wala sa sariling kaibigan niya nakadama siya nang matinding-awa rito lalo pa't hindi naman dapat ito madamay sa sumpa ng pamilya nila.

"Kung makakabalik si Juanita rito ay pipilitin kung matapos ang sumpa. Iyon naman talaga ang dahilan kung bakit hinayaan kong muling gumising si Cassandra, para matapos na ang sumpang ito at para matahimik na rin kaming lahat."

"Marahil sa'yo nga manggagaling ang katapusan ng sumpa dahil ikaw ang nag-umpisa nito," hinuha niya.

"Kaya ako rin ang magtatapos nito. Hinihingi ko lang ang iyong tulong iha, sana 'wag mo itong ipagkait sa akin," nakikiusap ng sabi sa kanya nito.

"Kahit hindi mo hingiin ay kusa kong ibibigay ang tulong ko upang matapos na ang gulong ito."

"Salamat iha, salamat." 

Napangiti na lang siya sa matand saka pumikit na si Joni.

"Lola Juanita, magbalik ka na sa lugar na ito." 

Nagdilim na ng tuluyan ang paningin ni Joni at nawalan na siya ng kamalayan.



ANDROSS POV

"ANGELA! Angela!" sigaw ni Andross sa rest-house nila. 

Nang magmulat siya ng mga mata ay siya na lang mag-isa at nandoon man siya sa rest-house na pag-aari nila ay iba ang itsura nito sa itsura ng nakasanayan niyang rest-house at malaki ang pagbabago nito may mga kagamitan pa na mga luma na at mukhang nasa sinauna siyang lugar. 

"Angela! Angela!" tawag pa rin niya sa dalagang minamahal.

Kailangan niyang mahanap ito at mailigtas, marahil nandito lang ito kung nasaan siya.

Tumakbo siya papuntang basement kung saan natagpuan nila ni Markus ang sunog na katawan na pag-aari ni Cassandra pero nakakulong ang kaluluwa roon ni Angela.

"Angela!" bulalas niya. 

Nakadama siya ng matinding pag-aalala at takot sa itsura ni Angela, na nakahiga sa kama kung saan natagpuan nila si Cassandra. Agad niya itong nilapitan at mangiyak-ngiyak siya sa dinanas ni Angela sa lugar na iyon. 

Halos buto't-balat na ito at namumutla na ang mukha nito. 

"A-angela. H-hindi!" Napahagulgol siya. Niyakap niya ito at ni hindi siya natinag sa itsura ng minamahal, "sorry, Angela. Sorry," humahagulgol na hingi niya ng tawad sa nobya.

"D-dross." Agad siyang napatitig sa mukha ni Angela, nang magsalita ito, "D-dross, nandito ka. Ikaw ba talaga iyan?" nanghihinang naniniguradong tanong nito sa kanya.

Sleeping BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon