Chapter 26

1.1K 55 2
                                    

MARKUS POV

"MAAM, ayos lang po ba kayo?" nag-aalalang tanong ng truck driver kay Joni.  

Mabilis nilapitan ni Markus ang dalaga at hinila kay Julian para yakapin din. Mabuti na lang at huminto ang truck, sobra ang naging pag-aalala niya rito. Akala niya matutuluyan na ito. 

"Anong nangyari? Bakit huminto ang truck?" tanong ni Joni.

"Hindi namin alam pero 'wag mo nang uulitin iyon. Sobra mo kaming pinag-alala," tugon niya sa dalaga. 

"Doon na tayo sa gilid, nakakaabala na tayo rito," kuha sa kanila ng pansin ni Andross.  

Mabilis silang pumunta sa gilid ng highway at kinausap pa ng kuya ni Joni, ang driver ng truck at nang matapos ang usapan nila Julian at ng driver ay lumapit na sa kanila si Julian.

"Joni, ano ka ba? Muntikan mo ng patayin sarili mo!" puno nang pag-aalalang ssita ng kuya ni Joni kay Joni.

"Pero kuya iyon na lang paraan!" diin ni Joni sa kapatid.

"Joni, may paraan pa! Labanan mo iyan at si Markus, tutulungan ka niya!" tugon naman ni Julian,

"Kuya, nakapatay na ako! Nakapatay na ako kaya halimaw na ako." Napahikbi na naman ito. Niyakap na ito ng kapatid niya.

"Sorry bunso, sa nasabi ko. Hindi ka halimaw, iyang kapangyarihan mo ang ipinasa sa'yo ni Lola, iyan ang may gawa ng lahat. Kaya dapat maalis 'yan sa'yo," alo ni Julian sa kapatid,

"Pero paano natin magagawa 'yon?" tanong ni Joni.

"Si Markus, may kakayahan din siya," tugon ulit ni Julian. 

Napatingin sa kanya si Joni, na may pagtataka sa mukha.

"I will explain to you later, Joni," 'agad niyang tugon sa dalaga.

"Iuuwi na muna kita, Joni. Baka nag-aalala na sina Mama at Papa sa'yo," sabat ni Julian.

"Uuwi ka na ba, kuya? Nag-aalala sayo sina Mama at Papa."

"Oo, uuwi na ako." 

Doon na ngumiti si Joni. "Salamat kuya." Ginulo nito ang buhok ni Joni.

"Ang dungis mo na tuloy,"  Tumingin sa kanya si Julian, "iuuwi ko na muna si Joni, tawagan ko na lang kayo."

"Oo," tugon na lang niya kay Julian. 

Lumapit si Angela kay Joni, na nakangiti.

"Mabuti at hindi mo itinuloy ang pagpapakamatay Joni, sobra mo kaming pinag-alala." 

Hindi nagsalita si Joni. Tumitig ito kay Angela, na parang inaarok si Angela.

"Joni," tawag-pansin sa kanya ni Andross.

"Ah, s-salamat sa pag-aalala niyo," tugon ni Joni.

"Ayos ka lang ba, Joni? 'Wag kang pako-kontrol sa masamang kapangyarihan mo. Kaya mo 'yan," sensirong payo sa kanya ni Angela.

"Oo Angela, alam ko naman lagi kayong nandiyan," tugon nito. Niyakap ni Joni si Angela, na ginantihan naman ni Angela. 

"Tara na Joni," yaya na ng kuya ni Joni.

"Opo."  

Hinawakan na si Joni ng kapatid nito pero bago pa ito sumama sa kapatid ay nilapitan na muna siya ni Joni at niyakap siya nito, may sinabi ito na pabulong at saka ito tuluyang sumama sa kapatid.  

Nagulat si Markus, sa narinig niyang sinabi ni Joni pero mukhang seryoso ito sa sinabi at kailangan niyang alamin kung may katotohanan ba ang narinig niya dahil delikado talaga ang buhay nila, kung sakaling may katotohanan ang lahat ng iyon. Hindi lang si Joni ang kailangan nilang harapin kung sakali kundi dalawa na ang mga ito at baka mahirapan siya kapag nagkataon. 

Sleeping BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon