Chapter 23

1.1K 55 0
                                    

JONI POV

"M-Markus!?" bulalas ni Joni, nang makita si Markus na nandoon sa condo ni Lemuel. Lumapit ito sa kanya at hinila ang braso niya.

"Anong ginagawa mo, Joni? ANO?" sigaw nito sa kanya at halata ang galit sa mukha ng binata. Napatingin siya sa walang malay na si Lemuel at nanlaki ang mata niya. Hindi niya alam ang nangyari at kung bakit ngayon ay wala ng malay si Lemuel sa tabi niya.

"A-ano bang ginawa ko?" naguguluhan niyang tanong kay Markus.

"Papatayin mo ang lalaking 'yan!" sigaw ulit ni Markus at nagilalas siya.

 Oo pumunta siya rito para takutin si Lemuel, para hindi nito ituloy ang masamang balak pero ang patayin ito ay malayo sa plano niya at hindi niya naisip kailan man na pumatay ng kahit sinong tao.

"H-hindi! Anong nagawa ko?" Napatitig siya sa namumutlang mukha ni Lemuel. 

"Napatay ko siya! Hindi. Hindi!"  Napaluha na siya.

Naramdaman niya na niyakap siya ni Markus. "He's noy dead yet," tugon sa kanya ni Markus at kahit paano ay nawala ang takot niya dahil hindi pa pala niya napatay si Lemuel, "let's get out of here."

"B-but how about Lemuel?" tanong niya.

"He will be okay. Mamaya magkakamalay din siya," tugon ni Markus.

"P-pero may plano siyang masama sa Papa ko. Papatayin niya ang Papa ko, para makuha niya ang kompanya at lahat ng ari-arian namin. Baka kapag iniwan natin siya rito ay ituloy na niya plano niya."

"Ako ng bahala doon at hindi mapapaano si Tito. Don't worry." Hinila na siya ni Markus palabas ng unit ni Samuel. Hinubad ni Markus, ang leather jacket nito at isinuot sa kanya.

"Plano mo bang akitin ang lalaking iyon, ha?" Dama niya ang inis sa boses ni Markus.

"H-hindi ko alam. Basta ang alam ko ay galit ako sa kanya at kailangan kong mapigilan ang masama niyang plano." Bumuntong hininga si Markus.

"Paano mo nga pala nalaman na nandito ako?" tanong niya sa binata. Nakakapag-taka rin kasi na nandito si Markus pero mabuti na rin dahil kung hindi ito dumating ay baka napatay na niya nang tuluyan si Lemuel.

"Nakita kita na palabas ng bahay niyo na ganyan ang suot kaya sinundan kita. Dadalawin sana kita eh, kaso nakalabas ka na," tugon ni Markus sa kanya.

"Mabuti na rin na dumating ka. Nawala ako sa sarili ko at baka kung ano nang nagawa ko sa Lemuel, na 'yon."

"Mabuti na nga lang." Hinapit nito ang bewang niya nang sumaky sila sa elevator hanggang sa nakalabas sila ng elevator at tumungo kung nasaan ang kotse nito naka-park.

"Iuuwi mo na ba ako?" tanong niya rito.

"No. We need to talk. Kailangan kong malaman kung paano mo nagawa iyon sa Lemuel na iyon," tugon nito sa kanya.

"I really don't know. Basta ang alam ko Markus, galit ako sa kanya at kailangan kong pigilan ang masama niyang plano sa Papa ko."  Malakas na napabuga ng hangin si Markus.  "H-hindi kaya Markus, dahil kay Cassandra 'yon? B-baka ginamitan niya ako ng kapangyarihan kaya nagkaganoon ako,"hinala niya. 

"Pero wala na si Cassandra, Joni! Ikaw ang may gawa niyon sa lalaking iyon! Iyong kapangyarihan mo, iyan ang sisira sa'yo!" galit na tugon sa kanya ni Markus. Nabigla siya dahil bigla na lang itong nagalit sa kanya at idinidiin pa nito na siya ang may gawa niyon kay Lemuel at dahil iyon sa kapangyarihan niya.

"Kapangyarihan? Hindi ako masamang tao Markus, alam mo 'yan at malabo kong gawin 'yon kahit may kapangyarihan pa ako!" diin niya kay Markus. 

"Pero nako-kontrol ka ng kapangyarihan mo!" diin din nito sa kanya.

Sleeping BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon