Chapter 31

1.5K 53 4
                                    

ANDROSS POV

"HINDI KO NA kaya, Dross, bitawan mo na ako," nanghihina ng sabi ni Angela kay Andross. Lalong umagos ang mga luha ni Andross sa mga mata niya. Buhat-buhat niya si Angela at nakikita niyang malapit na itong bumigay.

"Ililigtas kita ha, 'wag kang bibitaw," sabi niya kay Angela. Naglakad na siya paakyat sa hagdan palabas ng basement.

"Mahal na mahal kita, Dross," nanghihinang sabi ni Angela sa kanya.  Nang makalabas sila ng basement lumaylay na ang kamay ni Angela.

"Gela? Gela?" umiiyak na tawag niya sa minamahal pero wala na itong tugon sa kanya. Napaupo siya sa sahig at niyakap ito, "Angela!" sigaw niya at  puno ng sakit ang mga hagulgol niya. 

Naghihinagpis siya dahil wala na si Angela at hindi nya ito nailigtas dahil ngayon wala na itong buhay. 

"Paano na ako kung wala ka? Angela, mahal ko," humahagulgol na sabi niya sa walang-buhay na katawan ni Angela. 

Niyakap niya ito nang mahigpit at walang-tigil ang mga luha niya, nanghihina siya. Hindi niya matatanggap na dahil sa kanya at dahil sa pamilya niya ay nawala ang taong minamahal niya na wala man lang siyang nagawa. 

"Angela," humahagulgul na sambit niya muli sa pangalan ng minamahal. 

"Dross."  Narinig niyang tawag sa kanya at nang tignan niya ito ay si Joni iyon.

"Joni," tawag niya.  Ngumiti si Joni at inilahad ang kamay nito sa kanya.

"Umuwi ka na, Dross,"anito.

"J-Joni, hindi pwede. S-si Angela. Si Angela ay maiiwan dito. Hindi pwede, hindi," umiiyak na tutol niya kay Joni.

"Kailangan mo ng bumalik pa sa katawan mo Dross, matatapos na ang sumpa at kapag inabutan ka rito ay hindi ka na makakaalis pa rito habang-buhay," patuloy na sabi nito.

"Paano si Angela? Hindi ko siya pwedeng iwan dito!" diin niya kay Joni. 

 Kinuha ni Joni ang kamay niya.  "Wala na tayong magagawa pa, Dross," iyon ang sinabi ni Joni at nagulat siya nang parang abong unti-unting nawala sa kamay niya si Angela.

"No! No!!! 



Napabalikwas si Andross. 

Nanalalabo ang mga mata niya.

"Dross!" narinig niyang tawag ng pamilyar na boses sa kanya. 

Itinayo siya nito.

"Markus, anong nangyari?" kaagad niyang tanong kay Markus nang luminaw ang paningin niya at makilala kung sino ang nagtayo sa kanya.

"Nakabalik ka na pero bakit ikaw pa lang? Si Joni? Nasaan siya?" 

Agad siyang napatingin kay Joni na nakahiga pa rin sa sahig.

"Hinila niya ako kaya dapat kasama ko siya," naguguluhang tugon niya kay Markus.

"Pero wala pa siya," sabi ni Markus. 

"Si Angela! Si Angela!" 'Agad niyang nilapitan ang sunog na katawan ni Angela. 

"Hindi pa rin siya nakakabalik," narinig niyang sabi ni Markus. 

Tumulo ang mga luha niya at niyakap si Angela. "Wala na si Angela, Markus. Sumuko na siya."  Nakita niyang natigagal si Markus at may bumahid na lungkot sa mukha nito.

"Patawarin mo ako, Dross, dahil wala akong nagawa," nakokonsensiyang hingi ng tawad ni Markus. 

Patuloy lang ang mga luha niya habang  yakap niya ang sunog na katawan ni Angela.

Sleeping BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon