Chapter 9

1.4K 77 3
                                    

JONI POV

NANLAKI ANG MATA ni Joni, sa sinabi sa kanya ni Markus. Anong sinasabi nito? Nagulat siya lalo nang hilahin siya nito.

"Markus, ano ba! Saan mo ako dadalhin?" sigaw na niya.

"Sinabi ko na sa'yo! Magiging akin ka!" nag-aapoy ang mga matang sigaw nito.

Nanindig ang balahibo niya. Hindi si Markus ang kaharap niya hindi siya ito, dahil hindi ganitong klaseng tao ang Markus, na kilala niya. Lalong nanindig ang balahibo niya nang may itim na babae ang nasa likod nito. Nanlalaki ang mata ng itim na babae at may ibinubulong ang itim na ito sa tenga ni Markus.

"Markus, anong gagawin mo?" kinakabahang tanong ni Angela.

"H-hindi! Ang babaeng iyon! Ang babaeng iyon, nandito na naman siya!"

"Akin ka lang, Joni. Akin ka lang!" Napahiyaw siya nang higpitan ni Markus ang paghawak sa braso niya at hilahin siya nito. Nasaktan siya sa paghawak nito sa braso niya na parang mahihiwalay ito sa pagkakahila nito.

"Joni!" sigaw ni Angela at mabilis siya nitong dinaluhan, "let her go, Markus! Nilapitan nito si Markus, para pigilan ito pero tinulak lang nito si Angela  at natumba ang kaibigan niya sa lakas ng tulak ni Markus.

"Angela!" nag-aalalang sigaw ni Joni at nagpipiglas siya para lapitan si Angela pero wala siyang magawa. Naririnig niya na may ibinubulong ang nakaitim na babae at nakatitig kay Markus.

"Anong ginagawa mo kay Markus? Tumigil ka na!" sigaw ni Joni. Pero parang wala itong naririnig may ibinubulong ito na hindi niya maintindihan.

"Joni!" sigaw ni Angela.

Lumapit na naman si Angela at hinila na siya sa kabilang braso kaya naghilahan sila Markus at Angela.

"Bitawan mo ako, Markus!" sigaw na niya rito.

"Hindi! Akin ka, Joni! Akin ka! Nagulat si Joni, nang lapitan ni Markus si Angela at sinakal ito.

"Ekk! Ahh!"

"Markus! Bitawan mo si Angela, parang-awa mo na!" natatarantang sigaw niya. Hindi pa rin binibitawan ni Markus, ang braso niya kaya hindi siya makawala. Pinigilan niya ang pagsakal ni Markus kay Angela pero malakas ito at wala siyang magawa. Iniangat pa nito si Angela, kaya halos mangisay ito sa pagsakal ni Markus. "Tama na! Markus, tama na mapapatay mo si Angela!" napaiyak na sigaw niya. Napapikit na si Angela, kaya lalong nataranta si Joni."Markus! Parang-awa mo na, bitawan mo na si Angela!" Hinila-hila niya ang braso nito para pigilan ang pananakal kay Angela pero wala lang dito ang ginagawa niyang paghila.

Nabigla siya nang bitawan nito si Angela at tumingin sa babaeng nakaitim. Matiim ang pagtitig ni Markus sa babaeng nakaitim.

"Ah!" bulalas ni Angela, na kumuha nang pansin niya at naubo ito. Hawak nito ang namumulang leeg at nakaupo sa sahig.

"A-angela, t-takbo," bulong niya sa kaibigan. Hindi niya ito madaluhan dahil hindi pa rin siya binibitawan ni Markus. "P-please, baka mapahamak ka pa."

"H-hindi Joni. H-hindi-

Napatili siya nang hilahin siya ni Markus, kahit anong palag niya at sigaw niya ay wala pa rin ito kay Markus. Dinala siya nito sa kwarto at napatili na naman siya nang ihagis siya nito sa kama.

"Joni!" sigaw ni Angela, sa labas ng kwarto ni Markus. Hindi na ito nakapasok pa sa kwarto dahil kusang sumara ang pinto at naka-lock na rin ito.

"L-lumaban ka, Markus. 'Wag mong hayaang mapasunod ka niya," pakiusap niya kay Markus.

"Akin ka lang, Joni. Walang ibang pwedeng mag-aangkin sa'yo kundi ako lang." Napaaatras si Joni, sa kamang ngayon ay kinauupuan niya. Nanlaki ang mata niya ng unti-unting tinanggal ni Markus ang saplot nito.

Sleeping BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon