Chapter 24

1.1K 54 0
                                    

 JONI POV


"A-ano? Pumatay ako ng tatlong tao? P-paano nangyari 'yon? " hindi makapaniwalang tanong ni Joni sa sarili.

Naguguluhan siya na napatingin sa kapatid niya sunod kina Angela, Markus at Andross. 

"A-anong sinasabi niyo?" naguguluhang tanong niya sa mga ito.

"Let's go home . Doon natin pag-usapan sa bahay ito," seryosong sabi ng kapatid niya.

"'Wag kang sasama! Baka saktan ka nila. Pinagbibintangan ka nila nang hindi mo naman ginawa!"  bulong sa isip niya ng isang boses. 

Hinila na siya ng kapatid pero pumalag siya at lumayo sa mga ito. Nakadama siya ng takot sa mga ito at nagkaroon din siya ng hinala na maaring tama ang bumubulong sa kanya, na baka saktan siya ng mga ito.

"Wala akong pinapatay at 'wag niyo akong pagbintangan!" tanggol niya sa sarili.

"We know Joni, that you can't kill anyone. Pero ang kapangyarihang hawak mo ang siya ang komo-kontrol sa'yo at gumagawa ng lahat ng iyon," paliwanag ni Markus.

"Kaya sumama ka na sa amin Joni, para magawan natin ng paraan iyan," dagdag ni Andross.

"'Wag sasaktan ka lang nila!" bulong pa rin sa kanya.

Hahawakan sana siya ni Markus, pero lumayo siya. Biglang nagbago sa paningin niya ang mga ito at nagmukha na ang mga itong demonyo. 

"'W-wag kayong lalapit sa akin! Demonyo kayo!" sigaw na niya. 

"Joni!" bulyaw na ng kapatid niya. 

Nilapitan siya ng kapatid pero umatras siya at tatakbo na sana siya nang hawakan siya ng kapatid at ganoon na rin nina Markus at Andross dahil nagpapalag na siya at pilit siyang kumakawala sa hawak ng mga ito.

"'Wag! 'Wag! Bitawan niyo ako! Bitawan niyo ako!" sigaw na niya. 

"Joni, calm down. Calm down," pinapakalma siya ni Angela pero nagmumukha itong demonyo sa kanya.

"Bitawan niyo ako. Parang-awa niyo na!" pagmamakaawang sigaw niya.

"Hoy! Ano 'yang ginagawa niyo!" sigaw ng nakapang-Pulis na lalaki. 

Lumapit ito at may kasama pa itong ilang mga tao.

"Tulungan niyo po ako. Isasama nila ako pero ayoko po," hingi niya ng saklolo sa Pulis na palapit.

"Bitawan niyo siya!" utos ng Pulis.

"Sir, kapatid ko po ang babaeng ito, and we need to take her home,"paliwanag ng kapatid niya.

"Kung kapatid ka ng babae na iyan ay bakit ayaw sumama sa'yo?" tanong ng Pulis kay Julian

"Sir-

"Please po, 'wag niyo po akong hayaang kunin nila. Please po," pakiusap niya. 

Lumapit na nang lubusan ang Pulis at hinawakan siya sa braso.

"Bitawan niyo na siya," utos naman ulit ng Pulis.

"She's my sister! I have the rights to taking care of her!" diin ng kapatid niya.

"Eh, ayaw nga sumama sa inyo nitong babae, eh. Kung talagang kapatid mo siya ay sumama kayo sa akin at sa presinto tayo mag-usap-usap,"paanyaya na sa kanila ng Pulis/ 

"Fuck!" bulalas ng kapatid niya. 

"Sige po, Sir. Sasama po kami," payag ni Markus.



MARKUS POV

"CALL YOUR parents kuya, para makausap din nila ang mga Pulis. Baka doon pa sumama si Joni kapag nandiyan ang parents mo," suhestiyon ni Markus kay Julian, nang nasa presinto na sila. 

Sleeping BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon