Chapter 13

1.4K 77 2
                                    

JONI POV

"KAILANGAN natin puntahan ang anak natin doon Dylan, iligtas natin siya," naiiyak na sabi  ng ina ni Andross. Nakadama ng awa si Joni, sa Mama ni Andross kita ang sobrang pag-aalala sa mukha nito kahit sa Papa ni Andross.

Pinapunta kasi ng Papa niya ang mga ito sa bahay nila at dahil malapit lang kasi ang bahay ng mga ito sa bahay ng parents niya ay kaagad nakapunta ang mga ito at siya na ang ipinagpaliwanag at ang Mama niya sa nangyari kina Andross.

"Sige, kakausapin ko si Papa para matulungan tayong makasama ng mga Police or military to protect us and save our son."

''Tito Dylan, hindi Police or Millitary ang kailangan natin. Baka mapahamak kayo 'pag ginawa niyo iyon at hindi tao ang kalaban natin-

"Joni, please I don't believe in that such a story! Walang mangkukulam o ano mang kababalaghang sa mundong ito!"

"But Tito, I'm telling the truth!"

"Ano ba ito Veronica, hanggang ngayon ba nagpapaniwala kayo sa kalokohang ekene-kwento sa inyo ng mga lolo at lola niyo?" iritadong tanong na ni Tito Dylan kay Tita Veronica.

"Pero kahit sina Mama at Papa, pinapaniwalaan iyang kwentong iyan at nakita namin ni Joana, ang babaeng iyon sa basement," tugon ni Veronica at ang ina niya ang binabanggit nito.

"Totoo po ba iyon, Ma? Nakita niyo si Cassandra?" nagulat na tanong ni Joni sa ina.

"Oo anak."

"Pero kalokohan lang iyan! Paano kung masamang tao pala ang nagkulong sa kanila sa bahay na iyon? Tapos puro kalokohan pa ang pinaniniwalaan niyong gumawa no'n."

"Hon, please. Manahimik ka na lang at kami na lang ang gagawa ng paraan para mailigtas ang anak natin, total hindi ka naman naniniwala sa amin, eh," mahinahon pero may sama ng loob na sabi ni Tita Veronica.

Napabuntong hininga si Dylan."Sorry. I'm just worried to our son. Joni, kumpare, kumare sorry," hingi nang paumanhin nito.

"It's okay, we understand you. Kahit siguro kami kapag nasa kalakagayan mo ay mag-aalala rin kami para sa anak namin," nakakaintinding tugon ng Papa niya.

"Ano bang gagawin natin para mailigtas sina Andross at si Angela?" tanong ni Tita Veronica.

"Sa totoo lang ay wala pa kaming alam na paraan, Veronica. Wala ni isa sa pamilya namin ang nagmana kay lola Juanita. Pati na rin si Andross, sila lang ang tanging makakalaban kay Cassandra. Pero si Andross lang ang meron tayo at hindi natin kakayanin iyon," tugon ng kanyang ina.

"Si Julian, 'di ba nag-aral siya ng witch craft? Hindi ba siya ang nagmana kay lola Juanita?" tanong ni Tita Veronica.

"Mahina lang po ang kakayahan ko at hindi ako ganoon kalakas," tugon ng kuya niya kay Veronica.

"Anong gagawin natin? Paano natin maililigtas ang anak ko?" nanghihinang tanong ni  Veronica.

"I have an idea and I think it will help to save Andross and Angela," sabat niya.

"What is it Joni?" tanong ni Veronica.

"We need to talk lola Juanita. Kanina lang kinausap niya ako."

"What?" gulat bulalas ng ina niya. "Paano-

"I don't know. Sabi niya kailangan daw namin mag-usap. Sabi niya gumawa tayo ng ritwal na makakapag-hila ng kaluluwa niya rito at mas matagal na oras para makausap natin siya nang matagal at matulungan niya tayo. Hindi niya ako makausap nang matagal dahil nakakulong din ang kaluluwa niya sa bahay na iyon kagaya ni Cassandra, pero nakakawala lang siya dahil sa kapangyarihan niya at sa koneksiyon ko sa kanya. Pero nanghihina na ang kapangyarihan niya at baka raw hindi na niya maprotektahan pa sina Angela at Andross." Nagulat at nagka-pag-asa ang Tita Veronica niya at ang Tito Dylan niya.

Sleeping BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon