JONI POV
"ANAK! Anong nangyari sa'yo?" nag-alalang tanong ng Mama ni Joni sa kanya at 'agad siyang nilapitan ng pamilya.
"Joni?" tanong din ng Papa niya. Hinawakan siya ng Mama niya at tinignan ang nagdurugo niyang braso.
"A-anong ibig sabihin nito, Joni? May dugo ka pero wala kang sugat?" tanong ng kanyang ina nang mapansin na wala siyang sugat sa braso pero may dugo siya.
"H-hindi ko po alam."
"Joni, Joni!" tawag sa kanya ng kapatid niya. Hinawakan ng dalawang kamay nito ang mukha niya, "what happened? Bakit ka sumigaw? Bakit may dugo ka sa braso? Tell us the truth and don't make us worry like this." Napatitig siya sa kapatid niya, sumunod ang Mama niya at ang Papa niya na puno ng pag-aalala.
"Sorry po." Niyakap niya ang Mama niya nang mahigpit, "sorry po Mama kung pinag-aalala ko po kayo sa inyo rin po Papa at Kuya."
"Ano bang nangyayari sa'yo? Bakit ka nagkakaganyan at balak mo bang patayin ang sarili mo?" may bahid nang galit na sabi ng Papa niya.
"Hindi po Papa, may halimaw! No, demonyo sa salamin at gusto niya akong kunin at kakainin niya ako. Ma, Pa, Kuya, gusto niya akong kunin, papatayin niya ako!" nag-hi-hysterical niyang tugon.
"Anak." Naaawang niyakap siya ng ina.
"Mama, kukunin niya ako. Kukunin niya ako."
"I think we need a vacation to forget what happened to you, Joni. Kailangan mo ng relaxing na lugar para makalimutan mo ang trauma, na pinagdaanan mo sa nangyari sa'yo nang isang buwan ng nakakaraan."
"Pa, I'm telling the truth," diin niya.
"No one can get you to us, Joni. We will protect you, so don't be scared," pag-aalo sa kanya ng kuya niya.
"Oo, Joni. Lalo na ngayon wala na si Cassandra, kaya hindi ka na niya masasaktan pa," dagdag ng Mama niya. Hindi na nagawa pang magsalita ni Joni. Natahimik na lang siya at muling niyakap siya ng ina niya.
JULIAN POV
TULOG NA si Joni, nang lumabas sila sa kwarto ng kapatid. Hanggang ngayon malaking palaisipan pa rin kay Julian, kung anong nangyari sa kapatid at kung paano nagkaroon ng maraming dugo ang braso nito na wala kahit isang sugat at kung bakit ito sumigaw. Alam niyang buhay pa si Cassandra at nanganganib na naman ang buhay nila pero ayaw din naman niyang maulit ulit sa kapatid, ang muntikan ng pagbubuwis nito ng buhay para kalabanin lang si Cassandra. Alam niyang may paraan pa na mahahanap siya, ibang paraan na hindi mapapahamak ang kapatid.
Bumalik siya sa kwarto ni Joni, isang oras ang nakakalipas at mahimbing pa rin na natutulog ang kapatid niya. Nakita niya ang pag-ilaw ng cellphone ni Joni, na nasa lamesang malapit lang sa kama nito kaya kaagad niya iyong kinuha at nakita niyang maraming text at missed call iyon mula kay Markus. Napabuntong hininga siya at tinawagan na rin si Markus saka lumabas ng kwarto ni Joni, kailangan niyang kausapin ito.
"Hey, Markus I want you to stay away from my sister!" may bahid na otoridad ang pagkakasabi niya, "hindi ko hahayaang gamitin ulit ang kapatid ko para labanan ang Cassandra na 'yan! At hindi ko hahayaang masaktan ulit siya!" Hindi nagsalita ang kabilang linya. "Kaya tigilan niyo na ang kapatid ko!" dagdag niya.
Narinig niyang bumuntong hininga si Markus at nagsalita na ito. Pagkahindik ang mamumutawi sa mukha niya sa lahat ng katotohanan na narinig niya mula rito at napasabunot siya sa buhok niya sa sobrang hindik na nadarama.
"Nandiyan pa ba kayo kung saan binurol si Brick, we need to talk." Matapos madinig ang pag-ayon ni Markus, ay kaagad siyang lumabas ng bahay na walang paalam sa mga magulang at nagmamadaling umalis.
BINABASA MO ANG
Sleeping Beauty
Ficção GeralWattys2019 Winner Horror & Paranormal Categories Isang lihim ang nabuksan nilang magkakaibigan. Lugar na nasa ilalim pa ng basement na matagal ng nakakandado. Isang napakagandang babae ang natagpuan nila doon, na natutulog lang at dahil sa kapangah...