Chapter 20

1.2K 57 1
                                    

ANGELA POV

HUMIGA NA sa kama niya si Angela, katatapos lang niyang mag-hot bath at ngayon ipapahinga na niya ang sarili at may trabaho pa siya kinabukasan. Napakatahimik ng gabing iyon at nag-iisa lang siya sa bahay niya dahil si Joni, ay nasa mga magulang pa nito at mukhang matatagalan pang makasama niya ito dahil sa nangyari rito isang buwan na ang lumipas. Ipinikit na niya ang mga mata niya dahil sa dinalaw na siya ng antok.

Isang pangitain ang biglang gumulo sa pagtulog niya.

Maingay at magulong lugar, nagkalat ang usok dahil sa sigarilyo at mga iba't-ibang nakakasilaw na liwanag mula rito. May nagtatawanan, nag-iinuman at nagsasayawan sa lugar na iyon at may ilan na parang wala na sa sariling naghahalikan sa isang madilim na bahagi ng lugar na iyan.

"Hi Miss are you alone?" tanong ng isang lalaki sa babaeng nag-iisa lang sa isang mesa.

"Ah, yes. Do you want to join me?" nang-aakit na tanong naman ng babae sa lalaking lumapit dito. 

"Of course, I'm alone too and I think I need someone who will accompany me."  Nilapitan ng babae ang lalaki at hinaplos nito ang pisngi niya. 

"Dito na lang ba tayo?" nang-aakit na tanong pa ng babae. Napangiti ang lalaki dahil mukhang alam na nito ang susunod na mangyayari pa.

"So, saan ba tayo? " tanong ng lalaki.

"Saan mo ba gusto? 'Yong lugar na makakapag-solo tayo, pwede?" tugon ng babae.

Lalong lumapad ang ngiti ng lalaki at tumayo na ito sa pagkakaupo. Hinawakan ng lalaki ang kausap sa kamay at hinila na palabas sa lugar na kinaroroonan ng mga ito. Sa parking lot ang mga ito tumungo. Madilim na doon at wala ring katao-tao. Nagpapalinga-linga pa ang lalaki bago binuksan ang pinto ng kotse nito.

"Get in!" utos ng lalake sa babaeng kasama.  Sumunod naman kaagad ang kasama saka ito pumasok sa loob ng kotse. Mabilis na naghubad ng damit ang lalaki, ni hindi na inantay pa ang kasama na makaupo ng maayos sa kotse nito.

"Ano pang inaantay mo maghubad ka na!" utos ng lalaki sa kasama.

"Ginagawa mo lagi ito 'di ba? Ang makipag-talik sa kahit kaninong babae," nang-aakit na sabi ng kasama.

"Oo at hindi ka kagaya nila. Dahil sila kailangan ko pang i-droga at gahasain. But you? You're a whore, willing to open your legs to fuck," nakangising tugon ng lalaki. Mapang-akit na ngumiti ang kausap. Ang babae ay maganda at may seksing pangangatawan na sinuutan pa ng itim na hapit na lagpas tuhod na dress. 

"Naaamoy ko nga sa kaluluwa mo, ang maitim mong budhi. Siguradong napakasarap nito," nakangising sabi ng babae.

Makikita ang pagtataka sa mukha ng lalaki. "What are you talking about? Are you crazy?" 

"No, I'm not. But I want to eat you. I badly needed your soul."  Ngumisi na naman ang lalaki, tuwang-tuwa dahil iba ang nasa isip nitong pakiwari sa sinasabi ng magandang babaeng kasama at kita ang excitement sa mga mata nito.

"Okay. You can eat me all you want." Masayang ngumiti ang babaeng kasama nito at lumapit sa lalaking may puno ng pagnanasa ang mga mata.

"Ikaw ang magiging una kong pagkain, ngayong gabi," nakakakilabot na sabi ng babae. Nangitim ang mata ng babae at nagkaroon siya na itim na tattoo sa mga braso at ganoon din sa dibdib nito. Nagulat ang kaharap na lalaki at lalayo na sana sa babaeng kaharap pero dahil umawang ang bibig nito sa gulat ay nahigop na ng babaeng kaharap ang kaluluwa nito at natulala na ang lalaki.  Walang tigil ang babae sa paghigop ng kaluluwa ng kanyang biktima, hanggang sa mamuti na ang mata ng lalaking kaharap at lupaypay na ito nang bitawan ng babae.  Ngumiti ng may tagumpay ang labi ng babaeng kaharap ng lalaki at inayos nito ang sarili. Muling tinignan nito ang wala ng buhay na lalaki at napangisi. Ngising nakakapangilabot.

Sleeping BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon