JONI POV
KUNG hindi mo kayang tulungan si Andross, Joni, ako ang tutulong sa kanya. Pupuntahan ko siya doon at hihingi na lang ako ng tulong sa mga tao doon para mailigtas si Andross. Hindi ako matatahimik dito sa bahay, na alam ko na nasa kapahamakan si Andross, ang taong mahal ko. Sorry Joni, alam ko mag-aalala pa pero kailangan tayo ni Andross.
Angela
Napuno ng pag-aalala si Joni sa sulat na iyon ni Angela, na idinikit nito sa ref nila. Nag-half day lang si Angela, sa trabaho na ipinagtaka niya at nang makauwi siya ay iyon ang naabutan niya. Sulat na lang ni Angela.
"Fuck!" bulalas niya. Nanghihina siyang napaupo at sobra siyang nag-aalala kay Angela, pero natatakot siyang sundan ito at bumalik sa bahay na iyon. "Anong gagawin ko?"
"Wala kang magagawa, Joni. Mapapahamak lang kayong lahat doon!"
"Pero paano si Angela? Si Andross?"
"Ano naman magagawa mo kung susundan mo sila? Mahina ka, malakas at makapangyarihan iyon."
Hindi na niya napigilan mapaluha sa pag-alala sa kaibigan at sa isipin wala siyang magawa para iligtas ang mga kaibigan niya.
Naalimpungatan si Joni, sa pag-galaw ng kama niya at nang tignan niya ang oras sa gilid ng kama niya sa may lamesa ay alas-tres na ng madaling-araw. Napalingon siya sa likod niya dahil may naramdaman siyang umupo sa kama niya.
"Angela?" tanong niya nang makita niya ang kaibigan na nakaupo sa kama niya. Napabangon siya, "mabuti naman umuwi ka kaagad? Kumusta si Andross, nakauwi na rin ba siya? Buti hindi kayo napahamak."
"Hindi niya kami pinapaalis. Hindi niya kami hinahayaang umalis." Nangunot ang noo niya at nagtaka siya sa sinasabi ng kaibigan. Medyo madilim kasi sa kwarto niya dahil nakapatay ang ilaw kapag natutulog siya. Tanging nasisinagan lang ng ilaw sa terrace ang kwarto niya.
"Sinong hindi nagpapaalis sa inyo? Hinarangan ba kayo ng itim na babae? Paano niyo siya natakasan?" sunod-sunod na tanong niya sa kaibigan.
"Hindi. Hindi."
"Angela, ano bang pinagsasabi mo-
Natigilan si Joni, dahil nang hawakan niya ang katawan ni Angela ay tumagos ang kamay niya.
"Ikinulong niya kami at unti-unti niyang kinukuha ang kaluluwa namin para lumakas ang kapangyarihan niya." Napatitig siya sa mukha ni Angela at unti-unting tumingin ito sa kanya. Nahintakutan siyang napatitig dito. Tumulo rin ang mga luha niya. "Pinilit kaming iligtas pero mahina lang siya. Malapit na niya kaming makuha. Mas lalo siyang lalakas kapag tuluyan niyang makuha ang kaluluwa ni Andross."
"Angela," napahagulgol na bulalas ni Joni. Hindi na siya natatakot ngayon kay Angela, kundi naaawa at nagi-guilty siya dahil sa kinahinatnan ni Angela.
"Kailangan namin ng tulong mo, Joni. Oras na lumakas siya kahit ikaw ay hindi mo na siya malalabanan."
"Anong gagawin ko, Angela? Ano?
"Maging matapang ka. 'Wag kang duwag!" matapang na sabi ni Angela. Puno na ng poot ang mata ni Angela.
"Angela."
"Mahina ka kasi! Imbes na harapin mo siya ay natatakot at tinatakbuhan mo siya! Duwag ka Joni! Duwag ka!" sumbat na nito sa kanya.
"Angela."
BINABASA MO ANG
Sleeping Beauty
General FictionWattys2019 Winner Horror & Paranormal Categories Isang lihim ang nabuksan nilang magkakaibigan. Lugar na nasa ilalim pa ng basement na matagal ng nakakandado. Isang napakagandang babae ang natagpuan nila doon, na natutulog lang at dahil sa kapangah...