Chapter 18

1.2K 62 1
                                    

MARKUS POV

NATAPOS na nila Markus at John ang ritwal. Nakapag-alay na rin si Markus, ng dugo niya para maibalik si Cassandra, sa pagtulog pero parang walang nangyayari hanggang sa marinig nila ang nakakapangilabot na sigaw ni Cassandra, kaya napahinto sila.

"Kuya Julian, dito ka lang. Ituloy mo lang ang ritwal at pupuntahan ko lang si Joni doon!" paalam niya.

"Pero Markus-

Hindi na nagawa pang ituloy ni Juliane ang sasabihin pa nito dahil mabilis na iniwan na nito ito, para siguraduhin ang kaligtasan ni Joni.  Nagilalas siya sa nasaksihan niya kina Joni at Cassandra. 

Si Joni, may mga bubog sa dalawang braso nito at may nakasaksak na patalim sa hita nito. Punong-puno na rin ng dugo ang mukha at katawan nito, marahil sa sugat sa mukha nito na galing din sa mga matatalim na bagay. Pero ang mas ikinagilalas niya ay ang nangingisay na katawan ni Cassandra, na nagliliyab pa at mukhang sayang-saya pa si Joni, na pinapanood ito.

"Joni!" tawag niya rito. Napalingon ito sa kanya at mukhang nagulat pa nang makita pa siya.

"Ikaw?" bulalas nito.

"JONI!" sigaw niya.  Nanigas si Joni at tumingala sa kesame ng bahay.

"Hindi!" sigaw nito saka bumagsak sa sahig nang walang malay.

Kaagad niyang dinaluhan si Joni, na nakahiga na sa sahig. Dinala sa Ospital lahat ng nasaktan sa laban na iyon nila Joni at Cassandra. Natagpuan si Andross, sa kwarto nito na walang malay at hinang-hina at si Colt naman ay wala ng buhay nang matagpuan nila ito at ang kinalabasan na kamatayan nito ay heart failure, kagaya ng kay Camilla. Si Joni, ang may malalang kalagayan dahil sa sugat na tinamo nito sa laban nilang iyon ni Cassandra at sa Emergency room kaagad ito dinala upang lapatan ng lunas ang lahat ng sugat nito.

"Ano ang naabutan mo nang puntahan mo si Joni?" tanong sa kanya ni Juliane, nandoon din ang Mama at Papa ni Joni at nag-aabang sa sagot niya.

"Nag-aapoy ang katawan ni Cassandra at si Joni-

Napaisip siya dapat pa ba niyang sabihin ang nakita niya na ginawa ni Joni at ang pagbabago sa dalaga? 

"At ano, Markus? May iba pa bang nangyari?" tanong ng Mama ni Joni.

"W-wala. Nakahandusay na si Joni at wala ng malay."

"Akala ko ba hindi ay mapapahamak ang kapatid mo, Juliane? Bakit nagkaganyan siya? Dapat pala hindi na natin siya pinayagan na kalabanin ang Cassandra na 'yon, eh!" nagsisising sabi ng Mama ni Joni. Naiiyak na ito sa sobrang pag-aalala. 

"Sorry po Tita, hindi ko na-protektahan si Joni," hinging paumanhin ni Markus.

"Wala kang kasalanan, Markus. Kahit ako ay wala akong nagawa para protektahan si bunso."

"'Wag niyo ng sisihin ang mga sarili niyo. Ipanalangin na lang natin ang kalagayan ni Joni at sana maging maayos na kalagayan niya," sabi naman ng ama ni Joni. 

"Sana nga at sana mali ang iniisip ko. Sana hindi umabot doon iyon,"  piping hiling ni Markus, sa sarili. 



JONI POV

"AH!" Napabalikwas si Joni sa pagkakahiga niya. Nasa isang kwarto siya, malinis at maliwanag na kwarto hindi kagaya ng kinaroroonan niya kanina na nasa isang madilim na kawalan siya at may halimaw na kumakain sa katawan niya. 

Totoo iyon dahil damang-dama niya ang sakit ng dulot ng pagsipsip nito sa dugo at pagkagat nito sa katawan niya. Pero bakit nandito siya sa kwartong ito? Bakit buhay pa siya at nakaupo sa malinis na kama.  Tinignan niya ang katawan niya na walang kahit anong galos. May IV siya sa pulsuhan niya at iyon lang ang tanging kumikirot sa kanya.

Sleeping BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon