Chapter 8

1.6K 85 4
                                    

JONI POV

"ANG WIERD NI Colt, ngayon ano?" Napalingon si Joni sa kaibigan. Nasa isang mall sila at naisipan nilang mamasyal matapos kumain ng agahan.

"Oo nga, eh. Saka bakit nagkagano'n ang itsura niya?"

"Hindi kaya, hindi na natutulog iyon kababantay kay Cassandra? Do you think he is obsessed with that girl?

"I don't know. We all know what kind of man Colt is and he is not that kind of man, na mao-obsessed sa isang babae," aniya.

"Pero malay mo. Si Cassandra, na pala ang babaeng magpapabaliw sa play boy na si Colt. Maganda si Cassandra, kaya siguro baliw na baliw sa kanya si Colt."

"Siguro nga." Naalala niya bigla si Markus. Ang kakaibang kinikilos nito. "Something weird happened to Markus, too."

"Napansin mo rin?" namimilog ang mata na tanong ni Angela. Tumango siya.

"Like what I said kanina, mukha nga siyang may pagnanasa sa'yo."

"Gela! Ano ka ba!" sita niya sa kaibigan.

"Joni, I'm just telling the truth. But it's creepy too, kasi iba iyong titig niya sa'yo na parang may hindi magandang balak." Nakadama ng kaba si Joni, sa sinabi ni Angela.

"Pero siguro naman hindi gagawa ng masama sa'yo si Markus. Kilala natin siya hindi siya ganoong klaseng tao at isa pa, alam naman natin na mahal na mahal ka ni Markus, mas pipiliin niyang masaktan siya kaysa saktan ka niya. Alam mo iyan, Joni." Napatitig siya kay Angela.

Tama ito. Alam na alam niya iyon.



ANDROSS POV

"MARKUS, okay ka lang ba?" tanong ni Andross, sa kaibigan.  Kakaiba kasi ang kinikilos nito.

"Do I look not okay, Dross? I'm okay, very okay," nakangiting tugon ni Markus.

Hes' different. Something weird happened to him.

"I feel good this morning," nakangiting sabi ni Markus.

"Really? Good for you," tugon niya nalang dito.

"Where is Joni? Napalingon na siya sa tanong na iyon ni Markus.

"'Di ba lumabas sila ni Angela. Nagsabi sila kanina nang kumakain tayo."

"Ah, really. You know what Dross, akala ko sa paglayo ko ay makakalimutan ko na si Joni, akala ko makaka-move on na ako sa kanya. Pero hindi pala."

"Mar, are you really alright? Bakit parang may iba sa'yo?" nag-aalala na niyang tanong sa kaibigan. Kakaiba talaga si Markus ngayon.

Kilala niya si Markus at alam niya kung gaano nito kamahal si Joni pero ang ganoong masyadong open ito sa nararamdaman na parang kahapon lang ang nangyari sa kaibiguan noon kay Joni ay hindi ganoon ang kaibigan. Dahil matagal na rin itong hindi nagbabanggit ng sakit na nararamdaman kay Joni.

"I just really want, Joni. I really love her and I fell madly in love with her. Gustong gusto ko siya at akin siya! Akin siya, Dross!" Possessiveness all over his voice.

"Hey Markus, ano ba 'yang sinasabi mo? Alam mo na hindi na kayo pwede ni Joni. Tingin ko, hindi ka pa niya magugustuhan. Alam mo naman kung bakit 'di ba?"

"Pero wala naman akong kinalaman sa pagkamatay ni Grant. Aksidente iyon!" diin nito.

Lalo siyang nagulat sa inaasta ngayon ni Markus. Oo, aksidente nga ang nangyaring iyon at wala naman talagang kasalanan si Markus, pero kahit wala naman itong kasalanan ay sinisi pa rin nito ang sarili nito noon dahil tingin nito ay kasalanan nito noon ang lahat kaya nangyari ang aksidenteng iyon kay Grant.

Sleeping BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon