Chapter 16

1.2K 59 2
                                    

JONI POV

"JONI, ANAK!" tawag ng ina ni Joni sa kanya kaya napalingon siya rito. Puno ng pag-aalala ang mata nito kahit ang ama niya para sa kanya.

"Ma, mag-ingat po ako. 'Wag kayong mag-alala," naninigurado niyang sabi sa ina.

"Sasama kami sa'yo, Joni," sabi ni Markus.

"Oo bunso at gagawin namin ang ritwal para matulog muli ang Cassandra na 'yan," dagdag pa ng kuya niya.

"Sige Markus, kuya, pero sa basement kayo kaagad dumiretso kung saan natin Markus, natagpuan si Cassandra, na natutulog."

"Oo," tugon ni Markus. Tumingin siya sa ama niya at nginitian niya ito. Ngiti na ibig sabihin ay kakayanin niya ang laban, na haharapin niya at babalik siya ng buhay sa mga magulang.

Nauna nang lumakad si Joni, saka sumunod ang kuya niya at si Markus. Sumalubong sa kanya ang walang malay na sibilyan na nakahiga sa entrada pa lang ng pinto ng bahay at nakita niya si Cassandra, na nakaupo sa sofa at sa kanya nakatingin at nakangiti pa ito.

"Maligayang pagbabalik Joni, ang apo ni Juanita." Tumayo ito at lumakad palapit sa kanya.

"Kuya, Markus, umalis na kayo," utos ni Joni, sa dalawa.

"But Joni-

"Kuya, please! Kaya ko na ito!" putol niya sa pagtutol pa sana ng kapatid.

Nakahinga naman ng maluwang si Joni, nang lumakad na paalis ang dalawa. "At saan kayo pupunta?" sigaw ni Cassandra. Itinaas nito ang kamay at itinutok sa kapatid niya at kay Markus. Pero mabilis si Joni at inunahan niya ito, ginamitan din niya ito ng kapangyarihan kaya biglang lumutang si Cassandra at tumalsik. Nagulat pa si Joni, sa lakas ng kapangyarihang ginamit niya at parang may sariling isip ang kamay niya na umangat at gamitin ang kapangyarihan na meron sa siya.

Napatingin siya sa nagulat na sina Markus at kuya niya, "umalis na kayo!" utos niya sa mga ito. Hinila pa ng kuya niya si Markus, dahil gulat pa rin itong nakatingin sa kanya.

"Naipasa na pala sa'yo ng Juanita na iyon ang kapangyarihan niya! Kaya pala napakatapang mong harapin ako ngayon!" galit na sigaw ni Cassandra, na ngayon ay nakatayo na sa harap niya. Nagulat pa siya at hindi siya nakailag sa biglang hampas nito. Hindi siya hinampas ng kamay nito at parang hangin lang ito pero nagdugo ang braso niya na tinamaan at napasigaw siya sa sakit.

Malakas na humalakhak si Cassandra. "Papatayin kita! ipaghihiganti ko ang ginawa mo sa akin at isusunod ko ang pamilya mo!"

Pilit na tumayo si Joni. Kahit masakit ang sugat niya ay kailangan niyang lumaban. Nakasalalay ang buhay niya, ng kaibigan niya at ng pamilya niya sa labang ito.

"Alam mo ba  ang ginawa ng Lola mo sa akin, ha? Alam mo bang tinraydor niya ako? Tinuring ko siyang kaibigan, pero ano? Siya ang dahilan kung bakit pinagkanulo ako ng pamilya ko at ninais patayin!" galit nitong sumbat sa kanya.

"Dahil isa kang demonyo! Halimaw ka, kaya dapat kang mamatay!" tugon niya kay Cassandra.

"Bakit ang Lola mo, hindi ba halimaw? Parehas lang kami at magiging katulad ka lang namin! Magiging isang demonyo ka dahil sa tinanggap mo ang kapangyarihan na 'yan!"

"Hindi! Hindi, dahil ikaw lang ang tunay na halimaw rito at demonyo!" sigaw niya.

Humalakhak si Cassandra. Napakaamo ng mukha nito at napakaganda, subalit naging demonyo ito sa paningin niya,dahil sa poot at sama na nakikita niya sa mukha nito.

"Kung ganoon ay tignan natin kung maililigtas ng kapangyarihan mo, ang kaibigan mo! Nanlaki ang mata niya sa sinabi nito at nanlaki ang mata niya nang dumating si Angela, matalim itong nakatitig sa kanya.

Sleeping BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon