ANGELA POV
"MARKUS, ANO bang nangyari rito?" nag-aalalang tanong na ni Angela, pagkarating na pagkarating pa lang nila ni Andross sa Ospital. Tinawagan kasi sila ni Markus at may kakaiba raw nangyari kay Joni, na sobrang ipinag-alala niya.
"Nasaan sila Tita at Tito, saka si kuya Juliane, bakit hindi mo sila tinawagan?" tanong na rin ni Andross.
"Kayo lang tinawagan ko dahil baka hindi maniwala sila Tito at Tita, lalo pa't anak nila ang involve rito," paliwanag ni Markus.
"Ano ba kasi iyon Markus, saka bakit nandito tayo sa labas ng kwarto ni Joni? Bakit hindi doon sa loob?" tanong ulit niya.
"Dahil kailangan natin pag-usapan ito na hindi maririnig ni Joni!" diin na ni Markus.
"Ano ba kasi iyon? Lalo mo lang akong pinag-aalala eh." Nag aalala na tuloy lalo siya.
"Nakuha ni Joni ang kapangyarihan ni Cassandra, Angela! Kaya pala mabilis ang recovery niya at agad din ang paghilom ni Joni, dahil ngayon taglay-taglay na niya ang kapangyarihan ni Cassandra." Natahimik sila pareho ni Andross dahil sa gulat sa sinabi ni Markus, pero agad din naman siyang nakahuma.
"Hindi naman siguro masamang balita iyan, 'di ba Markus? Isa pa, mabuting tao si Joni, kung magkaroon man siya ng kapangyarihan galing kay Cassandra, o kanino man ay hindi niya gagamitin ito sa kasamaan." Nag-isip niya ng postibo sa pagkakaroon ng kapangyarihan ni Joni.
"Pero ang kapangyarihan na iyon kay Cassandra, ay kumakain ng kaluluwa ng tao at matinding gutom sa pagkatao ng nagmamay-ari ng kapangyarihan na iyon at kapag hindi siya humigop ng kaluluwa, ay ang nagiging dahilan ng gutom na iyon ay ang pagkontrol ng kapanyarihan sa nagmamay ari para humigop ng kaluluwa."
"Hindi!" bulalas niya.
"Anong gagawin natin? D-dapat din ba nating patayin si Joni, para hindi niya magawa ang kasamaang nagawa ni Cassandra?" tanong ni Andross.
"HINDI! halos sabay nilang dalawa ni Markus, na sigaw dahil sa sinabi ni Andross.
"Walang mananakit sa kaibigan ko!" naiiyak na sabi pa niya kay Andross. Niyakap siya ni Andross at doon ay tuluyang tumulo ang mga luha niya.
"Sorry Gela, kung nasabi ko iyon," sabi ni Andross.
"Gagawa tayo ng paraan. Hindi mamatay si Joni at walang mamamatay kahit sino sa atin," puno nang determinasyong sabi ni Markus.
"Oo, Markus. Ayokong mawalan ng matalik na kaibigan."
"Hindi Gela, hindi mawawala si Joni, sa atin."
JONI POV
NAGISING SI Joni, na gutom na gutom. Siya lang mag-isa ngayon sa kwarto niya at ni isa sa mga kaibigan o kaanak niya ay walang naroon. Iniapak niya ang paa niya sa malamig na sahig ng kwarto niya at tumayo siya. Napansin niya ang supot na nasa table na katabi ng higaan niya at nang tignan niya ito ay naglalaman ito ng paborito niyang pagkain na siomai. Agad niya itong kinuha at mabilis na kinain. Talagang gutom na gutom siya at ngayon niya lang naramdaman ang ganito katinding gutom sa sata ng buhay niya. Naubos niya kaagad ang dalawang paper plate na siomai pero gutom pa rin siya. Kinuha niya ang isang bote ng tubig at ininom niya iyon, kahit ang tubig ay naubos niya pero kulang na kulang pa rin dahil talagang gutom na gutom pa rin siya. Naglakad na siya para lumabas pero sumalubong sa kanya sina Markus, Angela at Andross, sa labas ng kwarto niya.
"Joni!" bulalas ni Angela.
"Gela, Markus at Dross, nandyan pala kayo?" takang tanong niya sa mga ito.

BINABASA MO ANG
Sleeping Beauty
Ficción GeneralWattys2019 Winner Horror & Paranormal Categories Isang lihim ang nabuksan nilang magkakaibigan. Lugar na nasa ilalim pa ng basement na matagal ng nakakandado. Isang napakagandang babae ang natagpuan nila doon, na natutulog lang at dahil sa kapangah...