Chapter 11

1.4K 76 2
                                    

VIENA POV

"TAPOS anong nangyari?" tanong ni Joni kay Viena.

"Kinabukasan tinanong ko si Camilla, about doon pero tahimik lang siya at walang sinasabi kaya binalewala ko na lang. Pero pag kagabi sinasabi niya na may itim na babae raw siyang nakikita at may binubulong daw," pahayag niya sa mga ito. Napatingin siya kila Joni at Angela. Si Joni, mukhang naniniwala pero si Angela ay mukhang naguguluhan naman.

"I know it's sound crazy but I'm telling the truth. Isa pa, kahit ako nakita ko ang babaeng iyon sa likod bahay."

"I know. I know and I believe you. Kahit ako ay nakita ko ang nakaitim na babaeng iyon at siya rin ang gumugulo sa akin sa bahay na iyon." Tinignan niya si Joni. Hindi niya inaakala na paniniwalaan siya nito kahit imposible naman ang sinasabi niya. Isa pa, kahit si Joni ay nakaranas ng kababalaghan at ginulo ng itim na babaeng iyon?"

"Ano bang kailangan ng babaeng iyon at bakit niya pinatay si Camilla?" naiiyak na naman niyang tanong.

"Hindi ko alam pero lahat nang iyon ay ginagawa niya kasi nagising natin si Cassandra. Sinumpa niya si Cassandra, na makakatulog nang matagal na panahon at sa paggising niya kasama no'n ang pagsulpot ng itim na babaeng iyon, na itim na mangkukulam daw," mahabang pahayag ni Joni.

"Pero anong gagawin natin? Paano kung tayo ang isunod ng itim na mangkukulam na iyon?" natatakot na tanong niya kay Joni.

"Hindi ko alam. Pero siguro ligtas na tayo kasi wala na tayo sa bahay na iyon."

"Si Dross, nandiyan na!" balita sa kanila ni Angela.

"What happened?" nag-aalalang tanong nito.

"Camilla is gone," malungkot na tugon ni Viena.

"What do you mean, she's gone? Did she left you here? Bakit ba nandito kayo sa Ospital?" sunod-sunod na tanong sa kanila ni Andross.

"Camilla is dead," naiiyak na tugon niya kay Andross. 

Nanlaki ang mata ni Andross at hindi makapaniwalang napailing."You're kidding, right?"

"No Dross, that's true Camilla is dead. Heart failure raw sabi ng Doctor," sabat na ni Angela. Nanghihinang napaupo si Andross, sa upuan.

"P-paano nangyari iyon? May sakit ba siya sa puso?" 

"Wala! Malakas si Camilla at healthy siya kaya malabo iyon, Dross!" diin niya rito.

"Pero bakit siya namatay at heart failure ang dahilan?" 

"Ang itim na babae ang gumawa sa kanya n'on Dross. Siya-

"Shut up, Joni! This is not a joke!" sigaw na ni Andross sa sasabihin pa sana ni Joni at kita ang iritasyon sa mukha nito.

"Dross, Joni is telling the truth. I saw that black lady too. Pero alam ko ay may kinalaman din si Cassandra kung bakit nagkaganoon si Camilla eh, siya lang naman-

"No! Walang itim na babae sa bahay namin! Walang kababalaghan nangyayari doon o kahit sa Cassandra na iyon kaya pwede ba ay tigilan niyo na 'yan!" inis ng putol ni Andross, sa sasabihin pa niya rito.

Napatingin siya kay Joni, tahimik lang ito pero titig na titig ito kay Andross at nanlalaki ang mata nito at kita rin ang takot sa mukha nito na parang may nakakatakot itong nakita.

"Joni, are you okay?" tanong ni Angela.

"Let's leave. I don't want to be here," natatakot na aya nito sa kanila.

"Joni, paano naman si Camilla?" tanong na niya rito.

Puno ng takot ang mukha ni Joni sa kanya. "Tayo na ang isusunod niya kapag hindi pa tayo lumayo rito. Ang parents ni Camilla, natawagan mo na ba?"

Sleeping BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon