Chapter 10

1.5K 74 3
                                    

ANDROSS POV

"NASAAN si Markus?" Napatingin si Andross sa tanong ni Joni nang umagang iyon. Paalis na sina Angela, Joni, Viena at Camilla at uuwi na sila ng Maynila.

"Nasa kwarto at nakakulong pa rin. Saka ko na siya paalisin kapag umalis na kayo, ikaw na magsampa ng kaso sa kanya sa Maynila, nang hindi ka na niya magulo pa," tugon niya rito.  Kitang-kita sa itsura nito ang kapangahasang ginawa ni Markus. Namamaga ang labi nito, may pasa sa mga braso at maliliit na sugat sa leeg at balikat nito.

"A-anong lagay niya?" tanong ulit ni Joni.

"Nagsisisi siya. Hindi raw niya kayang gawin iyon at hindi raw niya alam kung paano niya nagawa iyon," napailing siya. "Matapos gumawa ng kalokohan ay itatanggi-

"I want to talk to him." Napatingin siya kay Joni. Seryoso ito at kita iyon sa mga mata nito.

"Hindi ka ba natatakot kay Markus?" tanong niya rito.

Tumingin si Joni kay Angela, na nasa sala kasama sina Camille at Viena.

"Hindi." Napabuntong hininga si Andross.

"Sige, halika," yaya niya rito at nauna na siyang naglakad paalis.

Kita ang frustation sa mukha ni Markus at mukhang wala itong tulog."J-joni," bulalas nito nang makita si Joni.

"Markus." Lalapitan sana ito ni Joni pero umatras si Markus.

" 'Wag mo akong lalapitan. B-baka kung ano na naman ang magawa ko sa'yo." Nangingilid ang luha sa mga mata ni Markus. Nahabag siya sa itsura ng kaibigan. "Sorry Joni. Sorry, hindi ko alam kung paano ko nagawa sa'yo iyon. Sobrang naging malakas kang temptasyon sa akin at hindi ko kayang pigilan ang sarili ko kaya nagawa ko sa'yo iyon. Parang nawala ako sa sarili ko."

"Markus, alam ko. Alam ko na hindi mo kayang gawin iyon dahil hindi ka gano'ng tao." Napatitig si Markus kay Joni."Don't feel guilty to what you did to me, Markus. May komokontrol sa'yo kaya mo nagawa iyon at hindi ikaw ang gumawa ng gano'n sa akin." Hinaplos ni Joni ang pisngi ni Markus.

"Sorry Joni. Sorry."

Tumulo ang mga luha sa mga mata ni Markus. Hinila na ni Markus si Joni at hindi naman na tumutol pa si Joni sa paghila nito at yakapin si Joni ni Markus. 

Matapos mag-usap sina Joni at Markus ay bumalik na sila  kung nasaan sila Angela.

"Hey! What the fuck are you doing!" narinig niyang sigaw ni Viena.

Kaya mabilis nilang nilapitan ang mga ito. Si Cassandra, ang sinisigawan nito. Hawak ng dalawang kamay  nito ang mukha ni Camilla at tulala lang si Camilla na nakatitig kay Cassandra.

"Hey Cassandra, what are you doing?" tanong niya nang makalapit dito.

"Ang itim na mangkukulam, siya ang may gawa niyan kaya nagkakaganyan ang kaibigan niyo."

"Anong itim na mangkukulam? Nababaliw ka na!" sigaw ni Viena at hinila si Camilla.

"Subalit kailangan natin siyang iligtas!" diin ni Cassandra.

"Tama na! Tama na pwede ba!" inis ng sigaw niya kay Cassandra.

"Aalis na kami! Ayoko na rito at ang daming mga werdo rito!" sabi ni Viena. Hinila na ni Viena si Camilla palabas ng pinto at tuluyan nang lumabas ng bahay.

"Aalis na kami, Dross," paalam ni Angela, sa kanya.

"Sige, mag-iingat kayo. Si Mang Pancho, na bahala sa inyo pahatid sa Maynila."

Nauna ng naglakad paalis si Joni at sila ni Angela ang naiwan. "Dross, ikaw kailan ka uuwi pa-Maynila?" Napatitig siya kay Angela.

"Pagkatapos ng libing ni Manang Cora, aasikasuhin ko naman ang kay Cassandra saka ako uuwi sa Maynila."

Sleeping BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon