JONI POV
"SURE KA ba na dapat tinanggap mo iyan?" tanong ni Markus kay Joni. Ngayon nasa bahay na sila at inaayos na ang mga gamit, na dapat dalhin para pumunta sa Baguio at harapin si Cassandra at para iligtas sila Andross at Angela.
"Markus, kailangan ko talaga nitong kapangyarihan na ito. Paano naman natin lalabanan si Cassandra, kung wala nito?" tugon niya sa binata.
"May iba pa naman sigurong paraan," anito. Napabuntong hininga siya kahit si Markus ay sobrang nag-aalala sa kanya pero anong magagawa niya? Kailangan niya ang kapangyarihan na iyon at ayaw na niyang isipin pang ulit ang sarili niya at maging duwag ulit kagaya nang una niyang ginawa kaya napahamak si Andross at Angela.
"Hay naku Markus, kahit kami nina Mama at Papa ay tutol diyan sa pagtanggap niyang 'yan sa kapangyarihan na iyan. Kaso ayan na eh, tinanggap na niya, ano pa bang magagawa natin," sabat bigla ng kapatid niya nang marinig ang usapan nila ni Markus.
"Kuya, dumadagdag ka pa, eh," reklamo na niya kapatd.
"Bakit? Nag-aalala lang naman kami, eh-
"Alam mo naman ang dahilan, kuya 'di ba? Ilang beses ko nang pinaliwanag sa inyo," putol na sasabihin sana ng kuya niya sa kanya.
"Oo na! Oo na!" inis na suko ng kuya niya saka umalis.
"Hindi ako pababayaan ni Lola Juanita, Markus. Kaya 'wag na kayong mag-alala pa sa akin," paninigurado niya kay Markus.
"Hindi maiiwasan mag-alala kami sa'yo, Joni. Mahal ka namin kaya natural lang itong inaasta namin." Ngumiti si Joni kay Markus.
"Believe me Markus, matatapos ang lahat ng ito na ligtas ako."
"Sige, pagtapos nito pag-usapan naman natin ang sa atin." Napangiti siya sa sinabi ni Markus.
"Sige." Napangiti na rin si Markus sa tugon niya.
ANGELA POV
NANGHIHINA SI Angela, halos hindi na siya makagalaw sa sobrang panghihina. Nakahiga lang siya sa isang kama at ang kesame ang sumalubong sa kanya sa pagmulat ng mata niya. Gutom at uhaw ang nararamdaman niya, na nakakadagdag sa panghihina niya. Pilit niyang itinaas ang mga kamay niya at halos hindi niya magawa iyon.
"T-t-tu-l-long.," halos hindi niya mabigkas. Bumukas ang pinto at nanlaki ang mata niya sa iniluwa nito. Sa maamo at magandang mukha nito na may ka-demonyohan pa lang itinatago.
"Mabuti at gising ka na, Angela," nakangiting sambit nito. Natatandaan niya na ang lahat. Pumunta siya sa lugar na ito para kay Andross at para iligtas ito pero ang sumalubong sa kanya ay ang babaeng ito at may kung anong ginawa ito sa kanya na nagpahina sa kanya.
Tama si Joni, may kababalaghan ngang nangyayari sa lugar na ito at walang ibang may gawa niyon kundi ang babaeng nasa harap niya! Si Cassandra!
"Hindi ka pa pwede mamatay, Angela. Kaya maswerte ka at hindi ko pa hinhigop ng buo ang kaluluwa mo." Lalong nanlaki ang mata ni Angela. Humhigop ng kaluluwa ang babaeng ito. Ang babaeng nasa harapan niya? Isa itong halimaw. "Mabuti na rin at hindi ako masyadong nagugutom. Ang kaibigan mong si Colt at Camilla, ay naging sapat na para sa gutom ko." Humalakhak pa ito. Nakakatakot na halakhak. "At ang paunti kung pagkain sa kaluluwa ng iyong minamahal."
"Hindi! Si Andross!"
"H-ha-y-yop k-ka! H-ha-li-maw!" naiiyak na halos bulong niya lang. Biglang bumalot ang poot sa mukha ni Cassandra. Nakakatakot na poot mula rito at mabilis na nakalapit ito sa kanya saka siya sinakal na halos magpawala ng hininga niya.
BINABASA MO ANG
Sleeping Beauty
Fiction généraleWattys2019 Winner Horror & Paranormal Categories Isang lihim ang nabuksan nilang magkakaibigan. Lugar na nasa ilalim pa ng basement na matagal ng nakakandado. Isang napakagandang babae ang natagpuan nila doon, na natutulog lang at dahil sa kapangah...