Chapter 21

1.1K 54 0
                                    

Markus POV

"MARKUS!" agad na sabi kay Markus ng taong bumukas ng pinto. Napatingin siya sa pinto at sina Andross at Angela ang dumating.

"Oh, napasugod kayo?" gulat na tanong niya sa dalawa.

"Napanood mo ba ang balita?" tanong ni Andross sa kanya.

"Mukha ba akong nanonood ngayon ng balita? I'm busy with my work, ang dami-dami ko pang dapat tapusin. Tingin mo magkaka-oras pa ako manood ng balita."

"Dude, 'yong kilala ko sa amin patay na!" balita sa kanya ni Andross.

"And?" nagtatakang tanong na niya.

"Ang sabi ay heart failure raw pero pinaghihinalaang pinatay iyon at ng isang babae," sabi ni Andross. Doon nagkaroon ng interes bigla si Markus at napatitig na kina Angela at Andross.

"Ipinakita sa TV, ang babaeng kasama niya kagabi bago ito namatay," dagdag ni Angela.

"S-sino?" kinakabahan na niyang tanong. 

"Si Cassandra, ang nakita namin," tugon ni Andross. 

"Paano nangyari iyon Markus, 'di ba patay na si Cassandra? Hindi ba, nakita mo siyang tinutupok ng apoy? Pero paanong nakita doon sa CCTV Camera, na si Cassandra iyon?" naguguluhang tanong ni Angela.

"Oo. Nakita mismo ng dalawang mata ko, na tinutupok siya ng apoy. Kaya malabo ang sinasabi niyong buhay pa siya," aniya.

"Iyon nga ang ikinagulat namin ni Angela, Markus. Pero siya talaga ang nakita namin at pinaghahanap na siya ngayon ng alagad sa batas," tugon ni Andross.

"Nasabi niyo na ba kay Joni? Alam niya ba ito?" tanong niya sa mga ito.

"Hindi pa. Ikaw ang una naming pinuntahan," tugon ni Angela.

"'Wag niyo na munang ipaalam kay Joni. Tayo mo na ang mag-aalam ng katotohanan," aniya.

"Pero paano nga kung buhay pa si Cassandra? Anong laban natin sa kanya?" tanong ni Angela.

"'Wag na muna nating isipin 'yan at sa ngayon ang alamin muna natin ay kung totoo ngang si Cassandra, ang babaeng iyon," aniya.

"Pero paano natin aalamin kung si Cassandra nga iyon?" tanong ni Angela.

"Pupuntahan natin ang pamilya ni Brick at kung saan ito ibinurol at may gagawin ako."Nagtaka sinaa Angela at Andross, "ipapaliwanag ko sa inyo habang nasa biyahe. Sa ngayon, we need to go."

"Okay lets go," ayon na lang din ni Andross.

Agad silang lumabas ng opisina niya at nagbiyahe patungo sa lugar kung saan nakatira si Bricks, ang lalaking naging biktima ni Cassandra. 


JONI POV

"HEY, JONI did you watch the news?" Nagulat pa si Joni, nang bumukas ang pinto ng kwarto niya at ang iniluwa niyon ay kuya niya.

"No, Kuya," tugon niya.

"Bricks dead."

"What? 'Yong anak ng sikat na aktor?" naniniguradong tanong niya.

"Yup! Si Bricks Alcazar."

"Ano raw kinamatay?" usisa niya. 

"Heart failure raw, natagpuan ang bangkay sa kotse niya pero pinaghihinalaang pinatay daw ng isang babae kasi may kasama raw itong babae, na pumunta sa kotse at after one hour, mag-isa na lang lumabas ng kotse ang babae at hindi na doon lumabas si Bricks. Nakita kasi sa CCTV 'yong babae, eh."

Sleeping BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon