Chapter 25

1.1K 56 0
                                    

JONI POV

SABAY-SABAY kumain sina Joni at ng pamilya niya nang gabing iyon. Ilang-araw na simula nang matagpuan siya ng kuya niya at ng mga kaibigan sa Park, na naging dahilan din nang hindi nila pagkakaintindihan ng kuya niya. Pero ngayon nakadama siya ng konsensiya dahil dapat hindi niya ginawa iyon. Ang tingin niya kasi sa kuya niya noon at kaibigan niya ay halimaw. Marahil dahil na naman iyon sa kapangyarihan niya at nagpadala na naman siya doon.  Naging mahina na naman siya, ngayon tuloy kahit ang parents niya ay galit sa kuya Julian niya at mga kaibigan niya dahil inaakala ng mga ito na kapahamakan lang ang dala ng mga ito.

"Kuya oh, ulam pa," alok niya sa kapatid. 

Inabutan pa niya ito ng plato na may ulam pero hindi siya pinansin ng kapatid niyaat  ni tingin hindi nito ginawa.

"Akin na, anak," sabat naman ng ina niya sa kanya at kinuha ang plato na may ulam.

"Ito po." Inabot niya sa ina ang ulam.

"Sa Sunday na tayo aalis papuntang Hawaii. Natagalan paano inasikaso ko pa ang ginawa ng Lemuel na iyon. Nilinis ko pa," sabi ng Papa niya.

"Ang sama talaga ng Lemuel na iyan! Hindi ko akalain na magagawa niya iyon sa atin!" sabat ng kanyang ina.

"Wala ngang utang na loob, eh. Hindi ko alam kung bakit magagawa niya sa atin iyon, naging mabuti naman tayo sa kanya." Napabuntong hininga ang Papa niya.

Alam niyang nasasaktan ang Papa niya dahil sa pagta-traydor ni Lemuel. Pinagkatiwalaan kasi si Lemuel ng ama niya at talagang naging malapit ang ama niya rito na itinuring pa ng Papa niya na kapamilya nito si Lemuel.

"Siya ang tunay na halimaw. Tapos ang anak natin ang tatawagin niyang halimaw?" dagdag pa ng ina niya.

"Totoo naman ang sinabi ni Lemuel, eh. Dahil halimaw naman talaga ang kayang kumuha ng kaluluwa ng isang tao! Ang pumatay-

"Shut up, Julian!" nanggigigil na saway ng ama niya.

"Pa, listen to me-

"I said shut up!" sigaw na ng Papa niya, "akala ko tapos na ito? Bakit inuulit mo pa ito?" 

"Because we need to stop, Joni! We need-

"Anak, tama na, please," nakikiusap na sabi na ng ina niya, "kapatid mo ang pinag-uuspan dito bakit mo ito ginagawa sa kanya?" Nakadama ng awa si Joni sa ina at gusto na niyang maiyak. 

Nasaktan siya sa sinabi ng kuya niya, na isa siyang halimaw at nasasaktan siya na pati ang mga magulang niya ay nasasaktan din dahil sa kanilang magkapatid.

"Hindi natin maililigtas si Joni, kung hahayaan-

Nanlaki ang mata ni Joni sa nagawa ng ama niya sa kuya niya. Sinampal ng Papa niya ang kuya niya.

"Pa!" bulalas niya.

"Wala kang respeto! Pati kami hindi mo na nirerespeto!" sigaw na ng ama niya.

"Tama na po. Tama na po," napaiyak ng awat niya sa mga ito.

"Bakit ba kayo hindi naniniwala? Pa, Ma, sasaktan niya tayo!" Itinuro pa siya ng kapatid.

"Manahimik ka na! Lumayas ka na lang dito kung hindi ka titigil!" galit na sigaw pa rin ng Papa niya sa kuya niya.

"Pa, hindi! Huwag mong palayasin si kuya," tutpl niya.

"Okay! If that's what you want! Fine, I will leave!" sigaw na rin ng kuya niya at nag-walk out na. Agad sinundan niya ang kuya niya para pigilan ito.

"K-kuya!" Hinawakan niya sa braso ang kuya niya.

"Don't touch me!" sigaw nito sa kanya, "hindi kita kapatid! Dahil hindi halimaw ang kapatid ko! Ikaw halimaw ka! Ikaw pumatay kay Bricks pati na rin sa tatlong-tao sa condo'ng 'yon! Nagulat si Joni, sa sinabi ng kapatid niya. 

Sleeping BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon