Chapter 29

1.2K 48 0
                                        

ANGELA POV

"ANONG GINAGAWA ko rito?" gilalas na tanong ni Angela kay Joni.  Napalinga siya ng tingin at nandoon rin si  Andross, matalim na nakatitig sa kanya. "Dross, t-tulungan mo ako. Si Joni, kino-kontrol na naman siya ng masamang kapangyarihan niya." Hindi siya pinansin ni Andross kaya pinilit niyang tumayo pero hindi siya makabangon sa kinahihigaan niya. Wala namang nakagapos sa kamay at paa niya subalit hindi pa rin siya makatayo.  "Ano bang ginawa mo sa akin, Joni! Bakit hindi ako makaalis dito!" sigaw na niya kay Joni.  Matiim lang itong nakatingin sa kanya, "Joni, bakit ginaganito mo ako?" niiyak na tanong niya sa kaibigan, "magkaibigan tayo. Best friend mo ako, hindi mo na ba natatandaan iyon? 'Wag kang magpadala sa kapangyarihan mo parang-awa mo na."

"Oo, kaibigan kita pero hindi ikaw ang Angela na kaibigan ko! Dahil ang tunay na kaibigan ko ay nasa katawan ng sunog na katawan na 'yan!" diin ni Joni at itinuro ang katawan na nasa likod nito.  

May kama na nandoon at may nakahigang katawan na sunog pero ang bahagi ng mukha nito ay kalahati lang ang sunog at kita pa ang kalahati ng mukha nito. Nakakagulat na kamukhang-kamukha rin niya ito.

"S-sino 'yan? Sino ang taong 'yan at bakit magkamukha kami?" Nagpapalag siya sa hinihigaan niya subalit hindi pa rin siya makaalis-alis kung nasaan siya ngayon. "Pakawalan niyo ako rito!" sigaw niya. 

"Iyan. Iyang ang tunay na katawan ni Angela, na ninakaw mo Cassandra!" sigaw ni Joni.  Hindi makapaniwalang napatitig siya muli kay Joni. 

Ano ba ang pinagsasabi nito? Bakit nito sinasabi na ang tunay na katawan niya ay ang sunog na katawan na iyon?

"H-hindi! Hindi iyan ang katawan ko! Hindi ako si Cassandra! Ako ito, si Angela!" diin niya sa mga ito. Matama siyang tumitig kay Andross, " Dross, tulungan mo ako. 'Wag mong hayaang makagawa sila ng masama sa akin," nagmamakaawa niyang sabi sa kasintahan.  Nilapitan siya ni Andross, hindi niya mawari ang pagiging blangko ng mukha nito.

"Hindi ikaw si Angela," mahinang sabi nito na ikinalaki ng mga mata niya, "nilinlang mo lang kami, hindi ikaw si Angela!" puno ng galit na sabi ni Andross. 

"Bakit sa kanya ka nagtitiwala, Dross? Bakit kay Joni, na may itim na kapangyarihan at hindi sa akin na kasintahan mo?" puno ng sama ng loob na tanong niya. 

"Dahil totoo ang lahat ng mga sinasabi nila. Ikaw si Cassandra, unti-unti mong kinukuha ang buhay ni Angela at pinapatay mo siya upang mabuhay ka!" galit na tugon ni Andross sa kanya.  

Malakas siyang sumigaw at buong lakas na nagpapalag sa kinahihigaan niya. Hindi maaring mapagtagumpayan ni Joni ang balak nito. Kailangan niyang lumaban!



JONI POV

"UMPISAHAN na natin ang ritwal nang pagpapalit," utos ni Joni sa mga kasama niya.  Kumukuha na naman ng lakas si Angela, o si Cassandra at baka kapag lalo itong lumakas ay hindi na nila maipagpalit pa ang katawan ng dalawa. 

Ang katawan na gamit ngayon ni Cassandra ay pag-aari ni Angela at ang katawan ni Cassandra ay si Angela naman ang gumagamit. Gumamit si Cassandra ng isang ritwal ng pagpapalit ng katawan subalit dahil kaluluwa ni Angela ang nasa katawan ni Cassandra ay napapalitan ang sunog na mukha ni Cassandra ng mukha ni Angela. Gumamit man ito ng malakas na kapangyarihan, lumalabas pa rin ang katotohanan at hindi iyon kayang pagtakpan ng kapangyarihan, nang itim nakapangyarihan ng kanino man. 

"Tingin niyo ba ay pahihintulutan kong gawin niyo sa akin iyan, Joni? Tingin niyo ba hahayaan kong magtagumpay kayo?" tanong ni Cassandra at parang wala sa sarili na tumawa ito. 

"Hindi ka man pumayag Cassandra, gagawa pa rin kami ng paraan para mailigtas namin si Angela at mabawi niya ang katawan niya mula sa magnanakaw na tulad mo!" tugon niya kay Cassandra.

Sleeping BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon