Chapter 17

1.1K 59 2
                                    

JONI POV

NAGDILIM ANG buong paningin ni Joni, hindi na niya alam kung nasaan siyang lugar naroon, basta ang tanging nakikita niya ay puro kadiliman. 

"Lola?" tawag niya sa Lola niya dahil wala siyang kahit anong maaninag. Nakarinig siya ng maliliit na halakhak na nagpanindig ng balahibo niya. "Sino ka? Magpakita ka!" matapang niyang utos sa humahalakhak. Nakaaninag na siya ng liwanag sa malayo kaya mabilis siyang naglakad para puntahan ito.  "May tao!" bulalas niya kaya mabilis siyang naglakad.  Nakatalikod na babaeng nakita niya kaya napangiti siya at nakahinga ng maluwang. Hinawakan niya ito kaagad sa balikat nang malapitan niya ito.

"Lola, nasaang lugar na ba ako?" tanong niya rito, nang maisip na ito na ang Lola niya.

Unti-unti itong humarap sa kanya. "Hindi ako ang Lola mo,"sabi nito. 

Isang babae ito.

May dalawang sungay sa noo.

May mga mahahabang pangil sa bibig at walang ilong.

May bilog na bilog na mata at pulang-pulang mga mata.

Hindi nagawang magsalita ni Joni, dahil isang halimaw ang nasa harapan niya. Nakakatakot na halimaw na ngumisi pa sa kanya.

"Ikaw na ba ang magiging pagkain ko, iha? Matagal na rin akong hindi nakakakain ng isang sariwang tulad mo at siguradong masarap ka," sabi nito at mala-demonyong humalakhak. 

Napaatras siya. Kailangan niyang makaalis sa harapan ng babaeng ito dahil delikado ang buhay niya. Halimaw ang kaharap niya at kumakain ito ng tao.

"Hindi ka na makakaalis dito, iha. Pinili mo ito kaya akin ka na."  Nanlaki ang mata niya. Paanong pinili niya ito? Sinong matinong tao ang pipili ng ikapa-pahamak niya? "Pero ikaw pinili mo, Joni at hangal ka sa pagpili ng ikaka-pahamak mo." 

Napasigaw siya nang may lumabas na mahabang galamay sa tiyan nito, maraming galamay at umikot lahat ito sa katawan niya. Humahalakhak pa ito. Nakakadiri ang galamay nito na nasa katawan niya at nakakatakot dahil may mga mata ito at may mga bibig at pangil na tumusok sa buong katawan niya.

"Ahhhh!" sigaw niya sa takot at sakit na nararamdaman niya. 

"Napaka-sariwa mo at ang sarap-sarap mo," humahalakhak na sabi pa ng halimaw na humihigop ng dugo niya sa buong katawan niya. 

" 'W-wag! Tama na," nanginginig na pakiusap ni Joni, sa humihigop nang dugo niya. Subalit humalakhak lang ito. Nanlaki ang mga mata niya nang biglang lumaki ang mukha nito at bumuka ang bibig nito na puno pala ng mga matalas na ngipin. 

"Kakainin ko ang ulo mo nang buong-buo," nakakakilabot na sabi nito at lumapit ang mukha nito sa mukha niya, bukang-buka ang bibig. Nakakasuka ang amoy ng bibig nito at nakakadiri ang itsura nito pero mas higit ang takot na nararamdaman niya sa pina-plano nitong gawin sa kanya. 

Ipinasok na nito ang ulo niya sa bibig nito pero hindi pa nito itinitikom ang bibig kaya nagsisigaw at nagpapalag siya. Kahit nanghihina na sa dugong hinihigop nito mula sa kanya ay nagnanais pa rin siyang makaligtas sa halimaw na nasa harapan niya.

"Lola, tulungan mo ako! Lola!" sigaw ng isip niya.

Malakas na humalakhak ang halimaw sa harapan niya. "Hindi ka ililigtas ng Lola mo! HINDI!" 

Naghalo na ang luha at pawis sa mukha niya, nanginginig na siya sa takot at panghihina.

"Katapusan ko na. Papa, Mama , Kuya, Markus, sorry. Sorry, kasi hindi ko na kaya." 

Nagdilim ang paningin niya at hindi na niya alam kung ano na ang nangyari pa.



Sleeping BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon