Her POV (1)

4.1K 44 0
                                    

Chapter 1: (Her POV)

"Nay! Hindi nyo po ako ginising ng maaga!" sinusuklay ko ang buhok habang pababa ako ng hagdanan, nagkagulo pa ang bag ko dahil basta-basta ko lang tinapon doon ang mga school supplies na nabili ko kahapon sa National Bookstore.

Ang malas ko kasi hindi rin nai-plantsa ng kapatid ko ang uniporme na susuotin ko ngayon. Tapos hindi pa ako ginising ng lola ko gayong alam naman nyang hindi pweding ma-late ako sa first day of school.

Lumapit ako kay Nanay na ngayon ay kumakain ng pandesal habang nanonood ng pang-maagang teleserye. Kdrama ata yun? Iba kasi yung mga mukha, hindi mga pinoy at mga instik. Chinese siguro. C-drama.

"Nanay naman. Ang sabi ko po ay hindi nyo ako ginising ng maaga. " tumawa lang sya kung kaya't napakamot ako ng ulo at mabilis kinuha ang kamay nya upang magmano. Papalabas na ako ng bahay nang makita kong pumarada sa harapan ng bahay namin ang isang itim na kotse.

"Mommy!" natuod ako sa kinatatayuan ko. Nakita kong lumabas ng bahay ang kapatid kong si Kenna at niyakap ang isang babaeng nagmamay-ari ng kotse na iyon. "Mommy, I missed you!"

Nag-iwas ako ng tingin at mahigpit na hinawakan ang strap ng bag ko. Sa drivers seat ng sasakyan na iyon ay lumabas rin ang bagong asawa ng ina ko. He was smiling ear to ear lalo na nung makita si mama na kayakap ang kapatid ko.

Pero napawi ang ngiti ni Tito David nung bumaling sya sakin. Tumikhim nalang ako at umaambang maglalakad na papasok sa school pero mabilis tumakbo papunta sakin ang ina ko.

I smiled. "Buti naisipan mong bumisita pa rito. " It's not my intention to say those words. Pero hindi ko mapigilan ang pagbuka ng bibig ko. Napayuko si Mama at mahigpit na hinawakan ang aking kamay.

"Kayla! Wag kang bastos kay mommy!" galit na sigaw ni ate Kenna. Umikot ang mata ko at binawi ang kamay ko mula sa babaeng kaharap ko. "Kayla!" nakita yun ni ate kaya lumapit sya samin at nilayo si mama mula sakin.

"Ayos lang. Ayos lang, Kenna. " mahinang sabi ni mama. Muli syang lumapit sakin pero tumalikod na ako."Sandali lang naman, 'nak! Gusto lang kitang makausap. " 

Kinuha ko ang i-pad sa bag at sinalpak ang earphones sa tenga ko. Iyon ang naging dahilan para hindi ko na marinig ang mga pinagsasabi ng babaeng yun. Hindi na ako hinabol ni ate dahil baka kung anong magawa nya sa akin dahil sa inis at galit.

Tuloy-tuloy ako sa paglalakad nang naramdaman kong uminit ang magkabilang gilid ng mata ko. Any minute now, I am going to burst out my tears.

Bakit kailangan pang umiyak ako ng umiyak dahil sa babaeng yun? She's not worth my tears, she didn't know the value of my tears. Ang buong akala siguro nya ay matatanggap ko sya ng buong-buo pagkatapos nyang makipag-hiwalay kay papa at nagtungo sa ibang bansa ng walang pasabi.

Walang araw na hindi ko hiniling na bumalik sya sa tabi namin ni ate Kenna. My wish granted, malaki ang pasasalamat ko sa Dyos dahil tinupad nya ang hiling ko. Bumalik sya, na malaki ang tyan at may kasamang ibang lalaki.

Nadurog ang puso ko nun. Hindi ko maatim tingnan ang ina kong nabuntis dahil sa David na yun. Ngayon ay nagsisisi na akong hiniling ko sa kanya na balikan kami ni mama. Ngayon ay nagsisisi akong tinago ko ang galit sa kanya noon nang makipag-hiwalay sya sa papa ko at mas piniling magtrabaho sa ibang bansa keysa ang makasama kami.

Patong-patong ang kasalanan nya. I don't know if I can still forgive her. Pero sa tingin ko ay dadating ang panahon kung kailan matatawag ko syang mama ulit, na hahayaan kong alagaan nya ulit ako.

Pinahiran ko ang luhang dumaloy sa pisngi at binilisan ang paglalakad dahil baka late na ako. Pero may bigla akong nabangga. Dahil sa lakas ng impact ay napaupo ako sa lupa samantalang yung lalaking nabangga ko ay dere-derecho lang ang paghakbang ng mga paa papalayo.

Mas lalo akong nabwisit! Dagdag kamalasan ang putanginang yun.

"Walang modo! " sigaw ko sa lalaki. Pinagpag ko ang palda at taas noong nilingon sya. Napansin kong nahinto iyon sa paglalakad pero hindi ako nilingon. Kumuyom ang kamao ko at inulit ang sinabi ko kanina.

Hindi man lang humingi ng sorry, pa-bad boy eh ang itim naman ng balat pati budhi.

Nagtatadyak ako pero napayuko rin nang mapansin ang isang panyo. Malinis iyon pero dahil sa pagtatadyak ko ay nadumihan pa. Puti ang kulay doon at itim naman ang nasa gilid. Yumuko ako para kunin iyon.

Muli kong nilingon ang lalaki kanina. Sa kanya kaya to? Sino ba yun? Sana ID nalang nya ang naihulog para malaman ko ang pangalan. Taga saming school pa naman ang uniform na suot nya.

Binulsa ko ang panyo sa palda ko at nagtatakbo papasok sa school. Nang marinig ang Lupang Hinirang ay nasapo ko ang noo sa inis. Sabi na nga ba!

---

"Ma-langaw sana yang pagkain mo para mahapuan ka ng sakit! Wag ka kasing tulala ng tulala dyan, Kayla!" tiningnan ko ng masama ang kaibigan kong si Adri. Tumawa sya at nakangiwing tinuro ang pagkain kong hindi ko pa nagagawalan.

"May problema ka, girl?" mukha man syang lokaret ay may concern parin sya sakin.

"Yung mama ko, binisita kami kanina. " kinuha ko ang kutsara at tinidor sa gilid ng aking plato at inis na sinubo ang pagkain sa bibig ko. Natigilan si Adri at ngumuso dahil sa sinabi ko.

"Bakit hindi ka masaya?"

"Ang hirap tanggapin yung katotohanang hindi mo na maibabalik ang dati kahit pa anong gawin mo. She's still my mother pero may sugat pang naiwan sa puso ko dahil sa kanya. " pakiramdam ko ay nasa teleserye ako habang nabibitiw ng madramang linya.

Nahawa ako sa lola ko! Leche naman. 

"Parehong mundo ang ginagalawan nating lahat, at sa mundong ito, hindi tayo hahayaan ng tadhana na hindi mabigyan ng mabigat na probelma. And everything's happened for a reason, ang tanging gawin lang natin ngayon ay magtiwala sa Dyos at maging matatag sa kahit anong klaseng problema pa iyan. "

Mukhang nahawa narin sya sa pagbabasa ng mga Novels at wattpad. Pareho silang adik ng lola ko.

Ngumiti ako at maya-maya'y natawa din. "Grabe, Adri! Ang lalim ng sinabi mo. "

Hinampas nya ang ulo ko at napanguso na naman.

"Leche ka! Ikaw na nga tong binibigyan ng payo, tinatawanan mo pa ako!" padabog syang nagpatuloy sa pagkain. Natigil lang ako nang pumasok sa canteen si Silver. "Crush mo diba?" nakangising tanong nya.

Humaplos sa mukha ko ang pamumula. Umiling ako at nag-iwas ng tingin sa lalaking iyon.

"Sus, crush mo eh. " sabay tulak sa noo ko. Umiling lang ako ng umiling. "Sino ba crush mo? Wag mong sabihing may gusto ka parin kay Kian?"

Natigilan ako sa pagnguya at inikot ang mata. Nakita yun ni Adri kaya hinampas nya ang balikat ko at pinanlakihan nya ako ng mata.

"Sabi na nga ba at may gusto ka parin sa kanya!" malapad ang ngiti nya at tila kinikilig sa nalaman. Nag-taas lang ako ng balikat at tahimik na kumain. Biglang pumasok sa isipan ko ang mukha ni Kian kaya napangiti ako sa kawalan. "Luh, luh, luh! Ayan, ngumingiti ang putanginang inlove! Oh my god ka, Kayla! Akala ko ay move on ka na sa lalaking yun. "

"Mahirap. " tipid kong sagot. Inangat ko ang paningin sa kanya pero dumulas ang aking mata kay Silver na nakatingin rin pala sakin. Nag-iwas ako ng tingin. "Mahirap mag-move on, duh. "

"Boto talaga ako sa Kian na yun!" pumalakpak pa sya at natawa lang din naman ako. "Teka nga, Kayla. Yung poser account mo na Shana Sy ay ginamit mo na ulit. " nawala ang ngiti ko.

Tumango ako. "Kahapon lang ako nakapag-online ulit. " napayuko ako. May rason ako kung bakit ko iyon ginawa pero hindi ko sasabihin kay Adri. Baka pagalitan nya ako.

"For what? " nagtatakang tanong nya.

"Kumain ka nalang. "

Nangunot ang noo nya at sabay naming tinapos ang pagkain. Natapos ang first day of school namin at hindi na kami nagkasabay sa paglalakad pauwi. Sinundo kasi sya ng kuya nya samantalang ako ay nasa gilid ng daan, naglalakad mag-isa habang hawak-hawak ang aking cellphone.

Si Renzo Kian ang dahilan kung bakit binuksan ko ulit ang poser account ko. Nanlaki ang mata ko nang makitang nagreply na pala sya.








FB: Makiling Montefalco WP
IG: @yiskahwp

The Reason Why He Hated Me // Kydree: Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon