Her POV (21)

857 22 2
                                    

Chapter 21: (Her POV)

Puting kisame ang bumungad sakin pagkagising ko. Yumuko ako at bahagyang umupo, hinawakan ko ang ulo dahil sa naramdamang sakit nito. Nang mag-angat ako ng tingin ay napagtanto kong nandito pala ako ngayon sa hospital.

Hinanap ng mata ko ang mga kaibigan ko pero si Hans lang ang nakita ko na natutulog sa sofa. Nakasandal ang ulo nya at tinakpan ng libro iyon.

Pero ano nga bang nangyari sakin at bakit ako nandito? Ang huli kong natandaan ay nawalan ako ng malay habang nagsasayaw.

"You're awake. " napatingin ako ulit kay Hans na ngayon ay nagsimulang lumapit sa kama ko. Umupo sya sa gilid ko at inayos ang aking buhok. "Akala ko hindi ka na magigising. " natatawang sabi nya at tiningnan ko naman sya ng masama.

"Ano bang nangyari?" hindi ko na sya pinatulan bagkus ay nagtanong na ako. Baka mamaya sabihin nyang may sakit ako kaya nahimatay ako.

Bumaba ang paningin nya sa kamay ko at mahigpit nyang hinawakan yun. "Nahimatay ka lang dahil sa gutom at pagod. Hindi mo sinabi samin na hindi ka pala kumain, tsaka may ulcer ka na daw simula pa nung bata ka. Ang hilig mong magtago ng sikreto, ano?"

Dismayadong umiiling-iling sya, napanguso na lamang ako. Kapag nalaman ito ni Nanay at Ate Kenna ay siguradong papagalitan at sesermonan nila ako magdamag.

"Yun lang ba?" tanong ko ulit. "Ang layo naman nun sa bituka. " natatawa kong dugtong pero napawi din nang pukulan nya ako ng masamang tingin.

"Paano kung lumala yang ulcer mo at magkaroon ka ng ibang sakit? Alam mo naman sa henerasyon ngayon, Kayla, walang pinipiling tao ang iba't ibang klaseng sakit. " pati sya ay sinesermonan na rin ako.

Nag-iwas ako ang tingin at hindi na sya sinagot pa. Sa kalagitnaan ng pananahimik namin ay bumukas ang pintuan at bumungad samin sina Adri at Fatima na may dalang supot ng pagkain.

"Charan!" pinakita ni Adri sakin ang laman ng tupperware. Namilog ang mata ko nang makitang nakapaloob doon ay Adobo. "Paborito mo ito diba? Sinabi samin ng mama mo. Sa tagal nating magkaibigan ay ngayon lang namin nalaman ang mga paborito mong pagkain. " tila may bahid ng lungkot ang boses nya.

"Eto pa, Kayla. " pinakita rin sakin ni Fatima ang carbonara. "Alam na namin to dahil ito yung palagi mong binibili sa school. Teka, ayos ka na ba? Hindi na ba sumasakit ang ulo mo? " nag-aalala nyang tanong.

Umiling ako at ngumiti sa kanila ng totoo para mapakita sa dalawa na ayos na ayos na ako. "Oo naman. Salamat nga pala dahil dinala nyo ako rito. Pero pwedi namang sa clinic nalang ng school nyo ako dinala. " natatawa kong usal.

Ngumiti lang sakin si Adri at binigay sakin ang tupperware na adobo at isa pang tupperware na may lamang kanin. Nagsimula akong kumain at maya-maya pa'y sinabihan kami ng isang nurse na pwedi na daw akong lumabas.

May chine-check pa sya sa katawan ko bago pa sya umalis. Binigyan rin ako ng gamot at mga advices na wag akong magpalipas ng gutom dahil masama raw sa katawan. Ngunit nakakapagtaka ngang hindi man lang ako binisita ni Silver.

"Si Silver ba... alam nyang nandito ako?" tanong ko sa kanilang tatlo habang naglalakad kami sa hallway.

Natigilan si Hans at pagkunwa'y inakbayan ako. "Wag kang kiligin ha, bumisita sya sayo pero saglit lang. Kasama nya si Lanie at sabay silang umuwi dahil may practice pa daw sila. "

Siniko ko ang tagiliran nya at sinamaan sya ng tingin. "Hindi talaga ako kikiligin. Nagseselos nga ako. Bakit ba kasi silang dalawa pa yung nagpartner? Hindi ko alam na maganda pala ang boses ng Lanie na yan. " naiirita kong usal at narinig ko syang tumawa.

The Reason Why He Hated Me // Kydree: Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon