Her POV (16)

997 13 0
                                    

Chapter 16: (Her POV)

Ang sagot sa mga tanong ko na matagal ko ng hinahanap ay sinagot na nya. Sinagot na ni Kian ang tanong ko kung bakit kinamumuhian nya ako.

Pero sapat ba yun? I mean, hindi kasi kapani-paniwala. Parang ayaw tanggapin ng sistema ko ang mga sinabi nya sakin kahapon. Processing parin. Nag-loading. Bumara.

I should party, right? Dahil sa wakas ay nalaman kong mahal pala nya ako. Na matagal ko na palang hawak ang puso nya pero ako itong manhid at hindi sya. Na ako pala ang nananakit sa kanya at hindi sya.

Pero bakit ganun? Bakit kinamumuhian nya ako dahil sa mahal nya ako ng buong buo? Hindi ko maintindihan. At wala akong balak intindihin.

Sa tingin ko kasi ay mas lalong gugulo ang isipan ko kapag nalaman ko pa. Pero pinupush ako ng puso ko na dapat kong malaman, na deserve kon malaman.

Hindi pa talaga sapat yung sagot nya. Gusto ko syang kausapin pero paano? Nung pinagtagpo kami kanina sa isang restaurant ay naikuyom nya ang kanyang kamao bago pa ako makalapit sa kanya. Kung gagamitin ko naman ang cellphone ko ay naiwala ko nga kahapon sa Tarisiya.

"Kayla, anak! Bumaba ka na rito at nang makaalis na tayo. " narinig kong sigaw ni mama mula sa sala.

Napabuntong-hininga ako at pinasadahan ng tingin ang suot kong dress. Naglagay ako ng light make up para naman kahit papano ay magmukha akong tao.

Tsaka lumaki ang eyebags ko dahil ang tagal kong natulog kagabi. Pagkatapos kong tingnan ang sarili ay lumabas ako ng kwarto ko't sumunod kila mama at ate Kenna sa paglabas.

"Excited na ako. " humagikgik si ate sa gilid ko nang makaupo kami sa kotse ni tito David.

"Halata nga. " sabay ismid at nilabas ang dala kong chichirya.

"Hindi ka ba excited? Mukha kang malungkot at walang gana ngayon. " aniya at dumekwat sa Nova ko.

"Halata na nga, tinatanong mo pa. " sinamaan nya ako ng tingin kung kaya't napasimangot ako at kinuha ang isang head set sa kaliwang tenga nya saka sinuot sa tenga ko. "Anong kanta to?"

"Kaya Pala by Patch Quiwa. " nakangiting sagot nya habang feel na feel ang pagnguya sa Nova.

Mas pinakinggan ko pa lalo ang kanta at maya maya pa'y parang may kung anong tumama sa puso ko. Gusto kong kapahin para malaman ko kung ano. Ang sakit talaga. Parang kutsilyo yung tumusok doon.

Sa sobrang sakit ay naipikit ko ang mata. At sa pagmulat ng mata ko ay pumasok sa isipan ko ang mukha kahapon ni Kian. At ang mga salitang binitawan nya ay tumatak sa isipan ko.

Hindi ko alam. Hindi ko alam na mahal mo pala ako. Pero kailan lang? Bakit?

"Ate, when you love someone else at may isang tao ang nasa tabi mo parati kapag nasasaktan ka, tas nalaman mong ang taong yun ay gusto ka nya at gusto mo rin sya, anong gagawin mo sa taong tunay kong minamahal?" I suddenly ask.

Napalingon sakin si mama sa rear view mirror, samantalang ang nagmamaneho namang si Tito David ay napatingin kay mama. Well, my granny is sleeping right now. Kakabyahe pa lang namin, tulog na.

Nahinto ni ate ang kanta at taka akong nilingon.

"Si Silver at Kian ba ang tinutukoy mo?" napaubo si mama sa tanong ni ate.

Hinampas ko sya. "Ate naman. Syempre, hindi! May story kasi ko sa wattpad at kailangan ko ng mga ideas mula sayo para makapagsulat na ako mamaya. " pagsisinungaling ko.

Nagkibit balikat sya sakin at napaisip sa tanong ko.

"May mahal ka at may gusto ka. At hindi iisang tao iyon. Pero mas lamang sa puso mo ang taong mahal mo, hindi ba?" ngumisi sya ng nakakaloko.

The Reason Why He Hated Me // Kydree: Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon