"Bakit namumugto ang mga mata mo? Akala ko ba okay na kayo ni Silver?" iyan agad ang tanong ni Adri pagkaupo nya sa harapan ko.
Nagplano akong makipagkita sa kanilang dalawa ni Adri at Fatima. Hindi naman pweding kay Silver ako lumapit gayong si Renzo na naman ang iiniyakan ko.
Well, it does not mean na hindi ko parin nakalimutan ang lalaki at ginawa ko lamang panakip butas si Silver. No, honestly, I cried last night because of Renzo's condition.
"O-okay naman na kami. " nag-iwas ako ng tingin at pinasadahan na lamang ang mga dumadaang tao sa jollibee na ito. I don't want them to see how puffy my eyes are.
"So bakit parang umiyak ka kagabi?" tanong ni Fatima na agad ko namang nilingunan at kapagkunwa'y napayuko.
Naramdaman ko ang paghawak ni Adri at Fatima sa kamay ko. Bumuntong hininga ako at nilabas ang phone mula sa bag.
"Si Kian, " panimula ko. Nagtinginan silang dalawa at napakunot ang mga noo. Marahil nagtataka sila kung bakit iniyakan ko na naman yung taong nanakit at sinaktan ko noon. "Nag-usap kami kagabi sa chat. Then I blocked him. "
Muli silang nagtinginan at agad kinuha ang cellphone sa kamay ko. Magkadikit ang mga ulo at malapit ang mata sa phone ko habang binabasa ang napag-usapan namin kagabi ni Kian.
Nang matapos ay agad akong binatukan ni Adri. She even stood up para lang mabatukan ako. While Fatima rolled her eyes at me and give my cellphone back.
"Binlock mo si Kian dahil lang naiinis ka sa gagawing pag-give up nya?" bulas ni Adri na parang pinapahiwatig sakin na madali lang tanggapin ang mga salitang binitawan ni Kian kagabi.
"Ayoko lang na sumuko sya. Kaya ko yun ginawa para makonsensya sya at magpurisigidong mabuhay pa. " sagot ko sa kanya.
Nangalumbaba si Fatima at kinain ang fries na inorder. I looked at my foods pero ni kunting kagat ay hindi ko nagawa.
"Pero paano kung hinayaan na lang nya yung pag-block mo sa kanya dahil willing na talaga syang sumuko?" muling bulalas sakin ni Adri at kinuha ang spaghetti na inorder ko.
Napasinghap ako at hinawakan ang noo.
"H-hindi naman siguro nya itutuloy yun. "pangungumbinsi ko sa... sa sarili. Yes, dahil hindi ko alam kung talagang gusto na talaga nyang sumuko sa buhay at iwan kaming nagdadalamhati dito.
"Pero Kayla, kung kahapon ang surgery nya, may natanggap ka bang balita sa kanya?" biglang nagsalita si Fatima.
Napaayos ako ng upo at matagal na napatitig sa kanya. Ngayon ko lang naalala na e-contact si Kyana para makibalita. But my phone suddenly vibrate na agad ko namang sinagot ang taong tumatawag sakin.
I didn't even take a glance of the caller. Basta ay sinagot ko na agad ang tawag. Umaasa akong kapamilya ni Silver ang tumawag sakin pero boses ni Silver ang narinig ko.
"Hey, " panimula nya mula sa kabilang linya.
Napatingin ako sa dalawa kong kaibigan at muling napabuntong hininga. Tumayo ako at lumabas sa Jollibee.
"Hi, " bati ko rito at narinig ko ang bahagyang pagtawa ni Silver. I can't help myself but to let out my soft laugh, too. "Bakit ka napatawag?"
"Wala lang. Miss lang kita. " pa-cute na sagot nya sa tanong ko. "Anyway, are you alright?"
Literal na hindi ko maintindihan kung bakit naitanong nya sakin 'yun. Tumingin ako sa buong paligid at pilit syang hinanap ng mata ko. Pero ni anino nya ay hindi ko makita.
"Bakit mo naitanong? Syempre, alright na alright ako. " pagsisinungaling ko.
Saglit syang nanahimik sa kabilang linya bago nagsalita ulit.
BINABASA MO ANG
The Reason Why He Hated Me // Kydree: Book 1
FanfictionBOOK ONE: COMPLETED BOOK TWO: ON-GOING Kayla Bonifacio has been chasing 'him' for so long. She made a poser account at iyon ang ginamit nya para e-chat si Renzo Kian. Thank you @winkingpinkpiggy for the cover...