Epistolary #37

927 7 0
                                    

Renzo Kian
Mahigit tatlong buwan na tayong nag-uusap pero kahit isang beses ay hindi pa kita nakita.
5:40 PM

Shana Sy
Nakita kita. Madalas kitang makita. Pero ikaw, nilalagpasan mo lang ako. Paano kaya kung makita mo na talaga ako? Higit pa dun ang gagawin mo sakin.
5:42 PM

Renzo Kian
Nilalagpasan kita? Bakit hindi ikaw ang unang lumapit sakin? Shana, we can be friends in personal. Wag dito sa chat. Nakaka-confused. Pati mga kaibigan ko ay gusto ka na nilang makita.
5:44 PM

Shana Sy
Boto ang mga kaibigan mo sakin? Eh ang kapatid mo?
5:46 PM

Renzo Kian
Hindi ko alam.
5:48 PM

Shana Sy
Hindi boto ang kapatid mo sakin. Yun ang kutob ko. Paano pa kaya kung dalhin moko sa bahay nyo at makita nya ako? Siguradong sasamaan nya ako ng tingin o di kaya'y ipagtatabuyan.
5:50 PM

Renzo Kian
Di pa nga kita girlfriend, ipakilala na agad kita sa parents ko? :D
5:53 PM

Shana Sy
Grabe ka! HAHAHA.
5:56 PM

Renzo Kian
Kailan ba tayo magkikita?
5:57 PM

Shana Sy
Kapag handa na ako.
5:59 PM

Renzo Kian
Shana, please. Kahit isang beses lang. Nagtataka na talaga ako.
6:01 PM

Shana Sy
Kung ikaw ang nasa sitwasyon ko, mahihirapan karin. Magiging ganito rin ang desisyon mo. Na mas pipiliin mo nalang na maglihim sa isang tao para hindi masira ang pinagsamahan ninyo.
6:04 PM

Renzo Kian
Hindi ko maintindihan kung bakit ayaw mong makipagkita sakin.
6:06 PM

Shana Sy
I'll tell you soon.
6:08 PM

Renzo Kian
Kailan ang soon na yan?
6:10 PM

Shana Sy
Ewan.
6:12 PM

Renzo Kian
Wag mong hintaying ako na mismo ang puputol sa lubid na nakatali sating dalawa Shana. Wag mong hintaying mapagod ako kakahintay. Wag mong hintaying maging stranger nalang ako sa facebook mo.
6:15 PM

Shana Sy
Shit! Kian naman.
6:17 PM

Renzo Kian
Hindi ko kayang ganito nalang tayo palagi. Gusto na kita, e. Kaya gusto kitang makita para malaman ko kung tama bang gustuhin ko ang isang tao. Para naman sa pagkakataong to, hindi na ako magkamali. Ayoko ng magkamali.
6:18 PM

Shana Sy
At marerealize mong maling tao ang nagustuhan mo kapag nakita mo na ako.
6:20 PM

Renzo Kian
Shana.
6:24 PM

Shana Sy
Sorry. Hindi ko talaga kaya.
6:26 PM

Renzo Kian
I'm harmless. Wala akong gagawing masama sayo. Kahit ilang dangkal pa ang layo natin sa isa't isa, okay lang. Basta ay makita kita at makausap kita. Hindi kita hahawakan. Hindi ako magtatanong about sa buhay mo. Ang gusto ko lang naman ay makita, makausap at makilala kita.
6:28 PM

Renzo Kian
Pagbigyan mo naman ako kahit ngayon lang.
6:30 PM

Shana Sy
Ilang beses na tayong pinagtagpo ng tadhana. Pero hindi mo magawang tumingin sa mga mata ko. Lumalayo ka, umiiwas ka. Hinihiling ko na sana sa oras na magkita ulit tayo, lilungunin mo ako. Pero wala, e. Hindi talaga. Para akong hangin sa paningin mo. Mahirap akong makita ng mga mata mo.
6:33 PM

Renzo Kian
I'm sorry. Sorry kung masyado akong desperado. You can't blame me. Iyon lang talaga ang gusto ko. Sorry kung ganito akong klaseng tao. Sorry kung ganun na pala ang ginagawa ko sayo kapag nagkikita tayo. Sorry.
6:35 PM

Shana Sy
Okay.
6:36 PM

Renzo Kian
Huh?
6:37 PM
seen

Renzo Kian
Wait... did you...
6:38 PM

Shana Sy
Okay. Oo. Yes.
6:39 PM

Shana Sy
OO KIAN! SINASAGOT NA KITA! HAHA CHAROT!
6:41 PM
seen

Shana Sy
Let's meet tomorrow. But you have to promise me someting. Na kapag nakita mo ako, hindi moko tatalikuran. 'Cause if you do, hindi ko alam kung babalik pa ba ako sayo.
6:43 PM

Renzo Kian
Totoo ba yan? Hindi na ba yan joke? Seryoso ka?
6:45 PM

Shana Sy
Ewan ko sayo. Kung ayaw mo na, edi wag!
6:46 PM

Renzo Kian
Okay :)
6:48 PM

Shana Sy
Anong okay? Di ka na payag? So ako na ngayon ang magpupumilit na magkita tayo? Lah.
6:50 PM

Renzo Kian
I mean, okay. Sige. Magkikita na tayo diba? :)
6:53 PM

Shana Sy
You have to promise me first. Na hindi moko tatalikuran.
6:54 PM

Renzo Kian
Promise. :)
6:56 PM

Shana Sy
Ang saya mo ah?
6:58 PM

Renzo Kian
Syempre. Makikita na kita sa wakas.
6:59 PM

Shana Sy
Saan tayo bukas?
7:01 PM

Renzo Kian
Sa waiting shed ng St. Joseph University :)
7:05 PM
seen







---

Late update! HAHAHA lul. Aral kasi inuna ko. At sa story kong "Kaibigan Mo", sana maintindihan nyong slow update yun T_T. Salamat.

FACEBOOK: Makiling Montefalco WP / Jessica Tanda
INSTAGRAM: @maemakiling.wp
TWITTER: @Makilingwattpad

The Reason Why He Hated Me // Kydree: Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon