"Anong ginagawa mo?"
Natigil ako sa pag-eensayo kung paano tumugtog ng gitara dahil sa biglaang pagsulpot ni ate Kenna sa harapan ko.
"Para sa performance task namin sa Intramurals. " agad akong nag-iwas ng tingin sa kanya at tinuon ang sarili sa cellphone ko. Nandoon yung mga chords at lyrics ng kakantahin ko bukas.
Hindi ko alam kung tama ba tong ginagawa ko. Hindi ko alam kung maganda ba yung tono ng pagsta-strum ko. At hindi ko alam kung makakaya ko bang tumugtug at kumanta sa harap ng maraming tao, lalong-lalo na kung nandyan sya.
"Hindi kayo partner ni Silver?" kumuha sya ng silya malapit sa study table ko at pumwesto sa aking harapan.
"Hindi, eh. One by one, ate. "
"Hala! Nakakahiya yun. " humagalpak sya ng tawa at maya-maya'y natigilan rin nang makita ang reaction ng mukha ko. Nangalumbaba sya at pinagmasdan nya akong maluha-luha na dahil ang sakit na ng mga daliri ko.
"Nahihirapan ka ba? Pwedi namang ukelele nalang ang gamitin mo. Mas mapapadali yung performance mo, Kayla. " suhestiyon nya.
Binaba ko ang guitar na mabilis naman nyang dinampot.
"Mas bet ko yung guitar, ate. Akala ko madali lang matuto, mahirap din pala. "
"Yung pagpa-practice kasi ng guitar, parang pagpa-practice kung paano mag-move on. Akala mo madali lang, yun pala ay parte ng pagsasakrapisyo mo para lang matutunan mo syang kalimutan. " she smiled and started strumming the guitar while humming.
Saglit akong natigilan at halos manlaki ang mata ko nang marinig syang tumugtug. Sa tanang buhay ko, kailanman ay hindi ko sya nakitang magitara. Laging pagkanta lang ang nagagawa nya since iyon ang talent talaga nya.
But no, she was also a guitarist.
"Marunong ka?" hindi makapaniwalang tanong ko.
She smiled again. Yung klase ng ngiting nagmamayabang at may halong lungkot at pagkaka-miss sa isang tao.
"Silver taught me. " tugon nya.
I can't speak. Speechless ako sa narinig. But then, tumingin nalang ako sa kamay nyang malikot dahil sa pagkakalabit ng string sa guitar.
"So you're still thinking of me
Just like I know you should
I cannot give you everything
You know I wish I could.I'm so high at the moment
I'm so caught up on this.
Yeah, we're just young, dumb and broke.
But we still got love to give. "Nung mapatingin ako sa mukha nya ay doon ko nakita ang mga matang puno ng lungkot. Inalis nya ang paningin sa guitar at nakangiting lumingon sakin na parang sinasabi na okay lang sya.
Okay lang sya.
Kahit yung taong mahal nya ay mahal ako at mahal ko rin. How complicated. Sucks.
"While we're young dumb, young dumb and broke.
Young, dumb, young dumb and broke~~~" (A/N: hindi ko na isusulat yung whole chrorus ng lyrics dahil paulit-ulit lang naman. Nakakatamad na. haha)Nang matapos sya sa pagkanta at pagtugtug ay agad nyang binigay sakin ang gitara. Tinanggap ko naman at inilagay sa tabi ko saka ako nagtanong sa kanya ng mga bagay na gustong malaman ng puso ko.
"Nakalimutan mo na ba sya?" hindi agad sya nakatugon. Tila nag-iisip pa ng isasagot. She looked away and sigh. "Ate, sabihin mo sakin ang totoo. Aminin mo. "
"Oo. " napasinghap ako sa naging sagot nya.
"Ate Kenna. "
"Mahirap aminin at sabihin ang totoo, Kayla. Kapatid kita, at ex-boyfriend ko yung gusto mo. At ayokong mawala yung tiwala mo sakin at baka magkakagulo na naman tayo. " aniya.
BINABASA MO ANG
The Reason Why He Hated Me // Kydree: Book 1
Fiksi PenggemarBOOK ONE: COMPLETED BOOK TWO: ON-GOING Kayla Bonifacio has been chasing 'him' for so long. She made a poser account at iyon ang ginamit nya para e-chat si Renzo Kian. Thank you @winkingpinkpiggy for the cover...