Her POV (10)

987 7 0
                                    

Chapter 10: (Her POV)

Nanginginig ang kamay na binuksan ko ng dahan-dahan ang pintuan ng kotse. Nagtatakang tiningnan ako ni Tito David na syang nagmaneho sakin patungo sa pupuntahan ko.

Ngumiti ako sa kanya bago ko naisipang lumabas na ng tuluyan. Hindi ko namalayan na nakatitig na pala ako sa harap ng waiting shed, kinakabahan parin at balisa na animo'y natatakot sa kung anong mangyayari sa araw na ito.

Hanggang sa napagtanto kong nakaalis na pala si tito David at nanatili lamang akong nakatayo rito. Walang tao, tanging ako lamang ang nandito. Maliban nga lang sa mga sasakyang nagmamaneho sa kalsada.

Ano nga bang ginagawa ko rito? Ano nga bang pakay ko sa waiting shed ng school namin na nasa labas at bakit para akong tangang nakatitig rito?

Naupo ako at pinagmasdan ang kalangitan na tila anumang oras ay bubuhos ang napakalakas na ulan. Napapikit ako ng mariin at binuksan ang cellphone upang basahin ulit ang naging usapan namin kagabi ni Kian.

Shana Sy
Let's meet tomorrow. But you have to promise me someting. Na kapag nakita mo ako, hindi moko tatalikuran. 'Cause if you do, hindi ko alam kung babalik pa ba ako sayo.

Renzo Kian
Okay :). Promise. Sa waiting shed ng St. Joseph University.

Kaya ako nandito, kaya ako nagtungo rito para sa usapan namin. Pero hindi ko alam kung makakaya ko bang harapin sya ngayon. Hindi ko alam kung pagkatapos nyang malamang peke lang pala si Shana Sy  ay magagalit sya o tatalikuran lang ako.

Pinagdikit ko ang malamig kong mga palad at kiniskis iyon. Ilang minuto akong naghintay, hanggang sa naging oras. Isang oras, dalawang oras, apat na oras. Kahit bulto ni Kian ay hindi ko nasilayan.

Niyakap ko ang sarili nang bumuhos ang ulan at nabasa ako. Maraming butas ang ceiling ng waiting shed kaya natural na mabasa ako. Humagulgol ako ng iyak at dahil sa inis ay naibato ko ang cellphone. Para nga talaga akong tanga rito.

Sana hindi nalang ako sumipot. Sana hindi nalang ako pumayag na makipagkita sa kanya dahil alam ko naman na ang magiging reaksyon nya. Sana hindi nalang ako naging tanga at bobo para hindi ako masaktan at umasa ng ganito.

Habang umiiyak ay nabigla ako nang may tumabi sakin sa waiting shed at pinayungan ako. Tumingala ako para makita sya.

"It hurts as hell seeing you crying. Wipe your tears, Kayla. " he handed me a handkerchief.









---

Hi! Gusto ko lang sabihin sa inyo na hindi iisa si Silver at Renzo Kian. Si Darren Espanto yung pinoportray ko kay Kian. Tas si Kyle Echarri naman ay si Silver. Kydree Fanfiction to pero nakafocus ang book 1 sa DarDree! Salamat!

FB: Makiling Montefalco WP
IG: @yiskahwp

The Reason Why He Hated Me // Kydree: Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon