Her POV (2)

1.6K 15 0
                                    

Chapter 2: (Her POV)

Napadaing ako ng hampasin ako ni nanay ng hawak nyang pamaypay. Nakangusong hinimas ko ang na-harass na braso bago ko nagtatakang tiningnan sya.

"Nay, bat nyo po ako hinampas?" kunyari ay naiiyak ako. Kung kaya't muli akong nakatanggap ng hampas mula sa kanya. Napasigaw ako sa sakit at parang wala lang sa kanya iyon bagkus ay pinaghahampas pa ako. "Nanay!"

"Ikaw bata ka! Alas dyes ka na kumain ng pang-hapunan! Akala mo ay hindi ko napapansin ang pagkukulong mo rito kapag nandito ang ina mo? Ikaw, Kayla ha! Hindi ko gusto ang trato mo sa kanya!" sigaw nya at hinampas ako sa huling pagkakataon bago tumalikod at padabog na sinara ang pintuan bg kwarto ko.

Nasapo ko ang noo sa inis. Napapikit ako ng mariin at sa pagmulat ng mata ko ay dagli akong nataranta nang maramdaman kong may likido ang dumulas sa pisngi ko. Nagtatakbo ako papunta sa salamin at tiningnan ang sarili ko doon na lumuluha.

Para akong tanga rito.

"Shit, shit, shit ka! Bakit ka ba umiiyak? Ac, sa sobrang daming luha ang nasayang mo, hanggang kailan ka ba mapapagod? Hanngang kailan mo matutunan ang sariling mahalin ulit ang ina mo? Pero hindi naman talaga kasi ganun kadali, masyadong masakit yung ginawa nya. " ayan na naman ako sa ma-dramang linya.

Pinahiran ko ang luha at inis na ginulo ang buhok bago ako muling umupo sa silya na katapat ng laptop ko. Binuksan ko yun at nag log in sa poser account ko.

Shana Sy.

The reason why I created that....

ng dahil sa kanya? Dahil kay Renzo Kian? Bakit? Sino ba sya at anong naging parte nya sa buhay ko?

Renzo. Kian. Alonzo.

The first guy who I fell inlove with. Kumbaga sa mga wattpad at novel books, first love ang tawag doon. Perp hindi ako naniniwala sa ganun. Lalo na yung quotes na "First Love Never Dies. " Though hanggang ngayon nga ay hindi ko parin sya makalimutan. Basta ay hindi ako naniniwala sa mga ganun. Even Destiny, Happy endings, fate o ano-ano pang ka-cheesyhan.

6 years ago. I met him, grade 3 pa kami nun. Akala ko pa nga ay may papatid sakin nun. Alam mo yun, He's Into Her ganun. Newbie ako. Wala akong kausap. Wala akong kaibigan. Loner. Pero nabigla ako ng lapitan ako ng isang babae sa section two.

Hindi ko sya kilala pero muli na naman akong nabigla sa sinabi nya sakin. "Crush ka ni Kian. " aniya.

Hindi ko rin kilala si Kian kaya kailangan ko pang magtanong kung sino sya. Mula sya sa section 2 kasama ang babaeng lumapit sakin. Nalaman ko ring mag-pinsan sila. Pero hindi ako siguradong totoo nga ang sinabi nya dahil hindi naman nagpapakita ng motibo ang lalaki sakin.

At bata pa kami nun. Go lang ako ng go!

Tapos sumunod na araw ay nabigla ako nang tumayo sa pintuan namin sii Kian at hinanap nya ako sa mata. Nanlaki ang mata ko at kunyaring nakipag-usap sa seat mate para hindi nya ako makita. Ayoko pa sa kanya. Ang pangit nya. Joke.

Basta ay wala akong interes sa kanya. Bahala na syang maghabol sakin.

Umalis rin sya agad pero maya maya'y nagsipuntahan sa section namin ang kabilang section at may binigay sakin yung isa sa kanila. And guess what? Nakakabigla nga kasi isang pekeng singsing.

"Ano to?"

"Singsing. Bigay ni Kian. Yieee!"

Ngumiwi ako at hindi tinanggap ang singsing. Nah, wala akong panahon sa love life at pag-ibig.

Hindi naman sila nagpumilit na ibigay sakin yun kaya nakahinga ako ng maluwag nang makitang nilisan na nila ang silid namin. Ramdam ko ang pamumula ng buong mukha ko. Sa tanang buhay ko ay hindi ko pa naranasan na magkaroon ng ganito. Hindi ko hiniling na magkaroon ng admirer sakin dahil alam kong kusa lang silang magkakagusto dahil sa kamandag ko.

Charot!

Habol ng habol si Kian kahit sobrang bata pa kami para doon. Hanggang sa nag-grade 4 at may lumipat saming babae. Total package pa nga. Mabait,matalino,mayaman,maganda. Lahat-lahat! Sinalo na nya lahat ng binigay sa Dyos habang ako'y tulog na tulog kaya eto ang naging resulta.

Wala lang naman sakin ang babaeng TP dahil hindi naman ako nakaramdam ng insecure. Pero nalaman ko nalang bigla na nakagusto pala sa kanya si Kian. Kaya ayun, durog puso ko sa hindi malaman na dahilan. Yun pala ay dahil gusto ko na sya.

Nagkagusto na ako kay Kian gayong may iba na syang gusto ngayon. Ang tanga ko!!!!

Simula nun, ako na yung habol ng habol pero sakit sa puso ang bagsak ko palagi. Highschool na nga ako at sya parin ang gusto ko.

Kaya gumawa ako ng poser account. Nabigla nga ako nung nag-reply sya. Mumurahin nya ako kapag ako talaga mismo ang nagchat. Alam nyo na, galit na galit sya sakin sa hindi ko malaman na dahilan.

"Kayla..." bumukas ang pintuan ng kwarto ko at niluwa nun si ate Kenna. Umayos ako ng upo at sinarado ang pintuan. "May ipapakilala ako kay Nanay at Mommy bukas. I want you to meet my boyfriend. Gusto ko kasing legal na kami. " nakangiting usal nya.

Nagkibit balikat ako. "Okay. "

"Okay? Yun lang ang sasabihin mo?"

"Ano pa bang dapat kong sabihin, ate?"

"Hayyyst!" Padabog nyang sinarado ang pintuan. Bumagsak ako sa kama at nakipagtitigan sa kisame. Then Silver suddenly entered my mind. Naalala ko ang pagtitig nya sakin kanina.

Shit.










FB: Makiling Montefalco WP
IG: @yiskahwp

The Reason Why He Hated Me // Kydree: Book 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon