Chapter 15: (Her POV)
Wala akong gana habang nakikinig sa tugtog ng gitara ni Silver. Nasa tabi ko lang sya at abala sa pagsta-strum ngunit nililipad ang isipan ko kahit saan.
Napabuntong hininga ako lalo na nung kantahin ni Silver ang Happier ni Ed Sheeran. Talagang fan na fan talaga sya sa Hollywood singer na yun. While me, adik na adik sa kpop.
Halos lahat ata ng kanta ni Ed Sheeran ay kinanta na nya sakin. He know how to guitar. He knows how to play piano. Kaya nama'y mas lalong nahuhulog ang loob ko sa kanya.
Hindi na ako magtaka kung bakit paggising ko isang araw ay hulog na hulog na ako sa kanya. At nakalimutan ko na dahil doon si Kian.
"My wretched life turn into a wonderful and colorful life because of you. Salamat sa inyo ng Nanay at ate ko. Nandun kayo ng panahong kailangan ko ng makakausap at makakapagpakalma sakin. Nandun kayo ng panahon na grabe ang lungkot at pighati na nararamdaman ko. " naging emotional bigla ako.
Nahinto sya sa pagtugtog at napalingon sakin. Hindi sya ngumiti pero alam kong may saya na lungkot ang bumahid sa mga mata ni Silver. Napayuko ako at pinahiran ang nagbabadyang luha sa mga mata ko.
"Nung araw na sinaktan ako ni Kian sa kadahilang hindi nya ako sinipot, nandun ka, Silver. " humikbi ako. "Nandoon ka sa tabi ko at binigyan mo ako ng panyo, hindi ko yun tinanggap dahil hindi ko naman hiniling na may mag-comfort sakin. Pero matigas ang ulo mo at ikaw na mismo ang nagpahid sa mga luha ko. "
Nagsimula syang kumilos palapit sakin. Nang tuluyan nang magdikit ang mga braso namin ay hinigit nya ang beywang ko at malugod kong tinanggap ang mahigpit nyang yakap.
"Aaminin kong nagpakatanga ako kay Kian. Umabot sa puntong nagiging desperada na ako kaya't gumawa ako ng poser account at niloko sya. But then, one thing I didn't realize that time, is yung pati sarili ko ay niloloko ko na pala. " humikbi ako ng humikbi pagkatapos.
Hinagod nya ang likuran ko. "What do you mean?" mahinang bulong nya.
"Niloloko ko ang sarili na hanggang ngayon ay sya parin ang mahal ko. Pero hindi pala. Iba na pala. Alam mo kung sino?" tanong ko. Hindi sya sumagot bagaman ay mariing hinalikan ang tuktok ng ulo ko.
"The guy I am hugging right now is the one I truly like. Not Kian, not everyone else. Just you, Silver. You colored my life again. You changed me. Kahit ayaw na ayaw kita noon dahil sinaktan at niloko mo ang kapatid ko, I like you still. " hindi ko alam kung saan nanggagaling ang mga salitang yun pero totoo ang mga sinasabi ko.
"Hindi ka nagsisinungaling diba?"
I nodded. Mas lalong humigpit ang yakap nya sakin at maya-maya pa'y kumalas sya at nanlaki ang kanyang matang sumalubong sakin.
"Hindi ka nagsisinungaling?" tanong nya ulit. Hindi na ako tumango, ngumiti lang ako. "Hindi ka nagsisinunungaling. " ngayon ay wala ng tandang pananong sa salita nya.
Ngumuso ako nang sumigaw sya ng YES na animo'y sinagot ko na sya sa panliligaw sakin. Pero hindi ibig sabihing nagconfess ako ng feelings sa kanya ay hahayaan ko na ang pusong pumasok sa isang relasyon.
Not now, Silver. I still want my wound heal para kung sakaling mahalin na kita, buong-buo na ang puso ko.
"You are now mine, Kayla. Mine. Only. " mariing sabi nya bagaman ay natatawa. Hinalikan nya ulit ang tuktok ng ulo ko bago mabilis na kinuha ang gitara sa buhangin. Pagkunwa'y tumugtog ng Perfect ni Ed Sheeran.
His voice made me chills. Ang sarap pakinggan, parang lullaby ang boses nya dahilan para muntikan na akong makatulog sa kandungan nya gayong tirik na tirik pa ang araw.

BINABASA MO ANG
The Reason Why He Hated Me // Kydree: Book 1
FanfictionBOOK ONE: COMPLETED BOOK TWO: ON-GOING Kayla Bonifacio has been chasing 'him' for so long. She made a poser account at iyon ang ginamit nya para e-chat si Renzo Kian. Thank you @winkingpinkpiggy for the cover...